Kabanata 25

18.6K 553 26
                                    

Kabanata 25

"Isa na lang?" mahina kong bulong sa aking sarili. Nagmadali akong humakbang upang lapitan ang isang big cart na natitira.

Nang abot kamay ko na ito ay napatigil ako nang makita ko ang isa pang kamay na nakahawak dito. Lumingon ako at pagkatapos ay tinaasan ko siya ng kilay.

Isang pamilyar na lalaki ang aking nakita. Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha. Naningkit ang mata ko at kalaunan ay napakunot ang noo ko.

"Ako ang nauna." sabi niya na ikina-taas ng kilay ko.

Hibang ba siya? Ako ang unang nakakita nito, sabay lang naming nahawakan.

"Bitawan mo na, Kuya." Mahina kong sabi ngunit may diin sa bawat salitang aking binanggit.

"Ayokong bitawan. Akin lang siya." seryosong sabi niya na ikina-tawa ko. Nang-iinsulto na tawa iyon.

"Anong iyo? Walang sa'yo!" hindi sumasang-ayon na sabi ko.

"Wala ding sa'yo!" Sabi niya at pagkatapos ay inalis niya ang kamay ko.

Inilagay ko ang magkabila kong kamay sa aking bewang. Itinaas ko ang aking ulo at pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Ang kaniyang mukha ay nakakapikon. Ngisi ang nakapaskil sa kaniyang mukha. Nang makita ko ang kaniyang mga mata ay mas nanaig sa akin ang kasiguraduhan na nakita ko nga siya dati.

Ang mata niyang medyo singkit ngunit malamlam.

"Ipaubaya mo na sa akin. Babae ako kaya maging gentleman ka naman." Pilit ko.

Mas magiging maalwan o madali kung big cart ang gagamitin ko. Mahirap magbuhat ng blue basket.

"Gentleman? Wala sa bokabularyo ko iyan." Umiiling na sagot niya kaya napairap na lang ako.

"Ah, depende pala kung maganda ang babae." Patuloy niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

Napansin ko na tiningnan niya ako sa buong katawan ko. Sinimulan niya sa ulo hanggang sa paa. Anong? Grabe siya! Hindi ba ako maganda sa paningin niya?

Mukha niya din akong iniinsulto.

Wala naman akong pakialam dati kung anong sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin ngunit ngayong buntis ako ay mabilis akong mainis at magalit kahit sa mga simpleng bagay.

"Huwag mo akong titigan." Suway ko sa kaniya. Pinandilatan ko siya ng mata ngunit tinawanan niya lang ako.

"May mata ako." Pilosopo niyang sagot.

"Gago ka na tapos manyak ka pa." Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay dahil sa gigil at inis.

"Kamanyak-manyak ka ba?" Sambit niya kaya napasinghap ako.

"Kakainis ka!" Mahina ngunit nagngitngit sa galit na sabi ko.

"Akin na ang big cart. Mag-blue basket ka na lang." Sabi niya at pagkatapos ay sumipol siya na para bang mas lalo niya akong iniinis.

"Ang sama naman ng ugali mo." Matigas ang tono ng boses ko dahil sa galit.

Taas noo niya akong tiningnan. Inilagay niya ang kaniyang dalawang kamay sa handle ng big cart. Hinding-hindi ko din binitawan ang handle ng cart para hindi niya ito maitakas sa akin.

Hindi naman siguro siya tatakbo dahil baka makaladkad ako. Pag ginawa niya iyon, paniguradong may topak siya.

"Hindi masama ang ugali ko. Hindi ko lang ugali na magparaya sa mga bagay na nakuha ko na." Sabi niya na para bang humuhugot. Isang irap na nakakamatay ang ginawa ko.

The Billionaire's Dauntless SpouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon