Epilogue

40.9K 888 256
                                    

Epilogue

I'm a womanizer, and I'm so proud of it.

"Will you marry me, Mich?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Gulat na gulat siya at napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Oh my gosh, James!"

"So, what's your answer?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes! I will definitely marry you." Masaya niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.

I smiled at her. I think that she will be a good mother someday. Kung sa mga babaeng nahahalubilo ko ay siya lang ang nakikita kong matino. Hindi naman ako habang buhay na magiging babaero dahil dadating din yung araw na magsasawa din ako.

Ngunit kahit na nag-propose na ako sa kaniya ay hindi pa rin ako titigil sa pagiging babaero. I will enjoy my life before we got married.

Enjoy life to its fullest.

Niligawan ko siya. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. I tried to become a loyal man but I can't. Girls keep on asking for one night stand. How can I turn them down? I'm just a man with needs.

Ang hirap umiwas sa tukso.

"Pasensya na kung simple lang ang proposal ko." sabi ko at inalis ko na ang kamay niya sa akin. Hiniwa ko ang medium rare steak at isinubo iyon.

"Ayos lang. Alam ko naman na sobrang busy mo ngayon dahil sa sunod sunod na opening ng mga hotel na binuksan niyo." Nakangiti niyang sabi.

She's so sweet. Hindi siya demanding kaya natutuwa ako sa kaniya. Ayoko sa lahat ay nagger na babae. Gusto ko yung understanding.

"Yes. I'm so tired." Sabi ko at nag-unat ako ng kamay.

"May tanong lang ako sa'yo, James." nakuha niya ang atensyon ko.

"Ano ang itatanong mo?"

"Bakit ako? Sa dami ng babaeng nakakasalamuha mo ay ako pa ang pinili mo?" Tanong niya kaya napatigil ako sa pag-unat at naibaba ko ang mga kamay ko.

Bakit nga ba siya? Ang alam ko lang ay dahil matino siya, and she's innocent. May malalim pa bang dahilan?

"I want you to be my wife, Mich. I think you're great." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Napansin ko na lumiit ang ngiti niya. "Alam mong ayoko sa playboy."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ko ito. "Gago man ako pero gusto kong magbago at ikaw ang gusto kong makasama sa pagtanda ko."

She smiled. Every girl wants to hear that.

*

"Malapit ka ng ma-promote. Sige na. Goodbye na. I'll call you later na lang." sabi ng isang babae at pagkatapos ay ngumiti siya sa cashier.

"Goodbye." sambit niya bago niya patayin ang linya ng tawag.

"Can I get your number?" Tanong ko ngunit hindi niya ako pinagtuunan ng pansin.

Naglakad siya palapit sa counter. Inilagay niya ang cellphone niya sa bag ngunit hindi siya tumitingin dito. Napasipol ako nang pumatak ito sa sahig. Hindi niya yata narinig iyon at busy siya sa pagtingin sa menu.

Binati siya ng cashier. Yumuko ako at kinuha ko ang cellphone niyang nahulog. Tsismoso ako kaya tiningnan ko ang wallpaper sa cellphone.

Napasipol ako nang makita ang isang magandang dilag.

"Good morning. Give me one mashed potato. What's your available breakfast on your menu?" tanong niya.

I'm available. Wanna buy me, Miss Beautiful? Pero dahil maganda ka naman pwede mo akong iuwi ng free.

The Billionaire's Dauntless SpouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon