HIMALA

32 6 0
                                    

"Inalay mo sa akin ang...gabing walang hangganan..."

Habang tumutunog ang phone ko, nakita ko muli ang kaniyang pagbungisngis.

"Tigilan mo nga ako, mahal! Natatawa ako lalo e!"

Kanyang mga matang mapayapa...kanyang...hindi ko maipaliwanag...

Bakit para bang nabihag niya ako...

"ARVIN! ARVIN! TULONG!"

Ginising ako ng mga serena sa labas.

Tila nagkakagulo ang lahat...

Agad akong bumangon, papunta kung saan...

Hindi ko alam...kailangan ko siyang makita...kailan...kailangan...

Naglalabasan ang mga estudyante sa kanilang mga silid para makita ang mga

nangyayari...

Tila may hinahanap ako na hindi ko maalala ang kanyang pangalan...kanyang mukha?

Sino ba siya...sino...?

"...di mahagilap sa lupa ang pag-asa..."

Paulit-ulit ang boses niya. Paulit-ulit akong hinahanap, tinatawag...tinatawag...

Hindi ko siya mahagilap sa dami ng tao sa labasan.

Kita na sa kalangitan ang malaking usok na bumabalot sa buong Calamba...

Hindi pwede...hindi!

Agad ako pumunta sa palengke...

Hindi ko mawari kung bakit ako mabilis pumunta doon....

Kahit hapong-hapo na ako, may sinisigaw akong pangalan na...di ko maintindihan...

"...nakikiusap na lang..."

Usok. Alikabok. Abo. Itim. Lagim.

Hindi ko alam, hindi ko maintindihan kung ano ang gagawin ko. Sino ba siya? Ba...bakit

ko siya hinahanap?

...hindi ko naman siya kilala...

Habang lumalaki na ang apoy, palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ko.

Sigaw, takbo...ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko at ako ay sumugod sa loob.

Puno na ng apoy...

Hindi ko mawari kung bakit ako naroon.

"MAHAL!? ARVIN!"

May narinig akong isang boses, tila sinisigaw ang pangalan ko...

Siya! Si...sino...

Tila namalikmata ata ako nung nakita ko ang kaniyang mukha. Sino...

Ang pagtitig niyang tagos sa aking kaluluwa...nakakatunaw, nakakapanghina...

"...TULONG!"

"ANO BA, ARVIN! HINDI KA PA BA TATAYO DIYAN?"

Pagmulat ng mata ko, ramdam ko agad ang init ni Haring Araw. P*cha naman.

Agad kong minasahe ang sentido ko. Nahilo ata ako gawa ng babaeng yun ah...

"ARVIN! TANGHALI KA NA NAMAN! KAKA CELLPHONE MO YAN! NAKO, BAKA HINDI KA

PA MAKA ABOT SA UNA MONG KLASE!"

Buntong hininga.

"Eto na po, babangon na!"

Tinignan ko muna phone ko kung may nagnotif. Sana naman may bagong release na

Ben & Ben.

"NASA LAMESA NA PAGKAIN MO!"

MUNDO MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon