Dumaan na naman ang oras, at... nawala na naman siya sa tabi ko.
Amoy na amoy ang bibingka at puto bumbong, at nagdidiwang ang gabi sa pagiisa ko.
Medyo masakit pero...wala, ginusto ko 'to.
Habang palabas ako sa may simbahan, may narinig akong nag-aaway sa labas...
Medyo pamilyar ang boses nung lalaki, at mukhang seryoso sila.
Naisipan kong makinig sa may gilid...
"Ano ba, Carlo?"
"Anong 'ano ba'?"
" Maglolokohan pa ba tayo dito, ha?"
Sinubukang hawakan nung lalaki yung kamay nung babae kaso nagalit. Hala, telenovela
ata pinapanood ko ah!
"Anong sinasabi mong ano ang ginawa mo sakin kagabi?"
"Claris, baka may makarinig..."
"Pakielam ko! Eh di marinig! Pinagsamantalahan mo ako habang wala ako sa wisyo! Alam
mong lasing ako non!"
"Mah..."
"Wag mo ko matawag-tawag na mahal? Plano mo ba 'to? Na pikutin ako? Paano kung buntis
ako, ha?"
Medyo naawa ako dun sa babae kaso...di ko talaga mamukhaan yung lalaki. Di ko tuloy
alam kung siya ba yung kilala kong Carlo...kainis!
"Claris naman! Pareho tayong lasing non wala ako alam at hindi ko plano yon sayo lasing na
tayo!"
"Hindi pwedeng isisi na lang natin sa alak ang lahat kapag may nangyayari sa ating dalawa."
Medyo mangilid-ngilid na yung luha nung babae sa mata niya.
"Tapos na tayong dalawa... tapos, paano kung mabuntis mo ako? Magkaka-anak tayo, Carlo?"
"Isang beses palang natin mag-ganon, hindi naman..."
"Tangina naman, Carlo! Babae ako, lalaki ka!"
Aalis na ata yung babae kaso hinila siya nung lalaki. "Kapag ako hindi dinalaw ng
buwanan ko mayayari ka sakin."
"Ha? Hindi naman sig..."
"Papanagutan mo 'to o ilalaglag ko 'to?"
Pilit niyayapos nung lal...teka, si Kuya! Si Kuya yon?!
"Wag naman sana umabot sa ganon, Claris..."
So...girlfriend pala 'yon ni kuya.
Hala, kaya pala hindi siya masyadong nauwi sa bahay.
Grabe, alam kong sobrang tapang at brusko ni kuya pero ngayon ko lang siya nakitang
ganon, parang takot na takot...
"Bahala ka na. Basta ako, uuwi na ako."
"Pwede bang sa 'tin muna 'to, ha?"
Tinitigan ni Claris si kuya ng nakakamatay. "Alam mo, ewan ko sayo."
Iniwan niya si kuya sa may labasan. Kitang-kita sa kuya ko ang pagiging balisa niya sa
narinig niya.
Ang lalo kong kinagulat, ngayon ko lang nakitang ganoon si kuya.
Pero kahit pagago-gago si kuya, alam kong hindi naman masama ang intensiyon
BINABASA MO ANG
MUNDO MO
RomanceAng tula at musika ay pawang magkaparehas lamang, pero ang musika ay nilalagyan ito ng tunog, tono at buhay samantalang ang tula ay binibigkas na may pakiramdam Kahit anong panahon at oras, itong dalawang ito ay magtutugma...gaya ng puso nating pina...