YOUR UNIVERSE

10 3 0
                                    

Hindi ko na lang inisip...pero hindi nawala ang lungkot sa utak ko.

Taon na ang lumipas pero di ko ito maalis. Nagpacheck na din ako sa doktor, wala

naman daw ako nararamdamang kakaiba?

May nakalimutan ba ako?

...may dapat ba akong malaman?

---

"Boy, bibili lang ako ng kwek-kwek! Sa'yo muna bag ko..." Tinanggal ni Mikay ang

shoulder bag niya at iniabot sa akin. Natawa na lang ako.

'Tong babaeng 'to, di na nabusog!

Simula nung nakita ako ni Maris na nakatulala sa merkado, may hindi ako mapaliwanag

na puwang sa puso ko na hindi ko maintindihan...

may kulang parang ewan pero parang may kabiyak na ito

Nakita ko si Maris na inabutan ng bulaklak nung isang lalaki, at biglang lumaki ang ngiti

niya.

Nagtapat siya kinalaunan ng nararamdaman niya para sakin pero...hindi ako makasagot.

...parang hindi siya ang gusto ko.

Umupo muna ako sa may bilihan ng burger habang iniintay si Maris bumalik.

Dumami na din ang kaibigan ko sa school. In fact, mas active na ako! Hahahaha!

Nakapaggawa na din ako ng banda ko sa school at tuwing may event, natugtog kami.

"Huy! Tara na!"

Nabigla na din si mama sa pagbabago ko. Kung saan-saan na din ako nakakarating.

Kaya paminsan-minsan e napapagalitan na dahil hindi na nauwi sa tamang oras, pero ngayon,

ayun... medyo nasanay na siya.

Nakakabawi din naman ako kasi malaki-laki din kita pag may gig.

Pero, sa lahat ng 'yon, bakit may kulang...

"Rosales!"

Nagulat ako nung sinuntok ni Maris ang balikat ko. "Uy."

Tumawa siya ng mahina. "Uy ka din. Tara na, tulungan mo ko maglinis!"

---

Tinuro ko yung agiw sa may kisame...p*cha! May kasamang gagamba!

Tinawanan lang ako ni Maris habang mangiyak-ngiyak ako sa paghuli sa gagambang

sumuot sa t-shirt ko. Kagaling talaga!

Tumigil si Maris sa pagtawa nung bumukas ang pinto.

"Nak, pabuhat pa nga nung mga groceries sa tricycle..."

Binigay ni Maris sakin ang walis na hawak niya. "Sige po, wait..."

Naiwan ako sa may sala habang nag-aayos sila ng groceries.

Nung napansin ni Tita na nagaagiw pa din ako, kinantiyawan niya agad ako. "Oh, andito

pala boyfriend mo kaya ka tahimik!"

"Ma naman! Basted nga ako, diba?"

"Ay okay..."

Nilayasan kami ni Maris at umakyat sa kwarto.

Ngumiti na lang ako. "Magandang hapon din po, Tita."

Pinagpag ko ang ilan sa mga doormat nina Maris sa labas nung napansin kong may

MUNDO MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon