SA'YO

11 3 0
                                    

"Mary Ann? Nakapaginit ka na ba ng kape?"

Habang papalapit ang yabag ni Inay, nakita ko ang isang di pangkaraniwang liwanag

galing sa banyo kung saan ko iniwan si Arvin

Unti-unting pumatak ang luha sa mata ko nang buksan ko ang pinto.

Mary Ann, sinabi naman na sa'yo na tama na e...

"Nak? Mary Ann?"

Agad kong pinawi ang mga luha sa mata ko at nilapitan ko si Inay.

"An- - -"

Sa pagyakap ko sa kanya, unti-unting tumulo ang luha ko.

"Hu- - -" May sasabihin sana si Inay pero naubo siya. Hinigpitan ko na lang ang yakap ko sa

kanya.

Hindi ko alam kung naiintindihan ako ni Inay, pero sa yakap niya, naramdaman kong

hindi ako nagiisa.

---

Nakatulala ako sa kalendaryo sa may sala.

Pwede kayang punitin ko yon hanggang sa nasa iisang panahon...o iisang pagkakataon

lang, na magkasama kami ni Arvin, at hindi niya na kailangang umalis?

Ibinaling ko na lang ang pagtingin ko sa mga papel na nasa harap ko.

Wala namang makakapagsolve ng equilibrium kung hindi mo yan sasagutan, Mary

Ann...

Habang puno ng katahimikan ang gabi, payapa akong nagsosolve ng mga assignment.

Magmimidterms na din. Sana lang, maalis ko siya sa isip ko.

Dahil masakit.

Kahit...masakit.

Ganito pala kapag nagmamahal, ano? Nakakatanga.

Pagkatapos ng gabing yon, ang laki na ng pinagbago namin.

Oo, nagkakaintindihan na kami lalo na't alam naman naming hindi kami laging

magkasama.

Inayos ko na ang mga papel at ipinikit ang aking mga mata.

Tama na siguro, bukas na lang ulit ng madaling-araw.

At oo, naniniwala akong pinagtagpo kami ng tadhana, magkaiba man ang panahon at

oras, pero iisa lang ang puso... kapwa umiibig sa isa't isa.

Pero hindi naman ibig sabihin nito na hindi ako naiyak, o nalulungkot kapag umaalis

siya. Oo, in love ako, pero hindi naman ako tanga...

Pero, lagi kong iniisip na ginusto ko to.

Kahit masakit...laging masakit.

Ang hiling ko na lang sa Maykapal, sana dumating ang isang araw na pwede na akong

manatili sa mga bisig niya...uuwi ng magkasama, sana makasama ko talaga siya, at hindi na

niya kailangang mag-alala pa.

---

"Mary Ann!"

Natigilan ako sa pagsasagot nung nilingon ko ang tumawag sa akin.

" Alam mo na ba ang tsismis sa kuya mo ngayon!?"

"Ssshh!"

Bumulong si Gladys. "Sorry..."

MUNDO MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon