Pagdating ng final exam namin, sakto ang aral ko.
Handa na ang aking ballpen para magsagot, lalo na't excited na ako para makita si
Mary Ann at makasama ulit!
Habang nagsasagot, medyo nahirapan ako sa ibang tanong kaya binuklat sa huling
pahina ay may bonus na sasagutan...kung ano ang nangyari sa Calamba noong 1990s na
ngayong araw nangyari.
Tinignan ko ang relo ko at 5 minutes nalang ang natitira.
Wala pa akong sagot sa unahan. ..
"Ang unang pagaayos/renovate ng banga ng Calamba" na lang inilagay ko.
"Pagkatapos ng lahat, saka ko sasabihin ang sagot sa bonus."
Kahit may lakad pa ako, naghintay ako kung kailan sasabihin ni sir yung sagot.
Maikwento din kina Mary Ann para makapaghanda sila.
"Okay, ang sagot sa bonus na 20 points ay ngayon araw na 'to. Nasunog ang palengke ng
Calamba..."
Tinitigan ni Sir Salazar ng maigi yung papel at kumunot ang noo ko. Anong sunog, e
wala namang nababanggit sa akin si Mary Ann?
"...mukhang may isang nakakuha, si Martinez. Bakit mo 'to alam, Maris?"
Kinabahan ako, at parang bumigat ang pakiramdam ko.
Sana hindi...sana paranoid lang ako.
Ngumiti ng tipid si Maris. "Nachika po kasi yan ni Mama, diyan din daw po kasi namatay
si Papa."
Tinignan ko si Maris ng mabuti. Hindi kaya...
Lumapit ako at bumulong sa kanya.
"Maris, just out of curiosity... anong pangalan ng mama mo."
"Ha? Uhh, ano...Claris Martinez, bak- - -"
T*ngina.
Hindi ko na pinatapos si Maris at agad akong kumaripas ng takbo.
"Arvin! Teka, saan ka pupunta!?"
~
Nagmamadali ako palabas, at kahit nadadapa ako sa pagtakbo, hindi pa din ako natigil.
Agad ko kinuha at isinalpak sa tenga ko ang earphones ko.
"Gumana ka na...bilis, bilis..."
Habang naguguluhan ako, lahat ng kanta sa cellphone ko ay naplay ko na pero di na ata
nagana ang earphones ko... wag mong sabihing...
Bakit ngayon pa nangyari 'to sakin...
Habang naghahanap ng paraan kung paano makakapunta kina Mary Ann, napansin
kong hindi ko pa pala napeplay yung Huling El Bimbo.
Tinupi-tupi ko ang wire nito at nabuhayan ng loob nung narinig kong tumunog ito.
Sa pagtugtog ng unang nota nito, ipinikit ko ang mata ko, umaasang hindi pa huli ang
lahat.
~
Nagmamadali akong pumunta sa palengke, kung saan kita mo sa langit ang sunog at
nagkakagulo ang mga tao.
Hinahanap ko si Mary Ann sa mga nagkakagulo, pero bigo ako na makita siay.
Hindi...sana mali ang hinala ko...
BINABASA MO ANG
MUNDO MO
RomanceAng tula at musika ay pawang magkaparehas lamang, pero ang musika ay nilalagyan ito ng tunog, tono at buhay samantalang ang tula ay binibigkas na may pakiramdam Kahit anong panahon at oras, itong dalawang ito ay magtutugma...gaya ng puso nating pina...