214

13 4 0
                                    


Nakita ko ulit siya sa may silid-aklatan na mukhang bagong gising.

Naglalakad na ako pabalik sa room.

Hahanapin ko sana siya kaso...bigla siyang nawala.

Pero ewan ko din...hindi ko ramdam magsungit sa kaniya kanina.

Mukha siyang nababahala...at takot.

"...mula sa iyong mata..."

Ang ipinagtataka ko lang, tuloy-tuloy ang pagsusulat ko ng tula ngayon habang iniisip ko

si Arvin.

Bakit parang...nabihag niya ata ako?

"Huy!"

"Ay tipaklong!"

Agad akong tinawanan ni Gladys.

"Mukhang busy ka na naman ah..."

Sinilip ni Alex yung papel na sinusulatan ko kaya agad ko itong itinago.

"...at sino naman yang nasa tula mo? May nanliligaw na ba sayo? Ikaw ha..."

Tinawanan ko lang si Alex. "Ha? Hahahahaha! Wala ha!"

"Oo nga, nakita ko yan kahapon... palabas ng library, halos mapunit ang mukha pagngiti!"

kantiyaw ni Gladys sakin.

"Hala, grabe naman kayo! Wala lang yun, ano..."

"...may bago lang akong kakilala."

Inubos na ni Alex ang pagkain niya ng palihim. "Nako, nako...magkaka love life ka na!

Tamo ngiti mo pag natotopic si arvin, mapupunit na yang pisngi mo e!"

"Ano nga bang meron don sa lalaking yon at mukhang nagayuma ka ata diyan?" natatawang

tanong ni Gladys.

"Wag nga kayo diyan...ano...uhh...wala, binalik lang niya yung panyo ko..."

"Iba na 'to, nako... pag nagkataon, pakilala mo naman kami sa boyfriend mo, ha?" nakangising

sagot ni Mary Ann.

Hala, boyfriend agad? Ang bilis ata mag-isip ng mga ito!

"Hindi ba pwedeng magkaibigan muna kami?"

Napatitig ako sa may pinto ng library.

Kailan kaya magtatagpo ulit ang landas namin...

"Doon din naman papunta yon!" bira ni Alex sabay tawa.

May halong kilig ako naramdaman habang pinag-uusapan namin si Arvin n mga kaklase

ko sa may library.

Hindi naman kasi ako ganung tao dahil din sa kuya ko, protektado ako eh. Kilala pa man

din 'yon na gago dito simula nung high school pa ako.

Lagi yung nakabantay sakin at pinapalayas niya yung mga lalaking naaligid-ligid sa akin.

Kaya siguro medyo nakakapanibago sakin na may matipuhan akong lalaki.

Magiisanglinggo na pero hindi ko na ulit nakita si Arvin sa school. Nakakapagtaka lang...

Lagi naman ako nasa library pero wala ni isang bakas ng presensiya niya.

Kahit tinanong ko sa librarian, wala naman daw lalaki na napunta na ganon.

Walanjo, ang labo naman. Gusto ko pa man din siyang kausapin kaso...inimagine ko

MUNDO MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon