HUWAG KANG MATAKOT

9 4 0
                                    

Mag-iisang linggo na akong napasok. Katulad nung senior high ako, bahay-school lang ako

lagi.

Hindi pa rin ako palasama sa mga kaklase ko.

Si Maris nalang ata ang nagtitiyaga sa akin na makipagusap tungkol sa assignment, lesson at

kung ano ano.

Yung iba kong mga kaklase, nakikita ako na suplado.

Ding!

Totoo naman, hindi ko naman sila masisisi kung ganun ang tingin nila sakin. Minsan kasi,

nawawalan na ako ng tiwala sa ibang tao.

Ewan ko ha, kung ako lang ba yung ganito, pero mas gusto ko na konti lang ang kaibigan ko...

kahit iisa lang, pero totoo sayo.

Ding!

Chineck ko yung phone ko. Si Maris pala ang nagchat.

"Hi Arvin! Btw, wala ang prof natin ngayon sa unang subject. Sinabihan na kita at baka

pumasok ka sa unang subject."

Nag-send ako ng like emoji.

"See you na lang sa pangalawang subject!"

Sineen ko na lang ito.

Hindi naman sa ayaw ko magchat, tinatamad lang talaga ako.

Ewan ko ba... kahit ang bait naman ni Maris sakin.

"Hindi ka pa ba papasok Arvin? Anong oras na oh?'

Nilingon ko si Inay, na naghuhugas ng pinggan ngayon.

"Wala daw kaming prof ngayon, nay."

"Ah, siya, samahan mo muna akong magtinda ng pares ngayon!"

"Sige po."

---

Binigay sa akin nung isang customer yung mangkok niyang walang laman.

"Nay, isa pa nga pong pares."

Iniabot ko kay Inay yung mangkok at kinuha ko yung towel ko para magpunas ng pawis. Grabe

ang init.

"Nak, kamusta naman ang mga prof mo ngayon? May mga prof ka ba ngayon na galing UPLB

at part time prof sa LCBA?"

"Wala naman po nay puro mga bago."

"Yung iba ay galing lang din sa LCBA, yung isa kong prof na medyo madanta na si ma'am

Eusebio, ngayon mababait naman silang mga prof. Hindi gaya ng sinasabi mo nay.

"Nako iyang si ma'am Eusebio, naging teacher pa ng tatay mo yan sa Los Baños noong

panahon namin. Nako, kabahan ka na pag may galing UPLB kang prof. Magsasalita lang iyon

at magpapauwi, pagtapos na ang klase."

"Ano ba Joy? Kanina pa kita hinihintay! Nasaan ka ba nanggaling at isang kanin pa at sabaw

ang meron dito."

"Eh, kasi ang tagal magpa-out ni Sir Salazar ngayon ih. Sorry na isang pares po, nay."

"Ako ay papasok na, baka malate pa ako."

"Siya sige, balikan mo nalang ako pagka-awas mo."

Habang papasok na ako, naalala ko bigla yung babaeng nadali ko ng pinto nung isang araw.

[RAM1]

Mga limang araw na ang nakakalipas, hindi ko pa rin siya makasalubong o di kaya makita sa

school. Nakakapagtaka lang kasi maliit naman ang LCBA, di ko pa rin siya nakikita.

MUNDO MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon