Nagunat ako ng braso.
Naglagutukan ang mga buto ko, nagpapahiwatig na pagod na ito sa pagtatype at
pageedit ng grammar.
Tinignan ko ang langit mula sa may bintana...
Mula sa kadiliman, umusbong ang liwanag...
"Anak? Kakain na!"
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at tumulong kay mama na maghain.
"Uy! Sinigang! Ayos!"
Tumawa si mama at agad sinuntok si papa. "Hoy, ikaw ha..."
Agad niyapos ni Papa si Mama. "Eto naman, di na mabiro..."
Pagkakain namin, bumalik ulit ako sa upuan ko at ipinagpatuloy ang pagtatype.
Nakalimutan ka man ng mundo, pero isusulat ko pa rin ang storya mo, Lola...
"Sa kaniyang mata, nakikita ko ang kasiguraduhan..."
Binasa ko ulit ang mga testimony at articles tungkol dito...mga litrato, mga sinulat na
istorya, paulit-ulit na nagpapabalik-balik kung paano sila nagkita at bakit sila nagtagpo...
Ding!
Pagtingin ko ng phone, si James pala nagchat.
"How's your research about your family tree, bebe?"
Nagcringe ako ng konti. Nalilimutan kong boyfriend ko na nga pala siya.
Agad akong nagreply.
"Not so good, sumasakit na ulo ko. Mas madaming question marks."
"Paanong..."
"Like, for instance...why 1994? Why her?"
Sinave ko ulit ang document na tinatype ko.
"Idk, baka destined talaga sila?"
Nagbuntong-hininga ako. "Destiny? Really? Alam mo namang di ako nainiwala sa
ganyan, diba?"
"Well, oo, but you have me."
"...so?"
"At some point, hindi ka pa din ba maniniwala sa tadhana?"
Mikay, wag kang mang-away...concerned lang yung tao.
Minasahe ko ang mga mata ko.
"Hey James, look, sorry..."
"Hindi lahat ng tanong kailangan ng kasagutan, bebe."
Tinignan ko ang picture ni Lola na galing sa lumang phone ni Lolo.
Kung tadhana man yon, o magic earphones...siguro nga tama si James.
Mas mabuting ang nakaraan ay manatiling nasa nakaraan.
After all, ito ang dahilan kung bakit tayo naandito sa kasalukuyan.
"Mikay?" Nagulat ako nung pumasok si Mama sa kuwarto.
Agad kong sinara ang laptop ko. "Po?"
Kamukhang-kamukha niya si Lola sa pagngiti niya.
"Anak, pahinga ka na."
"Sige po, Ma..."
Sinara niya ang pinto paglabas niya.
Tinignan ko ang research paper na ginawa ko...
"Mas mabuting ang nakaraan ay manatiling nasa nakaraan..."
Tinext ko na si James at dinelete ang file.
May dahilan siguro kung bakit ang pagmamahalan nila'y isang misteryo...
~
BINABASA MO ANG
MUNDO MO
RomanceAng tula at musika ay pawang magkaparehas lamang, pero ang musika ay nilalagyan ito ng tunog, tono at buhay samantalang ang tula ay binibigkas na may pakiramdam Kahit anong panahon at oras, itong dalawang ito ay magtutugma...gaya ng puso nating pina...