✞︎ Pahina 5

150 52 20
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Tahimik na kinaladkad ni Wayu ang patay na katawan ni Xnike papunta sa Red Room. Ang Red Room ay ang tambakan ni Wayu ng mga estudyanteng napapatay niya. Kaya kung madadaanan mo ang silid na 'yon ay mapapansin mo ang umaalingasaw na amoy ng patay. Bukod kay Wayu ay wala ng nakakapasok pa doon dahil naka padlock ito. Maski si Rishelle na kanang kamay niya ay hindi niya hinahayaang makapasok doon.

Pumasok siya sa silid saka binitawan ang bangkay. Maingat na lumabas siya dala-dala ang ulo ng dalaga. Walang nakakakita sa kanya dahil bukod sa may orientation sa Gymnasium ay mabilis rin siyang kumilos. Hindi man lang napapansin ng mga estudyante na ang Wayu na nakatayo sa harap nila sa orientation sa Gym ay kathang isip lamang nila. Ganon kagaling si Wayu. Wala yatang bagay na hindi niya kayang gawin.

Pagdating niya sa pinto ng Faculty ay mabilis na pinihit niya ang sedura ng pinto. Naupo siya sa swivel chair habang tinitingnan ang ulo ng dalaga sa taas ng kanyang lamesa. Sa mukha at pagkakadilat ng mata nito ay para bang buhay pa. Ngunit ang mga pilat at hiwa sa kanyang pisngi ay napaka ruming tingnan. Napangisi na lamang si Wayu sa kanyang ginawa. Nangalumbaba siya at mas tinitigan pa ang ulong nasa harap niya.

Gagamitin nalang kita bilang pamalit sa ulo ko. HAHAHAHAHA!!!!!

Napuno ng nakakatakot na halakhak niya ang buong opisina.

"Huwag kayong lalabas sa gabi. 3pm in the afternoon all classes will be over and it is time to go back to your dorm."

Hindi kayang makinig ng dalawa sa nagsasalitang si Rishelle. Nababalisa parin sila sa pag-alis ni Xnike. Hindi nila alam kung uuwi ba talaga ito o parte ng pag-angat niya ng tingin kay Wayu. Nagtataka rin ang iba kung bakit hindi na nagsasalita ang Founder. Nakaupo lang ito sa gilid. Hindi nila alam kung nakatingin ba sa kanila ito dahil takot silang mag-angat ng ulo.

"And lastly, DO NOT ENTER THE RED ROOM."

Nang matapos ang orientation ay kanya-kanya silang alis para puntahan ang lumang room na napili nila. Nagkakatinginan ang dalawa dahil pareho yata sila ng iniisip na baka patay na nga si Xnike. Pero iniiling nila ito dahil baka rin ay biro-biro lang 'yung sinabi ng Founder.

Biglang sumulpot si Jane sa kalagitnaan ng paglalakad at pag-iisip nila na ikinagulat naman ng dalawa.

"Saan ka galing?" Blangkong tanong ni Kate. Sa kanilang dalawa ni Myrl ay mas apektado siya kaya ganoon na lamang ang kabang nararamdaman niya.

Humalakhak si Jane. Imbes na sagutin ay iniba nito ang usapan.

"Ang cool nung Wayu! May pa look up, look up pa! Look at me Mryl and you'll be inlove. Pak! Hhaha!"

"__" Kate.

"Nababaliw ka na naman." Mryl. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Hindi natuwa ang dalawa sa biro ni Jane kaya napasimangot ito.

"Saan si Xnike?" Tanong niya nang mapansing hindi nila ito kasama.

Nagkibit balikat lang si Kate kaya si Myrl na ang sumagot. "Pinauwi ng lola niya."

"Ahh. E 'di ba bawal na daw lumabas? Nakalabas kaya siya? Unfair! Ba't niya tayo iniwan?" Pangungulit niya. Hindi nagsasalita ang dalawa dahil ayaw nilang mag conclude. Ayaw nilang pangunahan ang mga nangyayare lalo na at hindi pa sila sigurado. Sa pangungulit niya ay hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Pagharap niya ay kasabay nang pagkabangga niya sa isang estudyante. Napaupo siya sa lupa, nagkalat ang libro at papel na hawak ng lalaking nakabangga sa kanya. Tinulungan ni Myrl at Kate ang lalaki sa pagpulot ng gamit nitong nahulog tapos ay binigay nila itong maayos.

Abandoned University [On Hold] Where stories live. Discover now