Napabalikwas ako ng bangon paupo mula sa aking kinahihigaan.. Hindi ako makahinga ng maayos, naninikip ang aking dibdib. Namawis ang aking noo... Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.
Panaginip!
Iginala ko tingin ko sa buong kwarto... Walang kakaiba... Pero wala rin akong kasama!
Nasaan sila?
Mabilis akong bumangon at tumungo sa kusina. Habang tinatahak ang daan ay sari-saring katanungan ang naiisip ko.
Hindi panaginip ang nangyari kagabi! Alam ko, nararamdaman ko. Pero paano ako nakatakas? Paano ako nakatakas kay Ziya? Nasaan si Jane? Si Myrl?
Napatakip ako sa aking bibig nang makita ang bakas ng dugo sa sahig... hugis paa...paa ni Ziya!
Masangsang at nakakadiring amoy ang sumalubong sa'kin nang buksan ko ang pinto sa kusina. Bumaliktad ang sikmura ko nang subukan kong ihakbang ang aking paa. Gamit ang kamay ay tinakpan ko ang aking ilong at tiniis ang nakakadiri at mabahong amoy para maabot ang mangkok sa lamesa. Tumulo ang luha ko nang masiguradong hindi nga panaginip ang lahat..
Ang mga daliri ni Myrl...
6 months later...
Hindi ko na muling nakita si Jane.. maybe Myrl was dead.. hindi ko alam pero malakas ang kutob kong buhay pa si Jane. Ilang beses ko siyang sinubok hanapin pero hindi ko magawa. Someone's stopping me! Pero hindi ko alam kung sino...
“Kate!”
Napasinghap ako at bahagyang nagulat sa paraan ng pagtawag niya. Ang lahat ng mata ay nasa akin nakatutok. Natawa narin ang iba dahil sa reaksyon ko. Siguro ay napapansin nilang ilang buwan narin akong ganito...magugulatin at walang imik. Pero...
"Saang silid?"
“R-room 69, 5th floor, Ms..” nakayukong sagot ko.
Nagsimula akong mailang sa lahat ng taong nakapaligid sa akin mula noong gabing 'yon. Pakiramdam ko ay walang totoong kaibigan...lahat ay kaya kang iwan. But Jane's situation was different.
Siguro...
pinilit siya ni Ziya na sumama sa kanya..
Pwede ring tinakot. Kaya alam kong hindi niya sinasadyang iwan ako..dahil magkaibigan kami!Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko sa mga dahilang malabong magkatotoo.
Hindi niya ako magagawang iwan dahil magkaibigan kami!
“Hahayaan kitang irepresenta ang klase natin sa buong unibersidad... Pero gusto kong sabihin mo ang dahilan kung bakit..” Puno nang panghuhusga ang mga mata niya.
Napalunok ako at kinabahan. Bakit nga ba ako sumali? Hindi ko hilig ang pagsali sa officers pero... Kailangan kong mahanap si Jane! Alam kong malaking tulong ito para maging daan sa paghahanap sa kanya..
“Kate...”
Hahanapin ko siya..
“Kate!”
Hindi niya ako iiwan basta-basta, alam ko yon! Magkaibigan kami..
“Kate?”
“Ms, baliw na yata 'yan..”
Napuno ng tawanan ang buong silid. Nagsimula narin nila akong batuhin ng mga papel. Napayuko at napaluha...
Wala namang mali sa dahilan ko...magkaibigan kami at hindi niya ako iiwan.
Pero iniwan ka na niya, Kate..
Umiling ako..hindi, hindi niya ako magagawang iwan!
Pumikit ako at tinanggap lahat ang masasakit an salita mula sa kanila at ang papel na binabato nila!
May mali ba sa dahilan ko?
"Tanga, ang lakas ng loob mo, eh baliw ka naman!"
"Matatalo tayo kung ikaw ang representative namin!"
Patuloy parin sila sa pagbato. Akala ko ay papel lang ang ibabato nila pero nagkamali ako. Someone's threw an egg on me. Ang malagkit at ang di kaaya-ayang amoy nito ay unti-unting lumukob sa aking katawan. Marahan kong hinawakan iyon upang tanggalin.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha sa aking mga mata. Pilit kong tinatagan ang loob ko. Ilang buwan naring ganito ang sitwasyon ko kaya nasasanay na ako. Hindi ko lang mapigilan minsan na maluha kapag nababanggit ang pangalan ni Jane.
Jane is my strength..
Hangga't kaya ko ay hahanapin ko siya.
Isang pares ng sapatos ang pumunta sa harap ko. Hindi ako nag-angat ng tingin dahil kilala ko na ang sapatos na yon.
"Andrew!" Sigaw ng iilan.
I felt his hand on my head. Minsan ay nasasagi niya pa ang kamay ko. Tinulungan niya akong tanggalin ang itlog kahit mabaho iyon. Muli akong napahagulgol sa ginawa niya.
He's been there...
Siya ang laging andito para ipagtanggol ako..
Siya ang nandito simula nung kaaayawan ako ng lahat..
Hindi ko alam ang pakay niya pero...natatakot akong sa huli ay mawala rin siya.
"Are you okay?" His voice was full of concern.
Tumango ako. Hindi nagsalita.
"Andrew, gusto mo ba siya? E, baliw yan e!"
"Naks, Kate, anong klaseng gayuma ang ginawa mo?"
Bumuntong hininga siya. Ramdam ko ang pagpipigil niyang pumatol. Kitang-kita ko ang pagkuyom mg isang kamo niya. Tumingala ako upang tingnan ang mukha niya.
I gulped when I saw his dark eyes... Kumibot ang labi ko nang magsimula niyang ilapit ang mukha sa'kin. Napatalon ako nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko.
"Higpitan mo ang hawak mo.." malambing na bulong niya.
Kasabay non ay ang paghila niya sa'kin palabas ng silid na iyon. Tinakbo namin ang daan papunta sa.....
Faculty...
"Andrew..." Mahinang tawag ko. Hindi niya narinig iyon dahil patuloy lang siya sa paghila sa'kin.
Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Gusto ko silang lingunin...gusto kong makita ang pandidiri sa kanilang mga mata. Pero may kakaibang awra ang mayroon si Andrew na pinipigilan ako...hindi ko alam pero pakiramdam ko'y nakadepina na ang desisyon ko sa kanya.
Binuksan niya ang pinto ng abandunadong Faculty. Hinila niya ako sa loob at mahigpit na niyakap. Isinara niya ang pinto sa likod bago ako isandal roon. Pinagpantay niya ang noo namin saka ako tinitigan ng malalim...
Puno ng pag-aalala...
"Ayos ka lang?" Mahinang tanong niya.
Tumanngo lang ako, hindi makapagsalita.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Ramdam ko ang inis at galit na lumulukob sa kanya. Ayokong magsalita dahil baka... Sa'kin siya galit... Na para sa akin ang galit na iyon.
Ilang buwan na niyang ginagawa ito.lagi siyang dumarating kapag may nangyayari sa aking masama. I'm scared and afraid at the same time. Naaawa ako sa sarili ko..
At sa puntong yon, gusto ko nalang wakasan ang buhay ko...
"Please, magsalita ka.." He pleaded.
Tumulo ang luha ko at umiling..
I can't.
Muli niya akong niyakap saka pinatong ang ulo sa balikat ko. His shoulder started shaking, indicates that he's crying.. kahit natatakot ay gumanti ako sa yakap niya.
"Huwag mo'kong iiwan, nangako ka.."
"Andrew..."
Humigpit ang yakap niya.
"Sasamahan kita hanggang dulo... Kung magpapakamatay ka...
Susunod ako...."
YOU ARE READING
Abandoned University [On Hold]
Terror✞︎ History Repeats itself ✞︎ Started: September 21, 2021 Finished: