✞︎ Pahina 6

135 54 28
                                    

Myrl's POV

Matapos nung nangyari ay dumeretso na kami sa dorm na binigay din sa amin.

Di parin kami mapalagay kakaisip sa sinabi ng matanda kanina.

'Talasan ang isip, makiramdam at magmasid'

Ugh!, paulit ulit na iyon sa utak ko.

Sa likod ng mataas na building ay naroon ang Dormitory. Ilang oras kaming naghanap bago namin nahanap ang room.

Room 69, block 3, 5th floor

Pabalik-balik kong tiningnan ang hawak kong papel at ang pintong nasa harapan ko.

Kumunot ang noo niya sa nakita.

Lumang-luma na ang pinto. Mapapansin rin ang mga pulang marka ng kamay sa dingding at sa mismong pinto.

Napatingin ako sa kanila. Asking for go signal kung papasok ba kami o hindi.

"Andito na tayo." Pinal na sabi ni Kate. "Hindi na makakapag back out." Tumawa ito ng mahina.

Tama, wala na kaming pagpipilian kundi ang manatili at maghintay sa susunod na mangyayari..

Bumuntong hininga ako saka pinihit ang sedura. Ngunit nabitawan ko agad nang magsalita ito.

Sedura: Ako si Zaria mga binibini.. kay ganda niyo naman.

Kinilabutan ako nang marinig ang boses nito. Ramdam ko ang pananayo ng balahibo at pagkatuyo ng lalamunan ko.

Mabilis kong naihakbang paatras ang paa ko nang ngumisi ito sa'kin. Nakakalilabot!

"Oi, ang astig! Nagsasalita oh! Hi Zaria hihi. Ba't ang pangit mo?" Parang tangang nakipag-usap si Jane.

Kung sa ibang pagkakataon lang 'to ay baka natuwa pa'ko. Pero hindi! Alam kong may mali.

Sinipat ni Jane ang bawat parte nito habang nakasunod naman sa kanya ang paningin ng sedura.

"Pipinturahan nalang kita." Jane.

Sedura: Mas sasaya ako kung dugo mo ang ipapahid mo, Jane.

Nagulat kaming lahat. Pano niya nalaman?!

Ngunit hindi na kami nakapagsalita pa dahil kusa itong nagbukas. Bumungad samin ang magulo at sira-sirang upuan sa sala.

What the heck is this?!

We continued walking. Sa kusina, cr at ang huli ay sa kwarto. Pagbukas ng pinto ay malawak na silid ang bumungad samin. May 5 double deck doon kasama narin ang side tables at cabinet.

Inayos namin ang lahat para maging komportable. Alas sais ng gabi nang biglang bumukas ang pinto na naka lock kanina. Kanina pa namin yon binubuksan pero hindi mabuksan. Lumabas don ang babaeng nakaputi at magulo ang buhok.

Bahagya akong napatras ng upo nang lumingon ito sa'kin. Nanindig ang balahibo ko nang bigla itong ngumisi. Nakakakilabot!
Duguan ang kanyang suot na damit pati narin ang mga labi. Bumaba ang tingin ko dahil doon nagmumula ang dugo. Napalunok ako nang makitang putol ang dalawang daliri nito sa kanan habang pabitay-bitay naman ang nasa kaliwa, hindi pa napuputol!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gustuhin ko mang tumakbo at pumasok sa kwarto kung nasan sila Kate ay hindi ko magawa.

Ang nakangising babae ay buong katawan niya nang nakaharap sa akin ngayon. Sinubukan kong mahsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Tumulo ang pawis sa mukha ko. Pinikit ko ang mata ko para iwasang makita siya.

Ramdam ko ang likidong pumapatak sa mukha ko. Pumikit ako nang mariin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at hindi ako makapagsalita! Nang buksan ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang nakakatakot niyang mukha. Duguan, may sugat at peklat. Tinaas niya ang kamay niyang putol ang daliri at pinahid sa mukha ko ang dugo.

Nang bumukas ang bibig niya ay nagsilabasan ang maraming itim na langgam doon. Nanginig ang katawan ko sa takot, kilabot at pandidiri.

"Ako si..."

Mmm!

Bigla itong napahinto at tinitigan ako. Walang emosyong niyang pinakita sa akin ang daliri niyang putol at duguan. Maya maya pa ay tumawa ito ng malakas na parang baliw.

Sa oras na to, pakiramdam ko ay wala akong kasama maliban sa babaeng to.

Tumatawa siya pero walang nakakarinig maliban sakin!

Napaigik ako nang walang awa niya akong kinaladkad papunta sa silid kung saan siya lumabas kanina. Bumabangga ang katawan ko sa upuan at mesa. Tiningnan ko ang buo kong katawan. Huli na ng napagtanto kong nakatali sa likod at kamay ko pati ang bibig ko.

Mmm!

Killer's POV

Sinara ko ang pinto at napangiti.

Naglalaway ako habang tinitingnan siyang nakagapos sa loob ng cabinet.

Haha!

Kinuha ko ang gunting sa luma at duguan kong drawer at lumapit sa kanya.

Pinatalikod ko siya sa akin at kinuha ang kamay. Una kong pinutol ang kaliwang hintuturo niya.

Argh! Ang sarap pakinggan ng daing niya!

Gusto ko pa! Umungol ka lang!

Argh! Argh!

Sinunod kong gupitin ang isa, tsinyaga ko itong putulin isa-isa hanggang sa maubos!

Nanubig ang bagang ko nang makita ang sakit sa kanyang mukha. Gusto ko pa...

Nang hindi makontento ay tinanggal ko ang pagkakatali sa bibig niya at pilit na sinubo isa-isa ang mga daliri niya.

Nagalit ako nang pilit niyang itikom ang bibig kaya sinubo ko na lahat.

Argh! Argh!

Mmp!

Humalakhak ako sa nakita. Bago pa matapos ang gabing to ay dapat mawala ang babaeng to!

Dinilaan ko ang pisngi niya.. bago tinusok ng gunting ang magkabila niyang mata. Paulit-ulit ang pagtusok ko, kabilaan hanggang sa makontento ako.

Argh! Ang sarapp!

Tumalsik ang dugo nito sa mukha ko. Muling nanubig ang bagang ko nang mapaungol at sigaw siya sa sakit.

Sige lang....

Umungol ka lang...

Ang sarap sa tenga, tila musika..

Argh!

Matapos nang lahat ay sinara ko ang cabinet, nasa loob siya at walang buhay, tusok ang mata at walang mga daliri. Itinali ko ito nang mahigpit bago iwan.

Abandoned University [On Hold] Where stories live. Discover now