✞︎ Pahina 4

168 60 16
                                    

† Run †


Xnike's Pov

"This is it!" Mryl.

"Hindi ako makapaniwala! Dati ay pinapangarap ko lang ang mag-aral do'n!" Tatawa tawang sabi ni Kate.

"Ayaw ni mama ang mag-aral ako doon. Ang weird nga e... But then, pinilit ko siya hanggang sa pumayag." Bumuntong hininga ako. "And we have a bet." Tumingin ako sa kanila.

"Ano?" Mryl.

"What?" Kate.

"Whatawat. Pfft." Lumakas ang tawa ni Jane Naningkit ang mata ni Kate saka binatukan ito. "Aray Kate ah! Pinapalamon mo ba ako ha!"

Tiningnan niya ng masama si Jane.

"Sabi ni mama, wala daw sisihan. She's just giving me what I want. Ang weird... Pakiramdam ko may kung ano sa university na papasukan natin." Naguguluhang ani ko.

"May gwapo kaya don?" Singit ni Jane.

"Mag-aaral tayo, Jane. Malandi ka!" Pabirong galit ni Kate sa kanya.

"Bakit ba lagi mo akong binabalang ha, Kate?!"

"Kung ano-ano na naman kasi 'yang kalokohan sa utak mo. Magtino ka nga!"

"Wow!" Gulat sa narinig. "Came from the bully, tarantado at di seryoso sa pag-aaral! Kate?! Ikaw ba 'yan? Huhu.."

"Aba't!"

"Charr.. Haha. Halina at pumasok!"

Tinaas niya ang kanang kamay. 'Yung pose ni Darna kapag lumilipad. Nakaganoong siyang posisyon saka tumakbo papasok ng university. Sabay na naitaas namin ang kamay namin para sana ay pigilan si Jane. Ngunit bago pa man namin natawag ay nakapasok na siya sa gate. Tuloy ay wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod at hanapin siya sa gitna ng maraming estudyante.

"Hindi ba kayo kinakabahan?" I suddenly asked. Hindi ko alam kung bakit kumabog ng bigla ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay sa tuwing ihahakbang ko ang paa ko ay mas nadadagdagan ang kaba ko. Ang parte ng utak ko ay sinasabing huwag akong tumuloy at pumasok sa Umiversity. Ngunit ang katawan ko ay patuloy paring humahakbang. Sa kabilang banda ay ayoko ring iwan ang mga kaibigan ko.

"Hindi." Myrl.

Tumawa si Kate."Naeexcite nga ako! Ano kayang hitsura sa loob?" Pumikit ito nang sandali para iimagine ang loob ng unibersidad.

Bumuntong hininga ako at isinawalang bahala ang kabang nararamdaman ko. Patuloy kami sa paglalakad. Napaka ingay ng kasamahan ko. Kung ano ano ang kinukwento at sinasabing baka ganito, ganiyan sa loob ng paaralang pupuntahan namin. Ngunit heto ako at hindi makasabay sa kalokohan nila. Ilang beses kong pinilit na huwag isipin 'yong kabang nararamdaman ko ngunit pilit paring bumabalik sa isip ko. Sa bawat hakbang ay mas dumadagungdong ang puso ko. Hinahawak ko ang kanang kamay ni kate. Nagtatakhang lumingon ito ngunit nginitian ko lamang siya.

Pumasok ka.... At magiging masaya ka..

Napalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang may ari ng boses na 'yon.

Nasa tabi mo lang ako... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAAHHA!

Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok at maski yata sa buong parte ng katawan ko dahil sa boses na 'yon. Ang boses niyang bumubulong sa kaliwang tenga ko at ang nakakatakot niyang halakhak ay pinapakaba ako. S-sino 'yon? Naitanong ko sa isip ko.

"Are you okay, Xnike?" Nagtataka akong tiningnan ni Mryl.. Tumango ako.

"Nanlalamig ang kamay mo, okay kalang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kate..

Abandoned University [On Hold] Where stories live. Discover now