Jane POV
"Jane, halika na.." nagmamakaawang sabi niya.
Umiling ako. Hindi ko siya maintindihan! Lumingon ako kay ate Ziya, halata sa mukha nitong na offend siya sa sinabi ni Kate. Nakaramdam ako ng konting inis dahil don. Malakas kong tinabig ang kamay niyang nakalahad sa'kin at blangko siyang tiningnan.
Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Pero hindi, mali parin siya. Mali ang manakit ng ibang tao. Oo nga at nagsasalita lang si Kate pero masakit yon para sa taong nag effort tulad ni ate Ziya.
"Nag-effort si Ate, Kate. Ano bang pinagsasabi mo? Mabuti nga at may panggabi tayo.."
"Hindi siya tao, Jane! Y-yung d-damit niya.. duguan! Sira ang ngipin niya, hindi daliri ng manok 'yon, Jane, d-daliri ni Myrl!"
"Hibang kana.."
Sinulyapan ko si ate Ziya at kitang-kita ko kung paano niya tinatanggap ang sinasabi ni Kate. Bumaba ako sa upuan at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahang pinisil iyon.
"Jane..." Pagtawag niya.
Napakaganda sa pandinig ang boses niya. Animo'y anghel na bumaba mula sa langit. Marahan ang pagkakabigkas niya kaya nasisiyahan akong tingnan bawat buka ng bibig niya.
"Pasensya kana.." tumawa ako ng mahina.
Umiling siya, "Ayos lang..baka... Gutom ang kaibigan mo.." Sinulyapan niya si Kate.
"N-nakita ko, kilalang-kilala ko ang daliri niya jane! Y-yung singsing na bigay mo andon mismo! M-maniwala ka—"
Hindi ko siya pinansin.
"Let's go outside nalang ate..."
"Paano ang kaibigan mo?" Nag-aalalang tanong niya.
See? Mabait siya.. sa kabila ng lahat nang binibintang ni Kate at nag-aalala parin siya. Lumingon akong muli kay Kate at kitang-kita ko ang takot sa mukha niya. Hindi ko iyon pinansin at naunang maglakad palabas. Ramdam ko ang pagsunod ni Ate Ziya kaya hindi na ako lumingon.
Kate POV
Namghihinang napaupo ako. Natauptop ko ang aking bibig sa takot. Hindi ko magawang sundan sila ng tingin...sa gitna ng dilim dahil patay ang ilaw buong dorm maliban dito sa kusina. Muling tumulo ang luha ko nang maalala ang nasaksihan.
Tumayo ako at naglakad sa mesa, kinuha ko ang mangkok...na kanina pa hinahalo-halo noong babae. Sinimulan ko ring haluin iyon at halos masuka ako nang magkalat ang masangsang niyang amoy sa buong kusina. Naghalo ang takot at pandidiri nang makita kong muli ang daliri
Ni Myrl...
Napaluha ako nang makita muli ang isa... May singsing pang suot at bigay yon mismo ni Jane sa kanya..
Paano nangyari yon? Hindi normal na tao si Ziya! Pero bakit hindi magawang makita ni Jane ang totoo niyang anyo? Duguan ang puti niyang duster pero hindi yon ang nakikita ni Jane. Maitim ang ngipin at magaspang ang boses pero ibang-iba ang nasasaksihan ni Jane!
Napaigtag ako nang biglang sumara nang malakas ang pinto. Kasabay ng pagpatay- sindi ng ilaw. Muli akong kinabahan nang maaninag ang bultong unti-unting lumalapit sa'kin. Ang mahaba nitong buhok at ang damit niyang marumi at masangsang...
Si Ziya!
Umatras ako nang umatras pero mas lalo siyang lumalapit!
Atras...
Atras...
Atras...
Nakikita ko kung paano kalaki ang bunganga niya sa tuwing nasisinagan siya ng ilaw. Sumilay ang ngisi sa labi niya nang makitang wala na akong ma atrasan. Shit!
Humalakhak siya nang malakas at halos masira ang tenga ko sa sobrang lakas at gaspang! Hindi narin ako makapagsalita dahil parang may pumipigil sa bibig ko sa pagbukas nito.
"Mmm!" Sinubukan kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa.
Shit! Lumalapit na siya!
YOU ARE READING
Abandoned University [On Hold]
Terror✞︎ History Repeats itself ✞︎ Started: September 21, 2021 Finished: