✞︎Pahina 1

384 72 31
                                    

† Abuela †

Sumasayaw ang mga puno dahil sa malamig na hampas ng hangin. Ang mga tunog ng ibon at dahon na nahuhulog mula sa puno ang tanging maririnig na tunog sa lugar.

Lumiko ang sinasakyan namin sa mas magubat na daan. Kanina ay may iilan pang bahay ngunit ngayon ay wala kahit isa.

"Ma, matagal pa ba?" Hindi ko mapigilang magtanong.

Pakiramdam ko ay habang tumatagal ang takbo ng kotse ay mas nagiging madilim ang daan dahil sa malalaking punong nakapaligid sa gubat.

Tumango lamang siya saka ngumiti.

Bumuntong hininga lamang ako. Wala akong magagawa kundi ang maghintay. Siguro, matutulog nalang ako?

Kaarawan ni Abuela ngayon kaya naisipan ni mama na bisitahin ang ina niya. Mag-isa nalang ito sa Mansion pero binibisita parin naman siya ng mga anak sabi ni mama. Unang beses ko itong mapadpad rito kaya na eexcite ako sa mansion na kwento niya. Wala akong balak sumama dahil ayokong sumakay sa lumang kotse na ito ng matagal, para bang masisira na ito dahil sa kalumaan. Pero pinilit niya ako..

Isang maputi, malaki at malinis na bahay ang nasa isip ko. Malawak na bakuran at magagandang bulaklak!

Ilang sandali ay lumiko na naman ang kotse. Sa dulo niyon ay ang malaki at lumang tarangkahan. Sa paglapit ng kotse at nakita ko kung gaano kaluma ito, kinalawang at mukhang matagal ng hindi nabubuksan.

Isang nakakabinging tunog ang umalingawngaw nang magbukas ito ng kusa. Sa unti-unting pagbukas nito ay nakita ko sa dulo niyon ang malaki, mataas na lumang mansion. Bumagsak ang balikat ko sa nakita.

Sana lumang mansion ang sinabi mo Ma! Para 'di naman ako mag expect ng magarang tanawin!

Muling umusad ang sasakyan at huminto sa harap ng malaking pinto ng mansion. Bumaba si mama kaya mabilis ko siyang sinundan. Hila-hila ang maliit kong maleta habang nakasunod sa kanya.

Gamit ang susi ay binuksan niya ang malaking pinto. Napatakip ako sa tenga dahil mas malakas pa ang langitngit nito kumpara sa tarangkahan kanina. Halatang may kalumaan dahil sa sira sira niyong parte.

Kumapit ako nang mahigpit sa kaliwang kamay niya dahil sa takot.

Casa de Alas ..

Pagbasa ko sa malaking sulat na sumalubong sa amin. Kunot noong nilibot ang tingin sa kabuuan ng mansion.

"Ma, si lola?" Tanong ko.

Ngumiti siya at nilagay ang hintuturo sa bibig. "Shhh..."

Tinikom ko ang bibig at nanahimik.

Nakakatakot bawat sulok kaya nakakapagtakang mag-isang tumitira si Abuela dito. Hindi ba siya natatakot? Ako nga ay kinikilabutan sa bawat nakakarinding tunog na naririnig ko.

Lumiko kami sa isang pasilyo at bumungad samin ang isang malaking litrato ng paaralan.

Ace University...

Patuloy kami sa paglalakad pero naiwan ang paningin ko doon. Nakakamangha! Isang building lang naman 'yon pero napakataas. Ilang floor kaya?

Sa pag-iisip ay hindi ko namalayang huminto na pala kami.

"Buksan mo.."

"Po?" Litong tanong ko.

"Kapag bumisita ang anak ni mama, apo dapat ang magbukas ng pinto ng silid niya.." nakangiting paliwanag niya.

"Kaya buksan mo na.."

Sinunod ko ang utos niya. Muli ay lumangitngit ang pinto dahil sa kalumaan. Isang malaki at maputing kama ang bumungad sa amin. Sa ibabaw niyon ay isang matandang babaeng natutulog.

Nilapag ni mama ang pagkaing dala sa table side nito pati narin ang cake bago lumapit at tinapik ang balikat ng matanda.

"Ma.. andito na kami."

Akala ko ba a bumibisita ang kapatid ni mama? Bakit wala ni isang pagkain sa lamesa? Imposibleng hindi pa sila nakakabisita dahil hapon na at maggagabi na...matatapos narin ang kaarawan ng matanda.

"Ma.. andito na kami."

Ilang ulit niya pang sinabi iyon bago tuluyang nagising ang matanda. Ngumiti ito ng matamis kay mama at umaasa akong ganon rin siya sa akin. Ngunit halos panindigan ako ng balahibo sa iginawad nitong tingin. Malalim, nakakatakot, nakakakilabot at punong-puno ng tutol ang mata sa akin.

"Ah, Ma. Si Zeya, anak ko.."

Ngumiti ako ngunit wala akong natanggap na reaksiyon mula sa kanya.
Iniwas niya ang tingin, binalewala ang pagpakilala ni mama sa kanya. humarap siya sa malaking bintana. Nanlaki ang mata ko nang makita ang malaking gusali na katulad sa litrato kanina!

"Matagal na panahon..mula nong ma abanduna ang paaralang binuo ko at nang mga kapatid ko.." Biglang kwento nito. "Masaya at maraming gustong mag-aral dito dahil sa ganda at maayos na edukasyon. Pero nagbago ang lahat sa isang iglap.."

Dahan-dahan itong humarap sa amin. Sa katandaan ay kitang-kita ang kulubot ng kanyang balat sa lahat ng parte ng katawan.

"Isang sakim at walang awa ang nagpabago at sumira nito." Masama ang tingin niya sa akin.

Anong kasalanan ko?

"Ma! Ilang beses mo ng nakwento 'yan." Ramdam ko ang pagbabago ng boses ni mama. Nairita.

"Hayaan mong malaman ng anak mo, Amalia!"

Bagaman may katandaan na ay mapapansin mo ang pagiging delikadesa sa kanyang boses.

Sa takot ay nagtago ako sa likod ni mama. I was 10 years old that time when I discovered the story behind that University. Nalaman ko kung bakit ganon na lamang kasama ang pakikitungo at pagtingin sa akin ng matanda. And that story triggered something inside me... That building was pulling me, something that hypnotizes me to step my feet towards that..

Abandoned University...

Abandoned University [On Hold] Where stories live. Discover now