✞︎ Pahina 2

222 68 39
                                    

† Chosen to die †

Kate's POV

Sunday

Breaking news:

Kabubukas pa lamang ng Ace University sa kabila ng mahabang panahong pagpapasara nito. Hanggang ngayon ay wala paring impormasyong maisisiwalat kung bakit bigla- bigla ang pagpapasara nito.

Sinisiguro ng ibang ─

*Ding-dong! ding-dong!*

Nagmamadali kong pinatay ang radyo at mabilis na binuksan ang pinto ngunit wala akong nakitang tao sa labas.

'Sino ang nag doorbell?'

Nagkibit-balikat na lamang ako. Napayakap ako sa sarili nang biglang humangin ng malakas. Sa pagsara ko ng pinto ay isang maliit na sobreng itim ang nakita ko sa sahig. Kunot noong pinulot ko ito at dinala sa sofa.

Pinagmasdan ko ito. Wala namang kahina-hinala... Pero ba't kinakabahan ako? Binaliktad ko at binasa ang nasa likod ng sobreng 'yon.

Ace University...

Mabagal ang naging pagbukas ko dahil ingat na ingat ako baka mapunit. Nang mabuksan ay maingat kong nilabas ang papel na laman nito.

Admission of AU,

You are chosen, Kate!

Wala man lang ka effort-effort! Ang ikli naman yata?!

Binaliktad ko ito ngunit wala ring sulat sa likod.bagaman nagtataka ay hindi ko maitatangging masaya ako. Finally! Sa tagal kong tambay dito sa bahay ay nababagot na ako. That university must be really something! I thank God for giving this opportunity. Puro bad records ang nasa report card ko kaya kapag nag te-take ako ng Entrance Exam ay na O-auto decline ang request ko! Hindi ko naman kasalanang lapitin ako ng gulo! Nakakainis!

Sinilid kong muli ang papel sa sobre saka umukyat sa kwarto ni Abuela. Kinatok-katok ko ito bago pumasok.

Nakahiga siya patalikod sa akin kaya dahan dahan akong lumapit at naupo sa kama. Si Abuela ay may katandaan na pero nakakalakad parin naman. Medyo humina lang ang katawan at bumagal ang kilos. Madalas rin siyang hapuin at mapagod kaya mas gusto kong mahiga na lamang siya at magpahinga lagi.

"Abuela.." Mahinang pagtawag ko.

Nahiga ako sa tabi niya at maingat siyang niyakap sa likod.

"Abuela.. napapansin kong paborito mong humarap sa bintana.." Pagtukoy ko sa malaking bintanang nasa kwarto niya.

Sa lahat ng bintana dito sa Casa De Alas ay ito lang ang pinaka-malaki. Wala namang makikita kundi puro tuyo at nalalantang mga bulaklak sa hardin. Kaya hindi ko alam kung bakit paborito niyang tingnan 'yon.

"How was your day, Jasmine?"

Nawalan ako ng pag-asang masasagot ang tanong na'yon kahit ilang beses kong ulit-uliting itanong sa kanya.

Mas ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis nang maalala ang sadya ko kung bakit ako narito.

Bumalik ang sigla sa akin. "Abuela, basahin mooo! " Tumitiling ani ko na nakayakap parin sa kanyang likuran. Binigay ko sa kanya ang papel, naiwan sa kamay ko ang itim sobre.

"Aba'y mabuti! Ang swerte mo yata apo? Anong paaralan 'yan?" Ramdam kong nasiyahan siya sa naging balita ko. Oo nga pala, malabo narin ang mata niya kaya hindi na nakakapagbasa..

"Sa AU po!" Excited kong sabi.

Nabura ang ngiti ko nang wala akong matanggap na salita sa kanya. Bumitaw ako sa pagkakayakap nang marahan siyang humarap ng higa sa akin

Abandoned University [On Hold] Where stories live. Discover now