Chapter 2

3.9K 103 5
                                    

4 days later...

"Jacob, kausapin ko lang si Khyle ha?"sabi ko kay Jacob.

"Sige go, para magkalinawan na kayo, hindi yung dadamay mo pa ako."pabulong na sabi nya at pumasok na sa room namin.

Sana naman, nararamdaman na nya na kami na talaga ni Jacob. Para dina sya maghabol saakin.

"Khyle, pwede ba tayong mag usap?"tanong ko kay Khyle.

Gusto ko syang kausapin para dun sa arranged marriage namin.

Malapit na rin yun at sa totoo lang, sakal na sakal na ako kela mommy.

Lagi nilang minimention yung magiging apo daw nila saamin ni Khyle.

Kailangan daw babae tas lalaki, dapat daw kamukha ni Khyle yung lalaki, tas yung babae naman daw kamukha ko.

Yung mga ganong bagay na ayaw na ayaw kong pagusapan.

Hinding hindi ko ibibigay yung virginity ko sa lalaking yon.

"Himala. Bakit, mag tatapat kana ba saakin?"

Hindi ko lang sya sinagot at pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa makalayo kami sa classroom namin.

"Ito ngayon ko lang to sasabihin sayo ha? Ayokong paasahin ka pero, diba alam mo naman na arranged lang tayo at alam naman nating hindi natin mahal ang isa't isa."pagsisimula ko.

"Excuse me? Ako mahal kita, pero ikaw, ewan ko kung mahal moko."

"Alam ko namang may gusto ka saakin pero, wag mo ng ipilit ang sarili mo sa hindi ka naman mahal. Khyle, sakal na sakal na ako kela mommy, ayoko ng ng ganto, gusto ko ng maging malaya. At naniniwala ako na makakahanap ka din ng babaeng magmamahal sayo."

"So anong gusto mong gawin ko, sabihin ko kay mommy na icanceled yung kasal natin? Bakit naman ganon Samantha, ginagawa ko naman lahat magustuhan mo lang ako, pero di pa ba sapat? Umuwi ako dito sa pilipinas makita lang kita tas ganto lang yung matatanggap ko? Pero sige okay lang, alam ko namang dati palang, kaibigan lang turing mo saakin."

Agad syang umalis sa harapan ko at iniwanan nalang ako.

Tinatawag ko yung pangalan nya pero hindi sya lumilingon.

Na guilty tuloy ako bigla. Sana diko nalang sya pinagsalitaan ng ganon.

____

Umuwi ako sa bahay ng malungkot at walang gana.

Parang di lang kasi ako sanay na hindi ako hinahatid ni Khyle.

Argh, ba't ko ba sya iniisip? Dapat nga maging masaya ako kasi naiinis na sya saakin at hindi na magtatagal, mawawala na yung nararamdaman nya saakin. Pero ba't parang may kulang?

Pagkatapos naming mag dinner nila daddy, umakyat na ako sa kwarto ko at ginawa ang mga assignment ko.

4th year college na ako and malapit na kami grumaduate.

Nursing ang kinuha kong course kaya mas madaming assignments at projects ang pinapagawa saamin. Dagdag mo pa yung makakapal na libro na babasahin namin.

Nakakapagod din mag aral pero ito yung gusto kong course at gusto ko talagang maging nurse bata palang ako.

Gusto din ni mommy na wag nalang daw ako mag nurse at ako nalang ang mag manage ng company namin.

Pero sabi ko, mag nunurse muna ako bago mag manage ng company namin.

Finally, natapos kona yung mga assignment ko at nakaramdam na ako ng antok kaya matutulog na ako.

Married With My Enemy | Tagalog Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon