2 years later...
Nandito kami ngayon ni Khyle sa sasakyan niya, pupuntahan daw kami, di naman sinabi kung saan.
"San ba tayo pupunta ha? Baka non sense nanaman 'to, tumakas lang kaya ako sa ospital."saad ko sakaniya.
"Secret nga diba? Tas sasabihin ko sayo?"
"May pa secret-secret ka pang nalalaman,"napairap nalang ako sakaniya saka humigop ng kape ko.
"Hoy babae, nandito na tayo. Gising na diyan!"nasa harapan ko na siya ng maimulat ko ang mata ko.
"Huy anong ginagawa mo?!"gulat na tanong ko sakaniya.
"Malamang tinatanggal yung setbealt mo! Akala ko ba hindi ka matutulog? Nag pabili ka pa ng kape sa starbucks tas matutulog ka din pala!"sigaw niya saakin at lumabas na ng sasakyan.
Tinanggal ko na ang salamin ko at pinasok sa loob ng lab coat ko at lumabas na din ng sasakyan.
Nasan na ba yung Khyle na 'yon? Lagi akong iniiwan, kainis.
"Hoy saan na ba 'to?"pasigaw na tanong ko sakaniya. 2 meter kasi ang layo ko mula sa kinaroroonan niya.
Sinenyasan niya lang ako na pumunta daw ako sa tabi niya.
"Ba't ba tayo nandito?"tanong ko ng makalapit na ako sakaniya.
"Hindi mo ba natatandaan tong lugar na 'to?"tanong niya.
"Dzuh, magtatanong ba ako kung alam ko 'to? Syempre hindi!"
"Dito tayo nagkakilala 'non. Umiiyak ka 'non that time kasi akala mo nawawala ka then nakita kita dito, binigyan kita ng panyo non. Yung color blue."
Flashback:
"Tumahan ka na bata, bakit ka ba umiiyak?"tanong ni Khyle kay Samantha.
"I'm lost, hindi ko na makita sila mommy."humahagulgol na saad niya kay Khyle.
"Are you lost? Bakit ka kase humiwalay sa mommy mo?"tanong ni Khyle sakaniya pero hindi niya ito sinagot. "Here oh, ipunas mo yan sa mukha mo. Ang panget mo na oh! Hahahaha!"pang aasar na sabi niya na kinainis naman ni Samantha.
End of flashback:
"Dito pala 'yon? Di ko na matandaan pero ikaw parang hindi nabubura na isip mo."saad ko naman habang tumitingin sa magandang tanawin.
"Syempre, memorable 'yon saakin."napansin ko yung paghikbi niya ng ilang segundo.
"Huy, umiiyak ka ba?"sinilip ko ung mukha niyang naka tungo.
"Nevermind. Tears of joy lang 'to. Baka sabihin mong andrama kong tao."sabi niya habang pinupunasan niya ang mata niya gamit ang hinlalaki niyang daliri.
"Bakit?"natatawang tanong ko.
"Kase ngayon, nagkita na tayo, kilala na natin ang isa't isa."
"Ang drama naman nito, kahit naman ako di din makapaniwala."pagkasabi kong yun ay binigyan niya ako ng yakap, mahigpit na yakap. Yinakap ko siya pabalik.
"Sobrang thankful ako kay lord kase nagkita na tayo. Isipin mo, 4 years tayong pinaglayo ng tadhana pero ngayon, where here!"kumalas na siya sa pagkayakap at nagsalita.
"What if, mag pakasal ulit tayo?"tanong niya kaya napa kunot noo naman ako.
"Huh? Para saan pa? We're married naman na ah?"tanong ko.
"Gusto ko yung sa simbahan na, yung totoong yes mo."
"Okay okay, pero ganon ganon lang 'yon? Di ka man lang ba mag propropose muna saakin?"
"Hindi na yan kailangan, alam ko namang yes ang isasagot mo."
"Feeling ka talaga, you're not sure pa naman e."
A/N:Sorry po ulit sa mabagal na ud. Sobrang busy ko po kasi sa module hehez. Btw, last chapter na po this and epilogue na yung susunod! Stay tune po and thank you ng marami sa support!♡︎
BINABASA MO ANG
Married With My Enemy | Tagalog Love Story
Teen Fiction"Nakakainis kana alam mo yon?" "Mas nakaka inis yang pagmumukha mo!" Ano ba ang gagawin mo kung inarraged marriage kayo ng mga magulang nyo?