3 months later...
Nagising ako ng maaga ngayon kase wala lang trip ko lang gumising ng umaga.
Wala kaming pasok ngayon dahil may importanteng meeting yung mga prof with principal. Para ata sa gaganaping graduation namin. Yes, finally gra graduate na din kami.
Bumaba na ako sa may dining table para mag timpla ng kape.
Ang aga kong magutom ngayon. As susual, di naman kami halatang mag asawa pero grabe kami kung mag away.
Binutas ba naman yung pader ng kwarto namin. Para lang dun sa hack na nakita nya sa yt. Nakaka tangina e, parang tanga. Sino ba namang hindi maiinis kapag sinira yung pader nyo para lang sa putang hack na yan.
Ayun, walang pansinan. Bala sya sa buhay nya. Di ko sya gigisingin.
Pumunta ako sa couch namin para manood ng unang hirit sa tv. Tagal na akong di nakaka nood ng tv, puro si Khyle gumagamit. Puro cartoons naman pinapanood. Isip bata talaga yung gagong yon.
Habang tumitingin sa tv, humihigop rin ako ng kape sabay kagad ng tinapay. Gutom ako e.
Ilang saglit pa, naramdaman kong may bumababa sa hagdanan. Si Khyle malamang.
Tumingin lang ako sakanya at inalis ito agad. Tanginang yan, natitiis nya yung ganda kong to?
Dumiretso lang sya sa may kusina.
___
Tanghali na pero di parin kami nag papansinan ni Khyle.
Bahala talaga sya.
Aalis ako ngayon para mag grocery at kasama ko si Kim. Closefriend ko din na lalaki. Odiba, sabi ko senyo lalaki mga kaibigan ko.
Pababa na ako ng hagdan ng madatnan ko syang naka upo sa sala at as usual, nanonood nanaman ng cartoons.
Hindi ko lang sya pinansin at pumunta ako sa may salamin namin para tignan yung itsura ko.
"Saan ka pupunta?"medyo malamig nyang tanong saakin kaya napalingi ako sakanya.
"Wala kang pakealam."masungit na sabi ko sakanya.
"May pakealam ako kase asawa mo ako."medyo sigaw nyang sbbi at lumapit saakin.
"Mag asawa lang tayo sa papel, pero dito sa bahay, hindi!"sigaw ko sakanya at agad na hinablot yung bag ko at umalis na ng bahay.
Sya ba nag kokontrol ng buhay ko?
Bahala sya dun."Samantha!"sigaw nya ng pangalan ko pero hindi ako lumingon sakanya at agad na sumakay sa taxi.
Nakarating na ako sa grocery at agad na pumasok sa loob ng store.
Nakita ko naman agad si Kim na hinihintay ako."Buti nalang pinayagan ka ng asawa mo. Lq pa din ba?"tanong nya.
"Oo?"tanging sagot ko at pumasok na kami sa pinaka loob ng grocery.
Ano nga yung mga bibilhin ko? Ay wait, i have an list naman pala.
Fruits
Kangkong
String beans
Eggplant
Repolyo
Coffee
Milk
Salt
Biscuits
Dish soap
Shampoo
Soap
and etc.Andami pala naming kulang sa bahay.
Una naming pinuntahan yung row ng mga fruits at vegetables. Sunod naman yung mga needs namin bago yung mga pagkain.
Aiish, kulang ko nalang yun Row nung pang mga shampoo at soap sa katawanan.
Hay sa wakas, tapos na din. Papunta na kami sa cashier para magbayad ng may maka bangga akong lalaki.
"Sorry hindi ko sinasad-- Khian?"anong ginagawa nya dito?
Khian. Naging manliligaw ko sya pero wala e. Hindi ko sya binigyan ng chance.
"Ikaw pala Samantha, long time no see ah?"
"Sam, una na ako ah? Baka importante yang pag uusapan nyo."sabi saakin ni Kim at agad na lumabas ng grocery.
"Oo nga eh. Pasensya na talaga, di ako tumitingin sa dinadaanan ko."sabi ko sakanya.
"Okay lang, kamusta ka naman? Balita ko, you have an husband na?"tanong nya.
"Ah oo, pero arraged lang kami."
"A-arraged lang kayo? How?"
* * *
Kasalukuyan kaming nasa park at naka upo sa bench."So Hindi nyo mahal ang isa't isa?"tanong nya saakin.
"Yes, inarraged lang kami nila mommy."walang ganang sagot ko sakanya.
"Ahh. Bakit naman ganon? Sila yung nagdedesisyon para sayo? Kung nasa kalagayan mo rin ako, mag lalayas nalang ako at lilipad pa ibang bansa."Medyo patawa nyang saad.
"E ikaw? Kumusta ka naman? Do you have a girlfriend?"tanong ko naman sakanya.
"Ako magkaka girlfriend? Malabo na atang mangyari yon. Bahala ng tumandang binata ako."
"Hayaan mo, reto sayo si Jacob."
"Jacob yung bakla?"tumango ako. "Yuck ayoko hahaha!"natatawang sabi nya.
Pati ako ay napa tawa narin.
"O sige na, baka hinahanap na ako ni Khyle. Uuwi na ko."sabi ko sakanya at tumayo na sa pagka upo.
"Hatid na kaya kita? Mag hahapon narin oh, baka mapano kapa nyan."sabi nya kaya tumango nalang ako.
Sumakay na kami sa sasakyan nya inistart na nya yung kotse para makaalis na kami.
Mabilis lang naman kaming naka dating sa bahay.
Agad akong nagpasalamat kay Khian at agad na pumasok sa bahay namin.
Pag pasok ko palang sa gate, naka abang na saakin si Khyle ng masama ang tingin.
Psh, galit parin sya?
Inirapan ko lang sya at papasok na sana ako sa loob ng bigla nyang hawakan yung pulso ko ng mahigpit.
"Ano ba, nasasaktan ako!"reklamo ko sakanya.
"Bakit hapon kana umuwi? At nagpahatid kapa talaga kay Khian. Edi sana tinawagan mo ako para nasundo kita, hindi yung nagdadala kapa dito ng lalaki mo."Saad nya.
"Anong lalaki? Wala akong lalaki! Magkaibigan kami ni Khian, yun lang yon!"sigaw ko sakanya.
"Hindi kaba nahihiya? May asawa kana tas sumasama kapa sa iba."
"Pwede ba, stop saying na mag asawa tayo. Ang cringe pakinggan e. Oo alam kong kasal tayo, pero don't expect too much na mahal kita. Kung ikingagalit mo yung pagpahatid ko kay Khian, wag mokong sisihin. Yang sarili mo yung sisihin mo dahil masyado kang seloso!"bulyaw ko sakanya.
"Oo seloso akong tao, pero hindi kasi tama yung ginagawa mo. Alam kong di mo naman ako mahal, at wag mo nang ipamukha saakin. Ang akin lang, also think about how I will feel as your husband. Ang sakit lang makita na meron kang kasamang lalaki habang ako eto, walang magawa. Wala naman akong karapatang magalit diba? Kasi hanggang ngayon, hindi mo parin ako kayang mahalin."sabi nya at agad agad na nag walk out sa harapan ko.
Medyo na tamaan ako sa sinabi nya. E sa hindi ko nga sya kayang mahalin, anong magagawa ko? Hayst, bakit pa kasi kami nagka ganto. Naguilty nanaman ako.
A/N:Sorry sa matagal na ud huhu. Student pa po ako eh. Sana maintindihan nyo, mabagal na yung ud ko ngayon kase busy sa modules plus uutusan pa ako sa bahay haha. Hope you understand✨❤️
BINABASA MO ANG
Married With My Enemy | Tagalog Love Story
Teen Fiction"Nakakainis kana alam mo yon?" "Mas nakaka inis yang pagmumukha mo!" Ano ba ang gagawin mo kung inarraged marriage kayo ng mga magulang nyo?