Nagising ako dahil sa may naramdaman akong mabigat na naka dagan sa tyan ko.Teka sino ba to? Maligno? Tumabi saakin?
Pagmulat ko ng mata ko, tumambad saakin ang katawan ng isang lalaki.
"Aaaahhh!"sigaw ko at lumayo sakanya.
"Hmmm..."nakapikit na saad nya at binalutan ang sarili nya ng kumot ko.
Puta...si Khyle ba to? Bakit sya dito na tulog sa kwarto ko?
At kumot ko pa talaga yung pinangbalot nya sa katawan nya.
Nakatopless ang putang Ina.
Pinalo ko sya sa braso nya para magising sya.
"Hoy, ba't ka nandito ha? Kwarto ko to, may bahay naman kayo ah!"sigaw ko sakanya.
"Aray ko naman, parang di tayo nag ano kagabi ah, sungit sungit naman ng asawa ko."nakakamot ulo nyang sabi at pipikit pikit pa ng mata. Akala nya cute sya pagnaka ganyan.
Edi cute na.
"Anong ano kagabi,"tiningan ko yung katawan ko. Buo pa naman yung suot kong damit ah?
"Hindi mo ba naaalala? Ang bilis na makalimot ng misis ko."ano bang sinasabi nyang kagabi?
Naaalala ko, ako lang naman yung mag isang natulog dito sa kwarto ko kagabi.
"Wag mo nga akong matawag tawag na misis! Di tayo kasal at hindi kita mahal, pervert!"sigaw ko sakanya at lumabas ng kwarto ko.
Nakakainis, ang aga aga ang panget nanaman ng mood ko.
"Joke lang naman Samantha, ang aga aga, ang init ng ulo mo!"sabi nya at sumampa sa likod ko.
Aba'y napaka, hmp. Ang sarap sapukin sa ulo e. Ang payat payat ko na nga nagagawa nya pang sumampa sa likod ko.
"Ano ba baliw kaba? Ang bigat mo kaya gago ka! Umalis ka nga sa likod ko, bigat mo putangina ka!"sigaw ko sakanya at patuloy ako na tumatabingi para mahulog sya sa likuran ko.
(Pasintabi po sa mga bad words dyan, alam kong may mga nagbabasa na mga bata. Hehe sorry po)
Hanggang sa makababa kami papunta sa dining area naka sampa parin sya sa likod ko.
Sila mommy't daddy naman tawa lang ng tawa.
Nakakatawa ba yon? Anak nila yung nahihirapan e.
"Auuh, ang sweet naman ng mag asawang to."natutuwang sabi ni mommy.
"Sabi kona't mag kakadevelopan din kayo."saad naman ni daddy sabay sip ng kape nya.
"Mommy, ba't nyo naman pinatulog to sa kwarto ko?!"galit na tanong ko kay mommy.
"Why, what's wrong? Mag asawa naman na kayo."
Naiinis talaga ako kapag naririnig ko yang asawa na yan.
"But mommy, need ko parin ng privacy."saad ko sakanila.
"Okay okay, too much for that. So we decided na ikuha kayo ng condo para may sarili na kayong bahay. And kelan ba ang honeymoon nyo?"tanong naman ni daddy.
"Uhm dipa po kami nakakapag isip dad e, maybe mamaya."sagot naman ni Khyle na ikinalaki ng mata ko.
"Anong mamaya? Walang mamaya, mom, dad, di nyo ba pipigilan tong lalaking to sa binabalak nya? Pagsasamantalahan nya yung kahinaan ko. I'm not ready for that yet!"
"Anak, Remember, kasal na kayo. Kaya pwede nyo ng gawin yung gusto nyo."saad naman ni mommy.
Isa pa tong si mommy. Akala ko kakampi ko sya. Parehas lang sila ni daddy.
"Fine."sabi ko tsaka umirap sakanila.
Fine lang yung sinabi ko, hindi ko sinabi na agree ako sa gusto nila.
____
Nandito na kami sa house na sinasabi ni mommy.
Well, maganda naman. Modern yung design nya and color white and grey overall yung color. Malaki din sya at kasyang kasya kami ni Khyle.
May dalawang room sa taas tas isang bathroom. Yung isa daw ay guess room.
Sa baba naman, merong sala, may kitchen, sa tabi nun may maliit na dining table.
May mga furnitures na din na nakalagay.
"Oh ano, satisfied na kayo dito?"tanong saamin ni mommy.
"Okay na kami dito mommy."walang ganang sabi ko.
"Osiya, mauuna na kami ng daddy mo. Ingat kayo dito ah? Khyle, take care of my daughter ha? Pag yan may mangyaring masama."sinulyapan pa ni mommy si Khyle na parang nagpapaalala.
"Opo mom,"sagot naman ni Khyle sakanya.
Mom pa nga...
Hinatid muna namin sila sa gate bago kami pumasok sa loob ng bahay.
"Oh, ano tinitingin tingin mo dyan?"mataray na tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.
"Wala, ang sungit naman ng asawa ko.
Meron kaba ngayon?""Pwede ba, stop calling me asawa ko. And ano bang pake mo sa mood ko? Trip ko magsungit e."sabi ko at inirapan sya.
"Hay nako, babae nga naman..."pabulong na sabi nya at humilata sa sofa.
Umakyat nalang ako sa taas para ma tour ko yung buong bahay.
Mag aalas 2 na ng maka kain kami ng lunch. Jusko, imbis na lunch dapat yung pagkain namin naging meryenda.
Flashback:
Habang inaayos ko yung mga damit ko, parang may naamoy akong nasusunog. Kaya pumunta ako sa kusina para tingnan kung doon ba yung nasusunog.
Laking gulat ko ng umaapoy na yung pork steak na niluluto ni Khyle at pati yung sa rice cooker umuusok na!
Parehas kaming taranta ngayon at hindi alam ang gagawin.
"Huy patayin mo na! Masusunog tayo nito!"sigaw ko sakanya.
Agad nya namang tinanggal ang saksak ng rice cooker pati yung electric stove namin.
Ang ending, wala kaming pagkain ngayon.
"Bakit kasi hindi mo binantayan yung sinaing pati yung ulam! Wala na tuloy tayong pagkain!"reklamo ko sakanya.
Napa upo nalang ako sa dining chair namin.
"Sorry na nga e, diko naman alam na nasusunog na pala yung pork steak."pag dadahilan nya.
"Sorry ka jan, ano ng kakainin natin ngayon?!"
"Edi mag order nalang tayo. Pizza or burger."
"Sa tingin mo mabubusog tayo nyan? Hindi yan lunch Khyle, meryenda yon."Kelan pa naging lunch ang Pizza at Burger?
"Wag ka na ngang mag inarte, atleast nga may makakain tayo. Edi kung gusto mo, bumili ka ng ulam at kanin sa labas."
"Ha? Wala pa ba tayong extrang bigas dyan?"
"Exactly, hindi pa tayo nakapag grocery."
Kung minamalas nga naman oo. Edi no choice, pizza na nga lang. Huhu, masisira yung health ko nito e.
"K fine, ikaw na umorder."sabi ko at umakyat ulit sa taas.
Sa totoo lang, ang panget ng araw ko ngayon. Nagising akong katabi si Khyle, pinag usapan abt sa honeymoon namin, lumipat kami ng bahay, at nasunog yung mga pagkain.
Argh, I hate this life!
BINABASA MO ANG
Married With My Enemy | Tagalog Love Story
Novela Juvenil"Nakakainis kana alam mo yon?" "Mas nakaka inis yang pagmumukha mo!" Ano ba ang gagawin mo kung inarraged marriage kayo ng mga magulang nyo?