Chapter 5

3K 64 10
                                    

"Hoyy, gising na nga dyan. May pasok pa tayoo, 8:51 na oh!"sigaw nya saakin at patuloy na inaalog yung katawan ko.

"Ano ba kase...natutulog pa yung tao e!"sigaw ko sakanya bago ko pa maimulat yung mata.

"Malalate na tayo! Lunes ngayon remember, may quiz tayo ngayon gaga!"sigaw nya saakin pa balik.

Napakamot nalang ako sa ulo.

Pag tingin ko sa orasan, shax mag na 9 na! Agad akong nahimasmasan at agad na pumunta ng banyo para gawin yung morning routine ko.

Sheett, late nanaman ako.

Nagshower na ako ng mabilis, nag uniform at sinuot yung ID ko.

Hindi kona inintindi si khyle, naka bihis na sya tas ako hindi kopa naasikaso sarili ko.

Buti nalang may pagkain na sa lamesa.

"Dahan dahan naman, mabubulunan ka nyan."sabi nya habang pinapanood akong kumain.

"Wala akong panahon sa mga pag ca care mo saakin ha? Malalate na tayoo juskoo!"

"Kasi naman, pag sinabi kong gumising kana, gising na. Hindi yung may pa 'natutulog pa yung tao e'"ginaya nya yung tono ng pag rereklamo ko. Sira talaga to!

Inirapan ko nalang sya at inubos na yung pagkain.

Nag suklay na agad ako ng buhok ko, nag retouch ng onti para good looking. Mamaya kona ipupusod yung buhok ko sa sasakyan. Di na talaga kaya ng time.

Kinuha kona yung bag ko at sumakay na kami ng sasakyan nya.

Habang nag dra drive sya papuntang school namin, ako naman ay panay ayos ng buhok ko.

Bawal kasi sa school namin yung naka lugay ang buhok. Lalo na kaming mga nursing ang kinuhang course.

Nag lagay ulit ako ng foundation sa mukha ko dahil natanggal to kanina sa pagmamadali ko.

"Wag kana mag make up, maganda kana man na e."sabi nya ng hindi tumitingin saakin.

"Matagal ko ng alam na maganda ako noh, kailangan ko lang dagdagan para maging perfect yung mukha ko."sagot ko naman sakanya habang naglalagay ng liptint sa lips ko.

___

Nagmamadali kami ni Khyle kanina tas malalate pala si prof?

Ang tanga lang sa part na nag madali ako kanina e sinabihan pala kami na malalate sya ng dating. Ngayon nga nga ako. Walang magawa. Boring.

Si Khyle naman nandon sa mga tropa nyang gitara is life.

Si Vakla naman nasa jowa nya naghaharutan.

Haayst, ang boring ng life ko. Mayaman nga ako, may perfect family, pero may kulang parin e. Ayoko ng umasa kela Mommy. Gusto ko, ako na gagastos ng mga kailangan ko. In fact, gusto ko na mamuhay ng sarili ko.

Gusto ko magka family, yung mahal ko at mahal din ako. Si Khyle? Okay naman kami, nakaka usap ko naman ng maayos. Kaya nga lang, ang lakas ng topak kapag pinag uusapan yung magiging anak kuno namin. Tas palagi nyang minimention yung childhood friend nya. E ano namang pake ko sa childhood friend nya. Yun nalang dapat pinakasalan nya hindi ako.

Naiintindihan nya naman daw dahil mga bata pa talaga kami para sa mga ganong bagay, may utak din naman pala yung kupal na yon. Di nya lang ginagamit.

"Good morning class."dumating na yung prof namin at agad na nilagay yung mga books and bag nya sa lamesa.

"Prepare yellow pad paper dahil mag  qquiz tayo ngayon. LONG quiz."sabi nya at sinunod naman namin sya.

"Gurl, penge nga papel. Hindi ako nakapag mall kahapon e."sabi ni Jacob habang binibigay nya yung kamay nya saakin.

Hindi daw nakapag mall. Ang sabihin nya, naubos yung allowance nya dahil sa boylets nya.

"Sus, kaibigan mo ako ha? Hindi moko supplier ng papel jusko."padabog kong pinunit yung papel ko at binigay sakanya.

"Ito naman, parang di tayo magkaibigan."sabi nya at inirapan ako.

Aba, sira ulo talaga yung baklang yon. Kapal ng mukha.

"Ms. Devilla, and Mr. Bautista, anong meron dyan? Chikahan sa klase?"sarkastikong tanong saamin ni prof.

"No ma'am, i'm so sorry po."magalang na sagot ko sakanya at inirapan si bakla.

____

Natapos na yung quiz namin, madali lang pala. Pero di padin ako kampante
kung tama ba talaga mga sagot ko. Si Khyle kasi kinukulit ako. Nakaka hmp, sarang sapukin sa ulo besh. Pag ako lang talaga bumagsak sa quiz hihiwalayan ko sya.

Pauwi na kami ng bahay ngayon pero bigla akong nag crave sa kwek kwek kaya bumaba kami sa may tindahan ng mga fishball and palamig malapit sa Magtibay Highschool which is public school. Pinark muna namin yung sasakyan nya bago kami pumunta sa mismong tindahan.

Hindi pa kami nakakalapit sa tindero pero rinig na namin yung bulungan ng mga highschool na kumakain din ng mga street foods.

'Kumakain din pala sila ng ganto'

'Bakit sila nandito? Diba dapat sa mamahaling restaurant sila kumakain'

'Ay naka kotse ang mag jowa tas dito lang pala sila kakain'

Nagtatawanan naman yung iba. Ano bang nakakatawa? Bawal ba kami kumain dito porket mayayaman kami? Hindi nyo alam kung gaano ko ka favorite yung kwekwek.

Nagkatinginan naman kami Khyle, ang hirap talaga maging mayaman. Hinuhusgahan ka palagi, they thought, we do not eat what they eat dahil daw rich kid kami. Lahat naman ata tayo may kanya kanyang taste ng pagkain.

Hindi ko nalang sila pinansin at timingin nalang sa mga naka preserve na na mga streetfoods.

"Uhm, how much po ba yan lahat kuya? I will buy it all po kasi."Sabi ko sa tindero ng kwekwek.

Napatawa naman si kuyang tindero pati din yung mga kumakain except kay Khyle na halatang dissapointed din sakanila.

"Excuse me, ba't kayo tumatawa? Is there anything funny about what I said?"tanong ko sakanila.

"Miss, kung doon sa lugar nyo pwede nyong bilhin lahat, pero dito bawal."sabi nung lalaki na nakatambay din at sigurado akong istudyante din sya sa Magtibay Highschool.

Napakunot naman ako ng noo bigla. E i buy last time din naman ng ganyan but they allowed me to buy all their kwekwek.

"But i thought kuya nagpapabili kayo ng marami. I also buy din kaya dito last time, pinayagan nyo pa nga ako bilhin ko lahat ng kwekwek e."

"Miss, dati po yun. Iba na ngayong panahon,"sagot naman nung tindero saakin.

"Sam, pwede naman tayong magpagawa nalang kay yaya. Wag na dito, they will make us laugh even more kapag hindi pa tayo umalis dito."bulong ni Khyle saakin.

Umirap nalang ako sa hangin. No choice, tama naman si Khyle, pagtatawanan lang talaga nila kami.

But i waant kwekweekk!

"Okay fine, we'll go ahead nalang po. And sana MAUBOS na yang paninda nyo."sabi ko sa tindero at inirapan silang lahat.

Sumakay nalang kami ni Khyle sa sasakyan at umuwi.

"Sabi ko naman kasi sayo wag na tayong bumili ng kwekwek."sabi nya ng nasa sasakyan na kami.

"Eh nag crave ako bigla e. Nakakairita lang talaga yung mga kumakain don."

Nakarating na kami sa bahay nila mommy. Tinext ako ni mommy na dun nalang daw kami mag dinner.

Married With My Enemy | Tagalog Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon