ms.inkheart

18 0 0
                                    

Kung hindi lang malaki ang makukuha ko dito sa canvass na to, kanina ko pa sinira tong pang tattoo ko sa balat ng matandang ito.

Kanina ko pa napapansin na dumadampi yung palad nya sa hita ko eh. Anu kala nya sa hita ko, armchair? Tsk. Buti na lang may mask ako, hindi ko masyadong naaamoy yung mabahong hininga nya.

Loyal daw sa pamilya, kaya itong pangalan ng asawa at anak nya pinapatattoo nya, pero kung makangiti sa akin halatang manyak! Next time talaga tatanggihan ko na to.

Tinapos ko na yung last retouch sa dibdib ng matandang to. Para naman makatayo na sya. Nakakarami na ng tsansing, kinikilabutan ako eh.

"It's all done Mr. Ramirez. Tiyak matutuwa ang asawa at anak nyo sa inyo nyan." sabi ko habang tinatanggal yung gloves sa kamay ko.

Nakaharap sa salamin yung matanda. Sinisipat yung ginawa kong micro tattoo sa dibdib nya.

"Ang galing mo talaga Fil... Kaya gustong gusto kong ikaw nag tatattoo sa akin eh... Magaling yung kamay mo." sabi nya sa akin habang yung kamay nya nasa balikat ko.

Pwede namang umakbay na lang, bakit kailangang himasin pa yung balikat ko, ano ako santo? Takte tong matandang to.

Umurong na ako para matanggal na yung kamay nya sa balikat ko.

"Sa ganda ng tattoo nyo Ser, mahihrapan na kayong makapambabae nyan, mukha ba naman ng anak nyo at asawa nyo yang pinaburda nyo sa katawan nyo eh." naiiritang sabi ko sa kanya.

"Ahahaha, mapagbiro ka talaga Fil... No wonder kung bakit marami kang parokyano dito, mabait ka na, sexy at maganda pa..." akmang lalapit pa sya sa akin pero umiwas na ako.

Kitang kita sa katawan nya yung pagyugyog ng mga bilbil nya sa tyan habang humahalakhak sya. Para syang buddha na malapit ko ng ihawin.

"Si George na po bahala sa inyo Ser... Mag aayos lang ako ng mga gamit, may next customer pa kasi eh." pagdadahilan ko.

"Okay Fil... I can double your tip... Damay ko na tong partner mo sa tip."

Nakatalikod na ako sa kanya pero kita ko sa salamin kung gaano ka manyak yung tingin nya sa pang upo ko. Sinarado ko na yung kurtina. Para narin hindi nya na pagpyestahn ng tingin yung katawan ko.

Maya maya pumasok na si George sa working area ko. Ngingisi ngisi sya sa akin.

"Sige pa, tawanan mu pa ako, babawiin ko yang tip na binigay mya sayo." himutok ko.

"Darling, hindi ka talaga tatantanan ng D.O.M na yun kunf makikita nyang ganyan ang itsura mo. Kahit sinong lalaking magpapa tattoo dito, natetemp na maka score sau eh..." sabi nya.

Narinig ko nanaman ung endearment nya sa akin na Darling. Hindi ko naman sya boyfriend, ganun lang talaga tawag nya sakin. Kaya minsan yung iba namimis interpret yun.

Since College, magkaibigan na kami ni George. Classmate ko sya sa isang subject ko sa course ko na Fine Arts. Never namang naging kami, never nya din akong niligawan. Prangka kasi akong tao, kaya dati tinanong ko sya kung may gusto ba sya sa akin at bakit lagi syang nakadikit sa akin, wala naman daw. Hindi nya ako type. Ayaw nya daw sa mga katulad kong modern type. Nagkasundo lang kami kasi parang alam namin yung takbo ng isip ng isa't isa. Tsaka nung time na yun, may girlfriend sya. Kaso ngayon wala na sila.

At kung ako tatanungin kung magkakagusto ako sa kanya, well, muntik na kung hindi ko nalamang may jowa sya. Hahaha. Hindi nya alam yun. Sa gwapo nyang yun, 5"9 hyt. Medium built. Perfect jaw with his heavenly smile. Sweet pa. Naalala ko yung sabi ng isang klasmeyt ko dati, na ngiti nya pa lang, ulam na! Hahahaha.

Pero ngayon, wala syang jowa, pwede ko ng gawing akin sya. Kaso, hindi ako flirty type. Ganito lang ako magdamit, ayoko ng mga damit na makakapal, yung parang pang manang, naiinitan ako pag hindi ako na short na maiiksi o kaya pag hindi ako naka sleeveless. Basta hindi ko yun trip.

Pero hindi ako kaladkaring babae. Akala lang nila yun. Hindi pa nga ako nagkaka boyfriend! Sabi nga nila, DON'T JUDGE THE BOOK BY IT'S COVER. Pero kung judgemental talaga sila, bahala sila sa buhay nila. Wala akong paki.

Tinapos ko na yung pagliligpit ng gamit ko. May pupuntahan kasi akong tattoo event mamaya. Kaya mas maige ng magready kesa ma late. Hinarap ko na si George.

"Bakit? Isa ka ba sa mga lalaki na nagpapantasya sa akin at gustong maka score sa akin?" Lumapit ako sa kanya ng face to face, testing lang naman kung sasakyan nya yung joke ko.

"Woah! Wait... Hindi ako isa sa mga yon noh, isa pa di kita papatulan, masyado kang angat sa akin, ayoko ng ganyan, natatapakan ang ego ko. Concern lang ako sayo, ayokong dumating yung time na madatnan kita dito na nirereyp ng isa sa mga customer mo." tumayo sya sa upuan nya.

Pinag taasan ko naman sya ng kilay sa sinabi nya.

"Sobra ka naman! Rape agad?! Hindi ba pwedeng romansa muna?"

"Mag ayos ka kasi, wag yung ganyan ang itsura mo... Nakita mo na ba yang itsura mo sa salamin?" pinatalikod nya ako paharap sa salamin. Tinignan ko ang sarili ko, nakatingin din sya sa akin. Tapos nag salita ulit sya.

"Halos wala ka ng suot, kung lasing ako baka pinatuwad na kita dito. Walang lalaki na hindi naatract sayo. Lalo na't ganyan ka karevealing, kaya wag ka ng magtaka kung araw araw magpatattoo yung D.O.M mong customer."

Humarap ako sa kanya. Hinawakan nya naman ako sa bewang ko. Nakita ko nga na concern sya sa mga mata nya habang nakatingin sya sa akin. Kung ibang tao ang makakakita sa amin, aakalain nilang magjowa nga kami. Sanay na ako kay George sa mga kinikilos nya para sa akin. Minsan magka holding hands kami. Alam ko namang walang malisya yun. Sadyang ganun talaga sya. Sweet... Pero wala talaga kaming relasyon maliban sa friendship na meron kami.

"Ok... I'll try... Pero wag mu naman ako madaliin. Tsaka ayoko ng balot na balot..."nakasimangot na sabi ko sa kanya.

"Sure darling... Try mo lang... Tsaka damit lang naman papalitan mo, hindi yang ugali mo." sabi nya sa akin na pinisil pa yung ilong ko.

Natawa naman ako sa ginawa nya. Tinampal ko naman sya sa balikat nya.

"Darling... Mabuti pa, lumakad ka na, nag iiba na yung temperature dito, bukas ba yung aircon ng shop? Parang nag iinit yung pakiramdam ko." panunudyo nya sa akin.

Kumalas naman ako sa pagkakayakap nya sa bewang ko. Minsan talaga pilyo sya. Pero may kontrol. Pero kung ako walang kontrol, mahuhulog na talaga ako sa kanya.

"Sira ulo ka talaga!" hinampas ko sya sa braso nya.

Natatawa naman sya sa ginawa ko.

Kinuha ko briefcase ng tools ko, tapos nagpaalam na ako sa kanya. Lumabas na sya ng shop, sumunod naman ako.

"What time kita susunduin?" tanong nya.

"No need, I'll bring my buddy..."

sabi ko na nginuso yung nakapark ko na mini cooper.

"Palitan mo na si Buddy. Bumili ka na ng bago, para san pa yang mga ipon mo kung puro ipon ka lang."

Sumakay na ako sa kotse ko. Lumipat naman sya ng tayo sa pwesto ko.

"Mahal ko to noh, marami na kaming pinagsamahan since college..."sabi ko sabay i-start ng engine. Tumingin ako sa kanya. Pero nakita ko yung nakakalokong ngiti nya. Sinundan ko yung tingin nya at nakita kong nakatingin sya sa dibdib?

"Like the view huh? Ayaw mo sa kin pero kung pag nasaan mo ko kabaligtaran sa sinasabi mo"sabi ko.

"Mag jacket ka kasi. Kahit sinong makakita sayo na ganyan ka revealing yang cleavage mo, mag eenjoy..."naka ngisi sta sa akin.

"Bastusing bata toh! Hmpft!"

Itataas ko na yung bintana ng magsalita pa sya.

"Goodbye kiss ko?"

"Manigas ka jan! Bobosohan mo nanaman ako!"

Sinarado ko yung bintana, at pinaharurot ko na yung kotse ko. Nakita ko sa rearview mirror na kumaway pa sya ng makaalis na ako.

Hay naku George, sabihin mo lang na gusto mo ko, hindi ka na mahihirapan. Ibibigay ko lahat ng gusto mo. Especially my body...

Equally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon