GEORGE POVS
Inagahan ko na ng punta sa shop ni Fil. Mababatukan nya nanaman kasi ako pag na late ako. Pupunta kami sa firing range. Kakaiba talaga kasi hilig nun, baril, tattoo, mga bagay na hindi mo aakalain sa isang babae.
Katawan at itsura, dyosa. Pero pag nakilala mo syang maige, minsan mapapaisip ka kung babae ba talaga sya.
Pagka park ko sa tapat ng shop, bumaba agad ako sa sasakyan ko. Tapos, bubuksan ko sana yung pinto kaso, naka lock. Bakit naka lock? Alam ko, hindi naman sya naglolock ng pinto. Baka naman aksidente nya lang na lock. Pero buti, may spare akong susi kaya binuksan ko yun.
"Awww! Fuck!"
Narinig kong may sumigaw sa working area ni Fil.
Lumapit ako sa may pinto ng working area nya at narinig ko nanaman yung salita ng lalaki.
"Ahhh! Shit! Please, make it fast babe!"
BABE? TANG INA NYA! SINO SYA?! sabi ko sa sarili ko.
Dali-dali kong bunuksan yung pinto. Nakita ko ang isang lalaki nakaupo sa barber's chair. Medyo nakatagilid yung pwesto nya sa akin at nakapikit . Habang nakahawak sya sa balikat ni Fil. Na nakatungo sa gilid nya nakatalikod naman sa akin.
"What are you doing?!" tanong ko sa kanila.
Tumigil naman silang dalawa sa ginagawa nila. Sabay pang lumingon sa akin na mukhang nagulat.
"Sino ka?! Istorbo ka eh, noh?!" sabi ng lalaki.
Tumayo naman si Fil at lumapit sa akin.
"Darling, anong nangyayari dito?!" taning ko ulit kay Fil.
"Nagtattatoo ako... Bakit masyado ka atang nag hi-hysterical?" tanong ni Fil.
Sinilip ko naman yung lalaking nasa likuran nya. Medyo naka baba sa puson yung pants nito, habang kita ko pa ung unfinished product na gawa ni Fil.
Tumayo na yung lalaki, inayos yung pants nya. Hindi alintana na bagong tattoo yung puson nya.
Lumingon naman si Fil sa kanya.
"Wait, hindi pa tapos, san ka pupunta?" tanong ni Fil.
"No, it's ok... That's enough," sabi ng lalaki.
"Hindi pa nga tapos... Umupo ka muna dun at tatapusin ko yung natirang design..."
"I said that's enough! Ok?!" sigaw ng lalaki.
"Teka p're, wala ka sa lugar para sigawan mo sya!" sigaw ko na humarang pa sa dadaanan nya.
"I got to go..."paalam nito kay Fil.
Ar humarap naman sa akin.
"But from now on... She's mine... Not yours..." sabi nito na masama at malalim ang tingin sa akin.
Lumabas na sya ng shop, ng walang lingun-lingon. Napatingin naman ako kay Fil na parang hinahangin pa yung utak.
"Sino ba yun?" tanong ko.
Para namang wala sa sarili si Fil.
"Si Calvin..."
"Sinong Calvin?!" tanong ko. Bumalik naman sya sa mesa at inayos yung mga gamit nya.
"Yung..."
"Yung ano?"
"Yung lalaki na humarang sa akin sa parking lot sa BGC..."
"Sya?!"sabi ko. "Di ba muntik ka ng ma rape ng lalaking yun, tapos, nandito sya ngayon nag papatattoo sayo?!"
"Teka lang naman George, magpapaliwanag ako, kalma ka lang..." hinawakan nya yung dalawang kamay ko.
Nanlambot naman ako sa ginawa nya, kaya ayun, kumalma naman ako.
Lumabas na kami sa working area nya at umupo sa sofa sa waiting area ng shop.
"So, what now...?" tanong ko.
"Yung lalaking yun, pumunta sa shop ko para mag patattoo..."
"Then...?"
"He gave me a blank check..."
"Blank check? For what...?"
Bakit naman sya bibigyan ng blank check ng sira ulong yun.
"Para tatuan ko sya..."
"Yun lang...?"
"Para iburda yung pangalan ko sa balat nya..."
"Ano?! Pangalan mo?! Bakit?! Hinarass ka ba nya?! Sabihin mo lahat ng dahilan kung bakit ka nya binigyan nun?! At ba't ka pumayag?!"
Hayup na yun, bina blackmail pa ata si Fil.
"Teka naman George, kalma ka lang naman. Ayoko naman sanang kunin yung tseke at yung pagtattoo sa kanya, kaso, alam kong di nya ako titigilan eh..."sabi nya.
"How sure you are na titigil na nga sya...?" tanong ko.
"Sabi ko dedemanda ko sya pag di nya ako tinigilan... May cctv naman para makita na trespassing sya dito sa shop ko."
"Sigurado ka bang wala syang ginawang masama sayo maliban dun?"
"Wala naman..."
"Akala ko talaga kung anu ng nangyayari sa inyo dito kanina..."
"Ang alin?" she looks at me with her puzzled eye. "Grabe ka, andumi ng isip mo, sa tingin mo papayag akong magpa rape dito sa shop ko? Para san pa yung session natin ng jijutsu!" pinaghahampas nya ako sa braso.
"Eh sa OA naman talaga yung reaction ng lalaking yun... Hahaha... Akalain mong ganun pala kaingay yun pag tinatatuan..." sabi ko.
"Hahaha, parang machong bakla sa reaction..."
"Macho? Na mamachohan ka dun? Siguro takam na takam ka sa abs nya ng makita mo yun noh?" sabi ko...
BINABASA MO ANG
Equally Opposite
RomanceAng paglalaro, may katapusan. Nasa sa iyo yun kung tatapusin mo na madali o mahirap. Masakit o masarap. Masaya o hindi. Pero panu kung habang naglalaro ka, nilalaro ka na rin pala? Hindi mo alam na pinaglalaruan ka narin pala ng sarili mong laro. Ma...