Fil's POV
Kakatapos ko lang mag tattoo sa isang customer ko ng biglang may nag buzz sa shop.
Fully equiped with CCTV naman tong shop ko, incase na may gumawa ng kalokohan. Chineck ko yung wrist watch ko. Eksaktong 12pm. Baka si Geore na yun.
Pagbukas ko ng pinto sya nga. May dalang foods.
"Darling?" hinalikan nya muna ako sa cheeks tapos pumasok na sya sa shop na nagtataka pa ring nakatingin sa akin.
Tinitigan nya pa ako simula ulo hanggang paa. At tumingin ulit simula paa hanggang ulo naman.
"George...? Why?" tanong ko.
"What happened to the black boots, black skirt with a revealing blouse? Mahal na ba yung mga damit ngayon?" tukso nya pa.
Medyo inayos ko kasi yung damit ko, imbes na skirt, shorts na lang, atleast kahit tumuwad ako, wala silang masyadong makikita. Tapos, imbes na tube o racerback, fitted or lose shirt na lang yung suot ko. Nag aalangan ako kasi naiinitan na ako sa suot ko.
"May problema ba George?" tanong ko.
"Wala... You're still hot and gorgeous..."sabi nya.
Siniko ko naman sya habang nilalapag nya yung pagkain na dala nya.
"Aray! Dinalhan na nga kita ng foods, binubugbog mo pa ako..." sabi nya.
"Kaw kasi kung anu ano pa yung sinasabi mo." sabi ko.
"Na trauma ka na talaga last time huh? Pero revealing pa rin yang cleavage mo sa lose shirt na yan..." sabi nya.
"Eto?"tingin ko sa dibdib ko, medyo lang naman, unlike before.
"My god George? Summer ngayon, eto pa nga lang suot ko, init na init na ako, parang ang kati sa katawan, tapos gusto mo oa mag turtle neck ako pata matago tong dibdib ko? Over ka!"
"Hahaha, wala naman akong sinasabing mag turtle neck ka Darling. Sinasabi ko lang na medyo revealing pa rin." Lumipat na kami sa pantry at umupo na sa mesa para kumain.
"Ok na to! Hindi ko na kayang magsuot ng bestida o malong para matago yung katawan ko."
Tinawanan lang ako ni George. Tapos kumain na kami.
Pagkatapos naming kumain, nag paalam na sya sa akin na aalis muna. Babalikan nya na lang daw ako mamayang hapon para sa practice shooting namin. Past time kasi namin yun once a week. Nagpa plano na rin akog bumili ng baril for my own protection.
"Pupuntahan ko lang yung friend ko na dealer ng guns and ammo. Then after that, derecho na tayo sa Firing Range."
"Sure... I'll wait for you, bilisan mo ha."sabi ko.
Hinalikan nya ulit ako sa pisngi bilang goodbye kiss. Kumaway naman ako sa kanya pagkasakay nya sa Fortuner nya. Nang malayo na sya, saka ako pumasok sa shop. Dumirecho ako sa pantry para ligpitin yung pinagkainan namin. Nakita ko naman sa lababo yung wallet ni George.
Binuksan ko yun at nakita kong walang lamang pera, puro cards, atm, credit cards, discount cards... At nanlaki ang mata ko ng kunin ko sa isang part ng wallet yung isang sachet ng CONDOM!
Oh my God! Bakit sya may condom sa wallet?! Sinong pag gagamitan nya nito?! May babae sya?! Bakit hindi ko alam!!! Praning ka ba Fil? Makapag react ka naman akala mo magjowa kayo.
Pero bakit sya may condom sa wallet??? Nakakainis ka George! Naglilihim ka sa akin!
Narinig kong nag buzz ulit yung pinto ng shop ko.
BINABASA MO ANG
Equally Opposite
RomanceAng paglalaro, may katapusan. Nasa sa iyo yun kung tatapusin mo na madali o mahirap. Masakit o masarap. Masaya o hindi. Pero panu kung habang naglalaro ka, nilalaro ka na rin pala? Hindi mo alam na pinaglalaruan ka narin pala ng sarili mong laro. Ma...