checkmate

10 0 0
                                    

FIL'S POV

Bakit ba sumugal ka nanaman Fil? Hindi ka naman marunong nun?

Hindi ako makapaniwala na nasa harap ko sya ngayon. Sinasadya nya ba to? Sa dami ng tao bakit sya pa. Tinignan ko sya habang nakaupo na nagbabasa ng magazine. Gwapo naman sya eh. Matangos na ilong, mapupungay at maitim yung mata nya. Yung labi, kissable na mapula, parang ang sarap halikan. Yung katawan ang sarap papakin. Napakagat ako sa labi ko sa mga iniisip ko.

Malandi ka Fil! He's the Devil's Advocate! Bakit kung anu-anong pumapasok sa isip mo? Pero, I'm just telling the truth!

Lumapiy na ako sa kanya. Bitbit yung mga gamit ko.

"May dala ka bang canvass ng gusto mong ipatattoo?"tanong ko.

"Wala..."sabi nya.

"Ok, tumingin ka na lang jan sa mag," sabi ko.

"Wala akong magustuhan, wala na bang iba?" narinig kong tanong nya.

"Wala. So kung wala kang magustuhan, makakaalis ka na, may lakad pa ako."

"Hindi mo ko pwedeng basta basta palayasin ng hindi ko pa nakukuha yung gusto ko. Sa pagkaka alam ko, nasa iyo na yung tseke ko..."naka ngising sagot nya sa akin.

Walang hiyang to! Gusto pa akong ipitin sa sitwasyon. Hayup talaga eh!

"Eh anu ba kasing gusto mong ipaburda dyan sa balat mo?!"

Tumayo sya at lumapit sa akin, napaatras naman ako. Pero lamesa na yung nasa likod ko. Shit naman! Naamoy ko nanaman yung heaven scent nya. Feeling ko kasi inaakyat ako sa langit pag naamoy ko sya.

"Teka... Bakit ba napaka sungit mo sa akin? Customer mo ko... Treat me right kung yun din ang gusto mong isukli ko sa'yo..." sabi nya habang napaka lapit na ng mukha namin sa isa't isa.

Nakatingin ako sa mga ilong nya, pababa sa labi.

Iniwas ko na lang yung mukha ko sa kanya. Natatakot akong baka halikan nya ako at baka magpatianod naman ako sa kanya.

Umatras narin naman sya. Tapos bumalik sa upuan. Nakatalikod naman ako sa kanya na hindi ko alam kung ano ang una kong dadamputin. Nakaka tense naman tong lalaking to.

"May naisip na akong ipatattoo..."

Narinig kong sinabi nya. Hindi ko sya nilingon. Sumagot lang ako.

"Ano?"

Hindi naman sya kumibo. Nang hindi na ako makatiis, hinarap ko sya. Nakatingin lang sya sa akin. Malalim yung titig nya. Ang hirap iwasan kasi para kang namamagnet.

"Pangalan mo..."

Para namang nagpantig yung tenga ko sa narinig ko. Tama ba yung narinig ko? Pangalan ko daw?

"Ano?!" tanung ko ulit.

"Ang sabi ko pangalan mo, na naka manuscript... Scripti yung design, simple lang yun, siguro naman kaya mo?"

Alam kong seryoso sya sa sinasabi nya pero alam ko rin na niloloko nya ako.

"Your insane..."plastik na tawa yung sinukli ko sa kanya.

"Yah... Maybe it's because of you..."naglalambing pa na sabi nya.

Naiinis na talaga ako! Niloloko nya talaga ako! Bakit naman pangalan ko yung naisip nyang ipatattoo? Sa pagkakaalam ko, mga taong espesyal lang sa kanila yung mga taong nagpapatattoo ng pangalan. Espesyal ba ako?! Hmpft! Sira ulo talaga!

"Pwede ba, wala akong oras na makipaglokohan sa'yo. Isosoli ko na lang tong tseke mo para tumigil ka na sa kalokohan mo!" sabi ko.

"Dalawa lang naman tayo dito ah... Sino bang may sabi sayo na nakikipag lokohan ako sa'yo?"

Tinawanan nya lang ako, na parang hindi sineryoso yung sinabi ko.

"Shut up! Stop playing on me! Eto ng tseke mo! Lumayas ka na dito!" pagtataboy ko sa kanya. Binato ko pa yung tseke nya sa kanya. Pero hindi man lang sya natinag sa kinauupuan nya.

"Alam mo, gawin mo na lang... Naaalala mo ba yung ginawa mo sa akin sa parking lot? After nun, alam mo bang ipina blotter kita sa buong police station sa BGC. Pwede pa nga kitang kasuhan sa ginawa mo sa akin eh, kung hindi ka susunod sa sinasabi ko..."

Tang-ina! Hayup talaga! At naisip pang i-blackmail ako?! Eh dapat nga sya yung ipakulong ko sa pambabastos nya sa akin sa BGC eh.

"How dare you--!"sasampalin ko sana sya pero di ko na natuloy dahil nahablot nya agad yung kamay ko, dinala nya sa likod nya para mapayakap ako sa kanya.

Parang bigla akong nanghina ng maramdaman ko yung init ng katawan nya. So hot... Tilad nung nasa BGC kami.

Habang hawak nya sa likod nya yung kamay ko, yung isang kamay nya naman nakayapos sa bewang ko.

"I like to see you like this... Para kang wildcat... Alam mo bang mas lalo akong natetemp na lamukusin ka ng halik dahil sa ginagawa mo? Sa kama ba ganyan ka din ka wild?"nakangiting sabi nya sa akin.

Namula yung mukha ko sa sinabi nya. Napaka manyak nya talaga! Pasalamat sya gwapo sya, kung hindi, mukha nya yung gagasgasan ko.

Bago pa ako mapasarap sa yakap nya. Nagpupumiglas na ako. Masyado syang malakas. Pero pinagpatuloy ko lang.

"Pakawalan mo ko! Hayup ka! May CCTV tong shop ko, at dahil sa ginawa mo sa akin, may pruweba ako para makasuhan kita ng sexual harassment!"

Binitawan nya naman ako. Tumingin sya sa pwesto ng CCTV. Tapos binalik nya yung tingin nya sa akin.

"Alam mo, walang problema sa akin na kasuhan mo ko ng sinasabi mong sexual harassment, maige nga yon para malaman ko kung makakasuhan mo pa ako pagkatapos mong pagsawaan tong katawan ko. Pero saka na yon, sa ngayon, tatuan mo na ako, para makaalis na ako dito."

Bumalik na ulit sya sa upuan. Naiwan naman akong nakatayo sa kinalalagyan ko. And he left me with no choice but to follow him.

Sana pagkatapos nito, mawala na sya sa buhay ko. Hindi ko na kasi alam kung anu pa yung mga susunod nyang gawin sakin.

Calm down Fil... Kailangan kong ipakita sa kanya na hindi ako natatakot sa kanya.

"Fine! Siguraduhin mung pagkatapos nito, mawawala ka na sa buhay ko...!"

"Hmmm... Sure... But... We can't control the fate..."nakangising sabi nya sa akin.

Hmpft! Kung may hawak lang akong baril ngayon, tinutok ko na sa sintido nya at ipuputok ko lang yun para mawala na sya sa buhay ko.

Kinuha ko na yung mga gagamitin ko. Inayos ung mga ink, needle, tissue paper, at iba pang kalingan ko. Sinuot ko na rin yung gloves.

"Sang part mu ba balak magpatattoo?" medyo kalmang tanong ko sa kanya, kahit alam kong sa loob ko, nabibwisit na ako.

Hindi sya nagsalita. Bagkus tumayo sya. Humarap sa akin, dahan dahang tinatanggal yung sinturon nya, unbutton his pants...

Oh my! What are he doing?! Maghuhubad ba sya?!

"Anung ginagawa mo?!" takang tanung ko.

"Magpapatattoo di ba?"

"I know! Pero ba't ka maghuhubad?!"

"Hindi ako maghuhubad, wag kang feeling, ibababa ko lang tong pants ko..."

"Bakit, san ka ba magpapatattoo?"

Sana naman hindi dun sa part na yun. Sabi ko sa sarili ko.

"Sa pusod..."

Equally OppositeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon