Nasapo ko yung noo ko ng malaman kong dun sya magpapatattoo. Syempre akala ko kasi dun sa mas lower part pa nun.
Huwag kang assuming Fil...
Sabi ko sa sarili ko.
"Hindi ka pa ba magsisimula? Time is running... I thought you're in a hurry?" sabi nya habang naka upo na sa harap ko.
Nakita ko yung damit nya na bahagyang nakataas. Napalunok naman ako ng makita ko yung six packs abs nya. Oh my! Forgive my eyes for this sin...
Medyo nakababa din yung pants nya sa puson, at naka half unzipped naman yung zipper nya kaya kita ko din yung garter ng boxer nya.
Lumapit na ako sa kanya, with my tattoo stuff. Tapos medyo nag alangan pa ata sya ng marinig nyang ini-on ko na yung pang tattoo.
"Wait, wala ka man lang bang anesthesia para hindi ko maramdaman yang sakit ng needle?" tanong nya.
"Are you kidding me...?"taas kilay na sagot ko sa kanya.
Puro pangmamanyak at yabang naiisip nya pagkaharap ako, duwag naman pala magpatattoo. Gago rin to eh noh?
"Nasabi ko lang naman, safety first diba? Baka lang--"
"Tattoo lang naman gagawin ko sayo, hindi naman kita ooperahan, so bakit ako gagamit ng anesthesia?"
pagkasabi nun, pumwesto na ako sa tabi nya paharap sa kanya.
Nakatingin lang naman sya sa akin. Na parang sinasabi ng mata nya na ikuha ko sya ng dextrose at anesthesia, pero hindi ko na lang yun pinansin.
"Ok, let's start..."sabi nya.
Lumapit ako sa tagiliran nya. Mejo nakahiga sya s barber's chair. Tama, barber's chair yung upuan ko, kasi para mas marelax yung mga sarili nila habang tinatattooan ko sila.
Habang nasa gilid nya, hindi ko maisip kung san banda sa part na yun ko ippwesto yung kamay ko. Isang maling kilos ko lang kasi, mahahagip na ng kamay ko yung hindi dapat mahagip.
BINABASA MO ANG
Equally Opposite
RomanceAng paglalaro, may katapusan. Nasa sa iyo yun kung tatapusin mo na madali o mahirap. Masakit o masarap. Masaya o hindi. Pero panu kung habang naglalaro ka, nilalaro ka na rin pala? Hindi mo alam na pinaglalaruan ka narin pala ng sarili mong laro. Ma...