12: Hydrolia

0 0 0
                                    


"What?!"

Biglang tanong ni Ephraim sa lalaking dumating para magbalita sa kaniya ng isang bagay na hindi niya inaasahan.

Muling nanumbalik sa isipan niya ang mga nangyari sa bayang iyon hanggang sa unti-unting nanginig ang mga kamay niya.

Walang sabi-sabing tumakbo siya palabas ng silid na kinaroroonan at tumungo sa direksiyon kung nasaan ang meeting hall ng organisasiyon.

"Hurry, Everett!" Si Thormund saka dali-daling sumunod sa dalaga.

Nang marating nila ang meeting hall, bumungad sa kanila ang iba pang miyembro ng Towers. Gulo ang isip ng dalawang binata nang makita ang lahat ng Towers sa silid. Hindi nila iyon inakala dahil bibihira lamang kung makumpleto sila lalo pa't akala nila ay umalis na ang mga ito kanina para sa kaniya-kaniya nilang misyon.

"W-what happened?" Nanginginig pa rin si Ephraim sa hindi maipaliwanag na dahilan na nagdulot ng pagkabasag ng mga tapayan.

"Please, calm down, Ephraim." Pagpapakalma ni Exia sa kaibigan. Dahil sa sinabi niya ay naibsan naman ang panginginig ni Ephraim.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang headmaster ng kanilang Corps. Lahat sila yumuko para magbigay-galang sa kararating lang.

"Hydrolia is near from being wiped out." Panimula nito bago tumingin kay Ephraim na hindi halos makatingin sa kaniya.

"Bakit ngayon lang nakarating ang balita sa HQ, Master? Anong ginagawa ng mga Hunter na mas malapit doon?" Thormund asked. Hindi rin maiwasan ang pagkabigla sa nalaman.

"The village is closed from the outside." Aniya bago muling tumingin kay Ephraim na ngayon ay nakayuko na.

"Closed? Why in the world would they do that for? Akala ko isa sila sa mga may pinakamalaking angkat sa buong Capital?!" Gaya ng iba, hindi rin makapaniwala si Carlisle.

"Yes, they were. Not until six years ago." Umangat ang tingin ni Ephraim at nagtama ang mga tingin nila ng headmaster.

Napansin ito ng iba pang nasa pagpupulong at may nabuo ng ideya sa kanilang mga isipan.

The headmaster was talking about what happened to the time where Ephraim left Hydrolia. Magmula nang akala nila ay napatay na nila si Ephraim, nagdesisyon silang hindi na magpapasok ng sinumang hindi taga-roon para hindi na umano maulit ang nangyari sa bayan nila.

They believe that if they close the village from the outside, there is no chance for anyone to bring "misfortune" to their land.

"If demons were already lurking in the village, why didn't they ask for help sooner?" Everett thought so.

"That's the question, little Eve." Tugon ng headmaster na ikinatigil ng lahat. Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"I suspect that the villagers think that what's happening right now is caused by the outsiders. Technically speaking, us."

"What?!!" Sabay-sabay na tanong nila.

"What kind of stupidity is that?" Komento ni Segrei sa gilid. Imbis na magtaka ay pagkainis ang namutawi sa mukha nito.

"How did the Corps find out, Master Frith?" Malumanay na tanong ni Lamerexia na agad namang sinagot ng master.

"From a mentally retarded man." He said.

"How did he escaped?" Sunod na tanong ni Everett.

"I don't know the details but it seems that the villagers didn't believe him kaya umalis siya doon para humingi ng tulong sa pinakamalapit na bayan." The master replied.

PROJECT: Demon AnnihilationWhere stories live. Discover now