***
"Sven POV"
"Rawrr, rawr!" Nagising ako sa ingay ni chaffer kaya agad akong napatigil sa pagtulog ko, napatulala ako sa bumungad sa akin sandamakmak na mga trolls hindi mabilang ng kamay ko ang dami nila.
"Hail, for our king!" Sigaw nila habang sabay sabay na nagsiyuko kaya ako ay nagulat, ano daw king? Natulog lang ako paggising ko hari na ako hahaha. "Ipagpaumanhin niyo sapagkat hindi ako ang ha---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa naramdaman ko na yumayanig ang lupa na kinatatayuan ko kaya dahan dahan akong napatalikod at napanganga sa nakita ko isang xi-xin, sila ang mga uri ng puno na may buhay at sa pagkakaalam ko sila ang tagapangalaga ng kagubatan ng eusoria, ang isa ay nasa gitna at may kasama pa ito sa magkabilang dulo ngunit mas maliit kesa sa gitna wala akong nagawa kundi ang yumuko at magpaumanhin.
"Sino ka, anong ginagawa mo rito!" Aniya ng xi-xin na nasa gitna kaya ako ay natakot at hindi makapagsalita ng maayos. "A--a--ako poh si Sven, Sven tow isang ryder at ito naman ang alaga ko, ipagpaumanhin niyo ang aming pamamalagi dito sapagkat gabi na ng nakarating kami at dito na kami inabot ng antok." Pagpapaliwanag ko. "Ngunit aalis narin kami sapagkat mahabang paglalakbay pa ang gagawin namin papunta sa main eusoria." Dagdag ko at napailing naman ito.
"Munting tao, ikaw ay umalis na sapagkat buhay mo mapapahamak lang pagmagtagal ka dito." At napatango ako sa sinabi niya saka umatras at aalis na sana ngunit may sinabi pa ito.
"Ramdam ko na busilak ang iyong puso, sa ngalan ni rasuwa ang diyos ng kagubatan hinihiling ko ang iyong kaligtasan hanggang umabot ka sa iyong paroroonan." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon biglang nagliwanag ang kanyang mga sanga siguro ay simbolo ng pangtanggap ng panalangin niya. Nagpaalam na ako sa mga bardur pati na rin sa mga trolls at ako ay nagpatuloy na sa aking paglalakbay.***
Mahigit sampung oras na akong naglalakad at parang walang katapusan ata ito wala naman akong naramdamang kakaiba bukod sa mga kakaibang hayop na aking nadadaanan may mga malalaking hayop katulad ng tigre, leon, at marami pang iba ngunit ang nagpamangha sa akin ay nung makatagpo ako ng isang unicorn habang ako ay umiinom sa ilog, napakaganda nito halata sa kulay ng kanyang balat na magkahalong puti at ginto at ang kanyang pakpak na kulay ginto na nagniningning kasabay sa paglubog ng araw.
"Master, ! Master!" Napatigil ako aking paglalakad dahil sa inasal ni chaffer hindi ito mapakali habang lipad ng lipad na umiikot sa akin at sa mga sandaling iyon ay may narinig akong kaluskos mula sa isang halaman ng balak ko ng tingnan ang nandoon ay may sumipa sa akin mula sa likod ko "rawwwrrr!" kaya ako ay napasubsob habang si chaffer naman ay bumuga ng apoy sa sumipa sa akin kahit na hindi ko nakikita ay kusang ginawa niya iyon.
Napatayo agad ako kahit na sobrang sakit ng katawan ko at tiningnan ang kinakalaban ni chaffer ito ay isang minotaur kaya napanganga ako dahil sa pagkakaalam ko magaling at malakas ang mga minotaur sa pakikipaglaban at sila ay nakatira sa entrance forest papunta sa main eusoria ibig sabihin nandito na ako sa main eusoria. Napabalik ako sa kasalukuyan matapos ang iniisip ko'ng iyon saka inilabas ang dagger ko at tumalon kay chaffer at sabay naming kinalaban ang minotaur.
"Rawrrrr!" Sigaw ng mino kaya napatalon ako dahil hindi lang basta sigaw iyon dahil pagsumisigaw ito ay yumayanig ang lupa kaya mas pinili ko'ng sumakay kay chaffer ngunit nabigla ako dahil sinuntok niya si chaffer kaya nalaglag kami pero bago pa man bumagsak si chaffer ay itinago ko na ito hindi ko alam ko'ng bakit ko nagagawa iyon na kaya kung isummon at itago si chaffer samantalang ang ibang ryder ay hindi nila nagagawa ang pagtago sa kanilang mga dragon.

BINABASA MO ANG
Mystic Guardian: Sven Tow
FantasySven tow is a dragon ryder, lumaki siya sa archaen sa hilagang bahagi ng eusoria kung saan nakatira ang mga Ryder, sila ang mga euso na may kakayahang magsummon ng dragon. Nagsimula ang kanyang paglalakbay ng pinapunta siya ng kanyang ama sa euso...