CHAPTER 7 : Secret Plan

0 1 0
                                    

***

Sobrang bigat na ng katawan ko dahil sa sobrang pagod simula ng pagpasok ko sa academy kaninang umaga lamang at ngayon ay nandito na ako sa pintuan ng tahanan ko papasok na sana ako ng biglang bumukas ito.

"Ohh, sven andito ka na pala kamzta ang unang araw mo sa academy?" Tanong sa akin ni apo habang kita ko na ngumingiti ito sa hindi ko alam na dahilan.

"Maayos naman apo." Tipid ko'ng sagot saka pumasok na at ibinagsak ko ang aking katawan sa sofa.

"Pagod ka--."

"Mukhang masaya ka ata apo."  Pagputol ko sa kanyang sasabihin.

" hmm,  kasi may  nalaman ako sa academy at mamayang gabi ko pa ito masisigurado kung tama nga ang hinala ko at sasamahan mo ako sven." Pagpapaliwanag niya sa akin at biglang ikinatuwa ko naman dahil mukhang mapapalaban na naman ako.

Lumabas si apo ng bahay mukhang may pupuntahan yata siya at babalik  din naman daw siya kaagad kaya ako naman ay nagtungo muna sa kwarto para magbihis.

Matapos ko'ng magbihis ay bumaba naman  ako kaagad at sakto naman ay dumating nadin si apo.

"Maghanda kana sven pupunta tayo academy para magimbestiga." Sabi niya sa akin saka ngumiti ako bilang tugon.

"Siya nga pala apo ano ang nalaman mo? Mukhang biglaan yata at kailangang ngayong gabi pa tayo magimbestiga." Takang tanong ko at bumuntong hininga naman siya at nagsalita.

"Kanina habang nagaasikaso ako ng mga papeles sa office ng divians department ang isa sa sektor na hawak ng mga dark wizard, sinadya ko'ng ako na mismo ang magsubmit ng schedule ko para nadin makakakalap ng impormasyon at tama lang dahil may nalaman ako..."

*Flashback*

"Thomas(apo bagi) POV"

Andito ako ngayon sa department ng divians para isubmit ang schedule ko Habang nagaasikaso ako ng mga papel ko ay may biglang pumasok na dalawang lalaking nakahood at mukhang papunta sila sa loob ng office ni headmaster Lucas anderson ang head ng divian department o ang may pinakamataas na posisyon sa lahat ng instruktor sa academy at siya rin ang kanang kamay ng grandmaster ng academy na si cruise witheormen.

Nasa sampung instruktor ang nandito sa loob ng office na kagaya ko ay nagaayos din sila ng kanilang schedule para isubmit at ni isa sa kanila ay hindi pinansin ang pagpasok ng dalawang divian maliban sa akin kaya   bago paman nila ako mahalata ay nagsummon na agad ako ng butiki at sabay na pumasok kasama yung dalawang hidians.

Pinalakad ko ang butiki sa parteng hindi  nila ito makikita sa loob at pinuwesto ko ayon sa view na makikita't maririnig ko silang lahat.
Kaya ko'ng makita ang nasa loob ng room na yon gamit ang mata ng butiki mas mainam na ito ang gamitin ko dahil sa laki nito ay hindi agad nila makikita.

"Goodmorning  headmaster." Sabay na pagbati ng dalawa at tumango naman si HM lucas bilang tugon.

"Kamzta na ang pinapagawa ko sa inyo kailangang mamayang gabi ay magawa niyo na iyon." Sigaw ni HM.

"Wag kang magalala Headmaster dahil mamayang gabi ay makukuha na namin iyon at nakahanda na ang mga kawal ko para sa pagsira ng light table sa loob ng hidian department at sinisuguro namin na walang bakas ng pagkakakilanlan na kami ang may gawa at aakalainin
nilang isang trahedya lamang ang mangyayari." Pagpapaliwanag ng isa.

"At mamayang gabi ang tamang oras para sa pagsalakay dahil binawasan nila ang security doon mas mainam ito para sa pagsagawa ng plano." Tugon pa ng isa.

Marami pa ang sinabi ng dalawa para sa plano nilang pagsira sa light table mamayang gabi at patuloy lamang akong nakinig dito ngunit naputol nalang lahat ng biglang tinutok ng isang divian ang kanyang wand sa butiki ko kaya namatay ito at ako naman ay tuluyan ng nilisan ang office bago pa nila ako mahalata.

Mystic Guardian: Sven TowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon