CHAPTER 3 : Apo Bagi

1 1 0
                                    


***


"Urgh." Biglang may nalaglag sa mukha ko kaya ay napagising ako at pagtingin ko ay isang pares ng damit ang bumungad sa akin at itong babae na nakilala ko lamang kagabi.



"Tumayo kana diyan at kailangan na nating pumasok sa main eusoria habang hindi pa bumubuka ang araw mas maganda ito para hindi tayo mahirapang makapasok." Aniya habang ako ay hindi alam ang gagawin hanggang tiningnan ko nalang ang  damit na binigay niya sa akin sabay turo niya sa kanyang kwarto.
Pagkatapos kung magbihis ay lumabas na kami at sinimulan ng lakarin ang daanan papunta sa opening ng main eusoria,  naglakad lang kami ni sheen mas mainam daw ito para makapasok kami kaagad kesa sa sumakay kami ng kabayo. Wala akong ibang dala kundi ang sulat na nakalagay sa aking bulsa at ang dagger ko habang si sheen ay nakabackpack na ubod ng laki at naisip ko kung ano ang  laman ng iyon.


"Wala ka bang mga magulang?,  anong trabaho mo,  nagaaral ka bah?" Nabigla siya sa aking tanong pati rin ako dahil hindi ko alam kung bakit sinabi ko iyon saka siya ay biglang nagsalita. "Wala na akong mga magulang namatay na sila, at wala akong trabaho nagaaral lang ako sa eusoria academy of guardian." Matipid niyang pagpapaliwanag kaya hindi na ako nagtanong pa ulit hanggang makarating kami sa opening ng main eusoria.



Nakapasok na kami sa loob ng eusoria at wala paring  masyadong tao dahil hindi pa bumubuka ang araw at ang sabi ni sheen mahaba pa ang aming lalakarin bago makarating sa black market dahil nandoon daw nakapwesto si apo bagi. Marami kaming nadaanan na mga bahay  at isa lang ang masasabi ko hindi pangkaraniwan ang kanilang mga tahanan hindi ipagkakaila na mga wizard nga ang naninirahan dito. Mahigit isang oras na kaming naglalakad at padami ng padami nadin ang tao na aming nadadaanan habang kaming dalawa ay wala paring imikan hanggang makarating kami sa isang lugar na maraming tao  may naglalaro may nakaupo sa mga bench may mga nagbobonding kaya isa lang ang nasa isip ko ito siguro ang plaza ng main eusoria.


"Malapit na tayo sa black market." Aniya kaya napatango nalang ako at patuloy na naglakad. May nadadaanan na kaming mga tindahan may mga gulay, prutas,  at mga pagkain at ng malayo layo na ang aming nalakad mayroon nadin akong nakitang mga gamit katulad armors, boots, shields at ang pumukaw sa aking isipan ay ang mga sandata na aking natatanaw na nakahilera sa daanan ng mga tindahan. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong tao na sumisigaw para siyang ermitanyo dahil sa haba ng kanyang balbas at ng kanyang mahabang damit at may hawak pa itong mahabang tungkod na kahoy.


"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!
Ohhhhh mahabaging langit,  pagpalain niyo ang kalupaang ito,  hahahahaha." Sabi ng taong mukhang ermitanyo habang nakikita ko si sheen na umiiling. "Sana'y punu'in ng masaganang bukas ang mga nakatira rito hahahahaha." Dagdag nito kaya lumapit ako at sumunod naman sa akin si sheen.


"Siya nga ang taong  hinahanap mo." Sabi ni sheen saka ko kinunot ang ulo ko sapagkat hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko Hanggang sa makalapit ako sa kanya ay hindi parin siya tumitigil sa paulit-ulit na  pagbigkas ng mga katagang iyon.

"Magandang umaga Apo bagi." Bigkas ko na siyang ikinatawa nito kaya mas lalo ako'ng kinutuban na baliw nga ang taong ito. "Magandang umaga din iho,  anong nakain mo at ikaw ay lumapit sa akin hahaha." Aniya kaya hindi ko na pinatagal pa ang sitwasyon at dumiretso na sa pakay ko habang naririnig ko na nagbubulong-bulungan ang mga taong nakakakita sa amin.


"Kailangan kitang makausap apo bagi." Pagpapaliwanag ko ngunit wala akong nakuhang matinong sagot kung hindi puro tawa lang.
"Bakit.? Hindi pa bah tayo naguusap? Hahaha." Napailing nalang ako at saka hinugot ang sulat na nakalagay sa bulsa ko at ibinigay kay apo bagi.

Mystic Guardian: Sven TowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon