***
Alas-syete ng gabi ay nakarating na ako sa bahay ibinaba na ako ni chaffer at agad akong nagmadali na pumasok sa loob pagbukas ko palang ay nakita ko agad ang reaksiyon ni apo na gulat na gulat sundan pa at may mga dugo ang damit ko at halatang galing sa isang labanan.
"Ohh , sven anong nangyari?" Takang tanong ni apo habang ako naman ay umupo sa sofa at ibinagsak ang katawan sa sobrang pagod.
"Napalaban kami ni sheen apo." Tipid
ko'ng sagot sa kanya."At? At kanino kayo napalaban?" Umiling nalang ako at nakita ko'ng binubuksan na ni apo ang pagkaing nabili ko sa black market.
"Sa---."
"Sa?."
"Sa isang grupo ng mga bardur apo." Pagpapaliwanag ko sa kanya at kita ko na nagbago ang expression niya sa sinabi ko.
"Sigurado ka bah? Alam mo ba'ng malaking gulo yang pinasukan niyo?" Alalang saad ni apo habang ako ay walang magawa kundi umiling nalang.
Sinabi ko kay apo na dahil iyon sa nakaraang bardur na nakaengkwentro ni sheen sa gubat kaya nung nakita kami sa market ay inatake kami ng mga ito matapos ko'ng sabihin iyon ay nagtungo na siya sa kusina para kumuha ng pinggang gagamitin namin para sa hapunan at hindi ko namalayang nakatulog na ako sa sofa.
***
"Gising na sven!" Sigaw ni apo sa akin at ako naman ay gulat na gulat dahil andito ako sa sofa hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako siguro ay dahil narin sa pagod sa mga nangyari sa akin kahapon.
"Ngayon na ang unang pasok natin sa academy at kailangan ko ng mauna sa iyo dahil aayusin ko pa ang schedule ng mga klase ko kita nalang tayo sa academy nakahanda na ang breakfast mo tumayo ka na dyan at aalis na ako." Saad niya habang ako naman ay tumayo na at nagtungo sa cr para maligo dahil hindi man lang ako nakapagpalit ng damit kagabi at si apo naman ay tuluyan ng umalis.
Hanga ako kay apo sapagkat kaya niyang magbago ng kanyang katauhan kung noong una ay isa siyang pulubing baliw ngayon naman ay isa na siyang instruktor at walang bakas ng pagkakakilanlan sa kanyang ibang naging katauhan sinabi din sa akin ni apo na isa siyang sano or mga euso na may kakayahang magsummon ng kahit anong hayop siya ay nakatira sa carpe plate south ng eusoria at nagtungo lang siya dito sa main eusoria para sa mission niya na makuha ang sulat ni zacharias kaya siya nagpanggap na isang baliw.
Matapos ko'ng maligo ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis at nakita ko sa gilid ng cabinet ang isang damit siguro ay ito na ang susuotin ko para sa pagpasok sa academy isang fitted black shirt na may logo ng academy sa bandang dibdib at isang fitted black pants at may isang paired black shoes imbes na magreklamo ako kung bakit ganito ang kanilang uniform ay sinuot ko nalang ang mga ito at tumingin ako sa salamin mukhang bagay naman pala sa akin.
Matapos ko'ng magbihis ay nagtungo na agad ako sa sala para kumain muna at pagkatapos ay umalis na ako ng bahay para sa first day ko sa academy.
***
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa gate ng academy at ang daming mga kagaya ko ang aking nakikita ngunit ang pinagtataka ko ay ang damit ng ibang mga euso magkakaiba kami.
"Nakabase kasi sa kung anong uri ng euso ka ang uniform sa academy kung yun ang iyong itatanong." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si sheen at natulala ako sa suot niya.
"Mas nagmukha kang hidian diyan sa suot mo sheen." Sabi ko sa kanya habang tumatawa at siya naman ay biglang nagbago ang mood.
"Ang pangit ng suot mo hindi bagay sayo.!" Saad niya kaya mas napatawa ako dahil dito mukhang napikon ko siya at bigla nalang naglakad magisa at iniwan ako.

BINABASA MO ANG
Mystic Guardian: Sven Tow
FantasíaSven tow is a dragon ryder, lumaki siya sa archaen sa hilagang bahagi ng eusoria kung saan nakatira ang mga Ryder, sila ang mga euso na may kakayahang magsummon ng dragon. Nagsimula ang kanyang paglalakbay ng pinapunta siya ng kanyang ama sa euso...