***
Nakalabas na kami ng room at sabi niya pupunta daw kami sa hidian department.
"Bakit tayo pupunta sa hidian department apo?" Tanong ko habang siya ay hindi man lang ako pinapansin at patuloy lamang na naglalakad hanggang makarating kami sa department.
Pagpasok palang namin ay pinagtitininginan na agad kami ng mga instructor na naroroon ngunit hindi ko na pinansin ang mga ito at nagtungo na kami ni apo sa office ng headmaster.
Pagbukas ng pinto ni apo natanaw ko kaagad ang dalawang lalaking nakaupo at sa gilid at ang isa na nakaupo sa isang table siguro siya ang headmaster.
"Magandang umaga po headmaster Vhoune min." Pagbati ni apo kay headmaster habang nakayuko at ganun din naman ang ginawa ko.
"Siya ba ang lalaking yun?" Tanong ni headmaster kay apo habang nakaturo siya sa akin.
"Opo, siya si sven tow and his under my supervision." Sagot naman ni apo.
"Nagpapasalamat kami sa pagtulong niyo sa nangyaring pagatake sa circle room ngunit ang ikinababahala ko lang ay ang illegal niyong pagpasok sa academy at alam ko'ng bibigyan diin ito ng mga divians at alam mo naman na makapangyarihan sila at kaya nilang baliktarin ang nangyari." Alalang sabi ni headmaster kay apo.
"Ngunit binibigyan namin kayo ng proteksiyon at nasa pangangalaga na kayo ng hidian department at kung gagalawin man kayo ng mga divians isang malaking kalapastanganan para sa eusoria ang gagawin nila." Dagdag pa nito.
"Salamat headmaster sa tulong niyo." Sabi ni apo.
"Anong maaaring gawin ng mga divians sa amin dahil sa nangyari." Bigla ko'ng tanong at nakita ko na kinunot ni apo ang kanyang ulo at nagsalita naman si headmaster.
"Yun ay ikulong o patayin kayo." Sagot ni headmaster.
Natakot ako sa sinabi ni Headmaster ngunit nawala naman agad yun dahil naisip ko'ng hindi nila kami basta-basta mapapatay.
"Hindi nila magagawa yun headmaster sapagkat bago nila makuha si sven ay kailangan muna nilang dumaan sa akin." Seryosong sabi ni apo na ikinatuwa ko naman.
"Siya bah?" Biglang tanong ng isang lalaking nakaupo sa gilid ng room habang nakatingin sa akin.
"Oo siya nga." Sagot ni apo at saka nagpaalam sa kanila at ganun din naman ako ngunit may tatlong hidians ang sumama sa amin sa paguwi para daw masiguro ang kaligtasan namin.
Pagdating namin ni apo sa bahay ay nagpaalam na ang tatlong hidians na sumama sa amin at pumasok na kami ni apo, pagkapasok ko palang ay nakita ko na agad si sheen na nakaupo sa sofa sabi ni apo si sheen daw ang nagbantay ng bahay habang nandoon pa ako sa ospital.
"Kamzta ka sven, sobrang nagalala ako sayo." At agad na lumapit si sheen at niyakap ako kaya nabigla ako sa ginawa niya.
"Okay lang naman ako." Sagot ko at umalis na siya sa pagkakayakap sa akin at niyaya ako sa table dahil nakahanda na daw ang tanghalian.
Ngayon ay sabado at walang pasok kaya andito si sheen at siya na ang nagasikaso ng bahay hanggang makabalik kami ni apo.
"Kumain ka muna sven alam ko'ng gutom ka." Sabi ni sheen sa akin saka ako umupo habang si apo naman ay sumunod din sa amin.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na si apo dahil may importante daw siyang pupuntahan at kami lang ni sheen ang naiwan sa bahay mahigpit na bilin ni apo na wag muna akong umalis ng bahay para sa kaligtasan ko at sabi pa niya ligtas ang bahay sapagkat may nakamonitor daw rito na mga hidians at binabantayan ang paligid ngunit hindi parin ako napapanatag sapagkat alam ko anytime pwedeng sumugod ang mga divians para hulihin ako o baka patayin pa.

BINABASA MO ANG
Mystic Guardian: Sven Tow
FantasySven tow is a dragon ryder, lumaki siya sa archaen sa hilagang bahagi ng eusoria kung saan nakatira ang mga Ryder, sila ang mga euso na may kakayahang magsummon ng dragon. Nagsimula ang kanyang paglalakbay ng pinapunta siya ng kanyang ama sa euso...