***
"Someone's POV"
Sakto alas-syete ng gabi ay nakarating na ako sa academy at andito ako ngayon sa gilid ng main gate at hinihintay ang mga kaibigan ko.
"Ldyll!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at tamang-tama lang ang dating nila dahil kakarating ko lang.
"Pasensiya na medyo natagalan kami may dinaanan pa kasi." Pagpapaliwanag ni shiya at tumango naman ako.
"So papasok na ba tayo?" Tanong naman ni yeomi at ngumiti ako bilang tugon.
"Halina kayo dahil ito ang unang araw natin sa pagbabantay sa circle room." Saad ko sa kanila saka kami naglakad papasok ng academy.
Ako nga pala si ldyll lee isang hidian na nasa junior rank at si shiya isang sano saka si yeomi isang avardar sila ay mga kagrupo ko sadly tatlo lang kami sa grupo dahil last year yung isang kagrupo namin ay namatay, kaninang umaga lamang ay nagbigay ng assignment ang aming headmaster at yun ang maassign kami sa pagbabantay ng circle room kung saan nakalagay ang light table ang isa sa mga pinakamahalagang bagay sa academy.
Kasalukayan kaming naglalakad papunta sa circle room at tanaw ko na mula rito ang ilang mga tagapagbantay sa main door sa bilang ko ay nasa labing-dalawa sila habang yung lima ay nakitang ko'ng pumasok sa loob at naiwan naman yung iba sa labas.
"Parang kinakabahan ako mukhang may hindi magandang mangyayari ngayong gabi." Bulalas ni yeomi at binatukan naman siya ni shiya.
"Isip mo lang yun ano ka ba!".
Pagdating namin sa circle room ay sinalubong kaagad kami ng mga tagapagbantay.
" kayo ba ang sahari's group?" Tanong ng isang tagapagbantay.
"Opo." Sabay-sabay naming sagot.
"Dito tayo sa main door at simple lang naman ang trabaho ang bantayan ang circle room at protektahan kung sakali man na may magtangkang sumugod dito." Paliwanag niya.
Nanatili kaming tatlo dito sa main door habang yung ibang tagapagbantay ay tumungo na sa assign position nila.
Sampung oras ang pagbabantay namin ng circle room simula alas-syete ng gabi hanggang alas-singko ng umaga , kasalukuyan parin kaming nakatayo dito sa main door at halos wala paring pagbabago.
Pagkalipas ng ilang minuto nakaramdam ako ng pagkaantok ngunit nagising ang diwa ko ng may nakita akong lalaking nakaredhood kagaya namin at siya ay naglalakad papunta rito sa main door.
"Sino ka." Tanong ng isang tagapagbantay.
Pinapunta ako dito ni Headmaster lucas para sa karagdagang seguridad." Saad nung lalaking nakaredhood.
"Walang nagsabi sa amin tungkol dito."
Nagtuloy-tuloy ang lalaki sa paglalakad at akmang papasok na ito sa loob ng room ngunit pinigilan ito ni shiya.
"Tumigil ka.!" Sigaw ko ngunit bigla nalang niya akong sinugod at tumilapon ako sa pader dahil sa lakas ng suntok niya sa akin.
"Ldyll.!" Sigaw ni shiya at tumakbo siya kaagad papunta sa akin para alalayan ako ngunit pinatigil ko siya at sinabing kaya ko habang si yeomi naman ay sinugod yung lalaking umatake sa akin.
Napatumba nung lalaki ang limang ibang tagapagbantay habang kaming tatlo nalang ang naiwan at dalawa pang hidians base sa galaw ng kalaban namin gumagamit siya ng dark magic at isa lang ang nasa isip ko isang divian.
Susugod na sana ako sa lalaki ngunit nakaramdam ako na mukhang may aatake sa akin mula sa likod at pagtalikod ko sakto naman at sinangga ko kaagad ang hawak nitong espada gamit ang wand ko na nagproduce ng isang barrier at sinipa ko kaagad siya at tumilapon ito.

BINABASA MO ANG
Mystic Guardian: Sven Tow
FantasySven tow is a dragon ryder, lumaki siya sa archaen sa hilagang bahagi ng eusoria kung saan nakatira ang mga Ryder, sila ang mga euso na may kakayahang magsummon ng dragon. Nagsimula ang kanyang paglalakbay ng pinapunta siya ng kanyang ama sa euso...