***
Limang araw na ang nakalipas simula ng makarating ako dito sa main eusoria at halos madami narin ang nagbago sa akin bagong tanawin, bagong lugar, panibagong buhay naayos na din ni sheen ang mga kailangan ko para sa pagpasok sa academy gayun din ang mga papeles na kailangan para makapagaral ako doon samantalang si apo naman ay nagapply din bilang isang instruktor sa academy mas mainam daw ito para matulungan niya ako at para madali kaming nakakagalaw sa aming mga plano.
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa black market ng main eusoria sa nakaraang araw tuwing hapon nakagawian ko ng maglibot dito para maging pamilyar ako sa lugar at paguwi ay binibilhan ko ng makakain si apo hindi naman ako namromroblema sa pera sapagkat binibigyan naman niya ako para sa mga gusto ko'ng bilhin.
"Sven!" Biglang may tumawag sa akin at nagpalinga-linga ako kung saan nanggaling ang sigaw na iyon hanggang sa natanawan ko si sheen as usual may dala na naman itong malaking bag at sinabi na niya sa akin ang mga laman nito at nalaman ko rin na tuwing umaga ay pumupunta siya sa gubat para mangaso at mangulekta ng mga bagay na pwedeng ipagbili sa market at tuwing hapon pagwala na siyang mahanap ay nagtutungo na siya dito sa black market.
"Ohh, sheen mukhang ang daming laman niyan ahh." Sabi ko sa kanya saka kinuha ang bag para ako naman ang magbuhat nito at hindi na siya umangal dahil na rin siguro sa pagod na siya sa haba ng kanyang paglalakbay.
"Mabuti pa nga." Aniya habang ineexercise ang kanyang mga braso.
"Ano-ano ang mga nakulekta mo sheen?" Tanong ko sa kanya.
"Ahmm, ganun padin mga buto at balat ng hayop saka may nakuha rin ako'ng kaunting mga armas sa isang bahagi sa may gubat mukhang nagkaroon naman ng enkwentro doon." Pagpapaliwanag niya saka tumango nalang ako.
Nakarating na kami sa isang tindahan na pinagbibilhan ni sheen nga kanyang mga nakukuha at pumasok na kami sa loob saka inilapag ko na ang bag ni sheen sa isang table at umupo na kami sakto lang at may tindang pagkain dito kaya gusto ko'ng kumain at alam ko rin na gutom nadin itong taong to.
Pumunta muna si sheen sa isang counter para ipresent ang kanyang mga nakuhang item at ako naman ay nangtungo sa isang counter din para bumili ng makakain namin, maraming pwedeng pagpilian sa kanilang menu, dahil gusto ko ng panghimagas kaya pinili ko ang kanilang specialty ang spicy lemon shake saka binilhan ko ng hamburger at juice si sheen at nagtungo na ako sa table namin at hinintay nalang si sheen pati na ang inorder ko.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang inorder ko at umupo na din si sheen mukhang tapos na niyang ibenta ang kanyang mga item.
"Ahmm, ano to ikaw na magbabayad ha." Patawa niyang sabi sa akin kaya umiling nalang ako.
"Libre yan, pasasalamat ko sa iyo sa pagtulong mo sa akin na makapagaral sa academy." Sabi ko.
"Sus, wala yun." Tipid niyang sagot.
Makalipas ang ilang minuto ay tahimik lang kaming kumakain at walang gustong bumasag sa katahimikang namamagitan sa amin hanggang sa nagsalita si sheen.
"Ahmm, anong tingin mo sa akin." Natulala ako sa sinabi niya at hindi agad nagprocess ang utak ko sa sinabi niya.
"Tingin mo bah mapagkakatiwalaan mo ako?" Tanong ulit niya."Ahmm, simula ng tinulungan mo ako para makaalis sa mga minotaur at pagtulong ulit sa akin para mahanap si apo bagi sapat na rason na iyon para pagkatiwalaan kita." Saad ko saka tumango nalang siya.

BINABASA MO ANG
Mystic Guardian: Sven Tow
FantasySven tow is a dragon ryder, lumaki siya sa archaen sa hilagang bahagi ng eusoria kung saan nakatira ang mga Ryder, sila ang mga euso na may kakayahang magsummon ng dragon. Nagsimula ang kanyang paglalakbay ng pinapunta siya ng kanyang ama sa euso...