CHAPTER THIRTEEN

97 5 0
                                    

"There's nothing wrong with you. I mean is, don't worry, dahil hindi ka nababaliw kung yan ang nasa isip mo. It's just you're thinking too much. Don't stress yourself too much. Pagpahingahin mo ang utak mo." Anang doktor na sumuri sa kaniya.

"Stop thinking too much, it might came from hallucinations if you didn't help yourself." Anito.

Niresetahan siya ng gamot ng doktor. Para na rin makatulog siya ng maayos sa gabi at hindi na gaanong mag isip.

She was taking her meds two days ago, at masasabi niyang natulungan siya nu'n dahil unti unting umayos ang pakiramdam niya. There's nothing to be worry about, she's fine now. Nakakatulog na siya ng maayos.

After the accident she was involved. Her family suggest to her to take a rest at least one month. Hindi na siya tumanggi dahil kailangan niya talaga iyon, and she was staying in her condo for more than one week.

Her mother wants her to go home, para maalagaan siya. But she declined. She wanted to recovered by herself, ayaw niya'ng pahirapan pa ang mga magulang niya, but Reanna is always there for her. Lagi itong naka alalay sa kaniya, halos doon na nga ito tumira kasama niya, ultimo paglalaba ay si Reanna na ang gumagawa. Minsan ay sinusuway niya ito. But Reanna always insisted, kaya wala na siyang magawa.

She's watching on the TV in the salas, when her phone rang.
Sinagot niya iyon agad dahil nasa tabi lang naman niya ito.

"Hello?"

"Ria, sorry di ako makakapunta dyan ngayon." Ani Reanna sa kabilang linya.

"Okay lang ano ka ba. Kaya ko naman na ang sarili ko. Gawin mo ang dapat mong gawin. Don't mind me here, I'll be fine." Aniya.

"Salamat, promise nandyan na ako sa makalawa."

"Okay, magiingat ka bye." She said then she hang up.

Nakalimutan niyang itanong kung bakit hindi ito makakapunta ngayong araw.

Tumayo siya at nagpunta sa kusina. Dahil wala si Reanna, walang magluluto para sa kaniya, so she decided to cook.

Bumagsak ang balikat niya nang binuksan niya ang ref. Wala nang laman iyon, pero mabilis siyang nakabawi sa pagkadismaya. Ngumiti siya at nag desisyon na mag grocery ngayong araw.

Nagpalit lamang siya ng damit. Kinuha ang bag niya at telepono, saka lumabas ng unit niya.

"I missed you baby boy." Aniya sa sasakyan niya nang makababa siya sa parking lot. Simula noong maaksidente siya, ngayon niya ulit magagamit ang kotse niya. Pinagawa pa kasi ito, at pinagbawalan din siyang magmaneho muna. But now, she can used it again and she's happy, she missed driving.

Magaan ang pakiramdam niya. Wala na ang bigat na pinuproblema niya noon.

Nakangiting bumaba siya ng sasakyan at pumasok sa grocery store malapit sa condo niya. Kumuha siya ng push cart at masayang luminga linga habang tulak tulak iyon.

Lahat ng makita niyang kailangan niya sa condo ay inilagay niya sa push cart. Nasa kalahati na agad ang laman nun, wala pang kalahating minuto.

Nagtungo siya sa meat section at kinuha lahat ng magustugan niya. Nagulat siya ng makita niyang napuno niya na ang push cart na tulak tulak niya. My god, magkakasiya kaya sa ref ko to?.

Nagkibit balikat na lang siya sa patuloy na namili. Bahala na saka ko na po-problemahin mamaya kung saan ko kayo ilalagay. Basta kailangan mabili ko kayong lahat. Kausap niya sa laman ng push cart niya.

Nang makuntento siya sa pinamili niya, pumila siya sa cashier para bayaran ang mga iyon.

Nangawit siya sa pagkakatayo, dahil sa dami ng pina-punch ng cashier medyo natagalan ito.

THE AROUSING CAVEMAN (the gentleman, caveman of mine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon