pagkatapos ng tawag na iyon ay hindi na muli akong dinalaw ng antok dahil ayaw niyang sabihin kung saan niya nakuha iyong number ko.madaling araw na ako nakatulog sa kakaisip.peste naiinis ako dahil hindi ko naman dapat iyon iniisip halos kalat na iyong cellphone number ko sa buong campus dahil pinagkalat iyon nila sofia.marahil ay ibinigay lang din iyon sakaniya.
pinagdasal ko na sana ay makalimutan ko na tumawag siya saakin pagkagising ko.nagising ako ay hapon na great hindi na kami ni mommy makakapagsimba.tamad naman akong bumangon at dumiretso sa cr.
nang makatapos ay nagsuot lang ako ng pambahay dahil wala naman akong pupuntahan ngayon gagawa lang ng kaunting assignment then magrereview ayaw ko naman abalahin ulit yung tatlo dahil alam kong busy din yun sa mga homework nila.
pagkababa ko ay nakita kong naghahain si mommy sa kusina napatingin ako sa relo ko at napasapo nalang ako sa noo ng makitang alas sais na.parang kanina lang ay maaraw pa tapos ngayon maggagabi na pala.marahil ay sobrang bagal ko lang talaga kumilos kaya inabot ako ng siyam siyam.
"hi my anong oras ka nagising?"bungad ko kay mommy at tinulungan siyang maghain ng pagkain sa mesa.
"6:30 am."
"what?bakit hindi niyo po ako ginising para makapagsimba tayo?"
"mukhang puyat na puyat ka dahil ang lalim ng tulog mo anak kaya hindi na kita inabala besides sa tv nalang ako nanood ng simba.ayoko naman pumunta ng magisa lang ako gusto ko ay kasama kita"mahinahon niyang saad at sabay lapag ng kanin.
parehas na kaming naupo at nagsimula ng kumain ng tahimik.hindi na ako nagkomento pa sa sinabi niya dahil hindi ko din naman alam yung sasabihin ko sakaniya.simula noong malaman niyang nakabuntis nang iba si daddy ay lagi na siya malamig makitungo sa iba at ako lang ang kinakausap niyang mahinahon.
masasabi kong hindi na apektado si mommy sa nangyari dahil kapag tumitigil ako sa tapat ng kwarto niya ay hindi ko na naririnig ang mga hikbi niya.
"may nanliligaw naba sayo carly?"napaangat ako kay mommy sa tanong niya.
"wala po bakit?"
"bakit hindi kana magpaligaw?you're a teenager now"mahinahon niya parin sabi ngunit kinunotan ko lang ito ng noo.
"wala po akong balak magpaligaw"malamig kong utas at nagpatuloy sa pagkain.
"bakit naman?"
"mom.can you just finish your foods instead?"
"ito naman.gusto ko lang malaman kung umiibig na ba ang anak ko.matagal tagal nadin ng hindi ko nalalaman yung mga bagay tungkol sayo"may halomg tampo sa boses niya kaya umangat ulit ako ng tingin rito.
huminga ako ng malalim at uminom muna ng tubig bago nagsalita.
"i'm fine po.marami pong nagtatangkang manligaw pero hindi ko po sila pinapagbigyan dahil ayoko"
"takot kabang matulad saakin?"
napatitig ako kay mommy na seryoso na akong tinitignan.kaya ayoko nag oopen sakaniya e.
"parang ganun nanga po."
"hindi lahat ng lalaki ay katulad ng daddy mo carly.hayaan mong buksan yang tumigas mong puso."
"paano kung katulad din nila siya?edi parang tanga ako sa kakaiyak."
"ganun talaga anak kapag nagmamahal.kailangan mong masaktan para malaman mo talaga kung siyana talaga ang para sayo"
BINABASA MO ANG
when you realized(QUADRO SERIES#2)
Teen Fictioncarly is the most supportive and clingy at the same time among to their squad but when it come's to love she's not take it seriously because for her love is just a game.you court a girl,you both enter a relationship then break if someone fall out of...