IKA-WALO

4 0 0
                                    

"ito na ang inyong mainit init na lugaw"paglapit saamin ni nanay celia.

tinulungan naman namin siyang ilapag yung dalawang mangkok at isang pitsel na may malamig na tubig pati ang dalawang baso.


"maraming salamat po nanay"saad ko rito ng ikanangiti ni nanay celia.


"wala anuman hija.osiya alam kong gutom na kayo kumain na kayo marami pa akong gagawin doon wag kayong mahihiyang lapitan ako kung may kailangan kayo ok?"


"sige po nanay salamat po ulit"saad ni felix at bumalik na si nanay sa munti niyang kusina na naroon.


"oh kain na carly.don't worry masarap yan safe pa"saad saakin ni felix

"alam ko.teka ano yang nilalagay mo?"


nilagyan niya ng patis,paminta at some chili flakes with oil?


"masarap kaya ito try mo"saad niya sabay hinalo halo na yung lugaw niya.


tinikman ko muna yung lugaw at tama nga si felix masarap iyon.trinay ko rin yung ginawa ni felix at mas lalong sumarap yung lugaw.felling ko tuloy ay bitin na bitin ako dahil sa sobrang sarap.wala din kaming imikan ni felix habang kumakain dahil narin sa parehas kaming gutom.

"you're right.haha"saad ko ng maisubo ko yung panghuli kong sandok sa kutsara tiyaka uminom ng tubig.

"told you.haha"


pagkatapos namin kumain ay nagpaalam narin kami ni nanay celia atsiyaka naglakad papunta sa kotse ni felix.

"so"

"so?"saad niya at binuksan yung pintuan ng kotse at pinapasok ako.


pagkapasok naming dalawa sa kotse niya ay binuksan niya na yung makina at dahan dahan umalis sa lugar na iyon.


"crush mo ako?"

"tss"sabay ngisi niya.


"hoy felix sagutin mo tanong ko wag mo nga ako dinadaan sa mga ngisi mo"pigil kong ngiti at humalikipkip.


"eh ano naman ngayon?ikakacrushback mo ako?"

"may sinabi ba ako?"ngisi ko pabalik ngunit umiling lang siya saakin na ikanatawa ko.


"ewan ko sayo felix yang mga trip laos na HAHAHAHA"


"magkano ba bago makapasok diyan sa buhay mo pagiipunan ko"seryoso niya na ngayong saad na ikinatahimik ko.

"seryoso ka?"gulat kong tanong rito.


"hahaha manhid mo talaga carly kaya ako sayo e"


hindi nalang ako umimik at iniwas nalang yung tingin sakaniya.nakatingin lang ako sa mga building na nadadaanan namin ng magsalita ulit si felix.


"may gusto kapabang puntahan?maaga pa naman"


"wala na felix i just wanna go home and sleep"

"you sure?"


"hmm.besides parang ang sama ng pakiramdam ko"

nagulat naman ako ng dumampi ang palad niya sa noo ko.pagkatapos noon ay seryoso siyang tumingin sa daan.


"may sinat ka.wala bang may allergy sayo sa kinain natin kanina?"


"parang wala naman"mahina kong saad at tumingin nalang din sa daan.

when you realized(QUADRO SERIES#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon