Kabanata 8

79 6 0
                                    

Kabanata 8

Same

Ang lakas ng hangin sa labas. May konting patak ng ulan. Siguro maya-maya ay uulan na. Hindi ko alam kung papasok ba kami ngayon.

It's already eight in the morning. Hindi pa gising si Adriel. Gusto ko sanang gisingin kaso naalala kong late na siya natulog dahil sa may tinapos na research.

I heaved a deep breath. Nilakad ko ang daan patungo sa kusina. Magluluto na lang ako ng agahan namin para paggising niya ay diretso kain na.

Andra wasn't here anymore. Kagabi ay nagpasya siyang sumama na sa kanyang parents. In short, kami na lang dalawa ang natitira rito. Back to normal.

Nalito bigla ako sa lulutuin. Pwede sigurong sinabawang manok na lang o kaya sinigang? Malamig naman ang panahon ngayon.

I pulled out some meat out of the fridge. I decided to cook sinigang na baboy for breakfast.

Hindi na ako nagtaka nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Probably, hindi muna kami makakapasok ngayon.

I wandered around the kitchen. Nilinis ko na rin ang mga dapat linisin doon para mamaya ay sala na lang ang lilinisin ko dito sa baba.

Nakapangalumbaba ako sa ibabaw ng countertop habang hinihintay na lumambot ang karne. Tapos na rin naman akong maglinis at nakahanda na rin ang hapag-kainan.

I have so much to do for today lalo na sa paglilinis. Balak kong palitan iyong mga punda sa mga kwarto. Kung hindi lang sana umuulan ngayon ay maglalaba rin ako.

I actually starting to enjoy the set up. Kung kaya lang magbasa ng isip ni Clay, malamang nagalit na iyon sa naisip ko. But honestly, I'm starting to think of this as home. Hindi ko alam kung bakit...

I pressed my lips together. Huminga ako ng malalim at binalikan ang niluluto ko.

Malambot na iyon. Pwede ko na ring ihain sa lamesa pero hindi pa nagigising si Adriel hanggang ngayon. Maybe I should wake him up.

I went upstairs. Hinanda ko ang aking sarili sa pagkatok. I knock three times but I got no response. Inulit ko pero hindi pa din.

I was about to pull the knob but someone grab my hands, stopping me from doing it.

"What are you doing here?" mariin nitong tanong.

Nanlaki ang mata ko at napaatras. He didn't let go of my wrist.

"A-Aayayain sana kitang kumain. Nakahanda na baba ang pagkain. Akala ko t-tulog ka pa kaya pumunta na ako dito."

He sighed saka na nito binitawan ang pulso ko. Nilunok ko ang kaba na namuo sa dibdib ko.

"Don't ever come inside my room," he coldly stated before turning his back.

Napasinghap ako at napaayos ng tindig. I firmly pursed my lips. Napabaling ako sa pintuan ng kwarto niya.

It was made of wood. May nililok na kurba at sobrang gandang tingnan. But still... It screams secrets for me. I'm intrigued.

Pinilig ko ang aking ulo at nagdesisyong sundan ito sa baba. Nasa may pintuan ito at may kausap sa telepono.

"Yes, it's raining hard here... I can't go to work. Send some papers here. That will do."

Nauna na ako sa kitchen. Hindi pwedeng ilipat ang mga ito sa patio dahil alam kong basa na doon. Dali-dali kong nilipat ang mga pagkain sa dining area.

Sa huling pagbalik ko ay nandoon na siya at nakatitig lang sa kawalan. I placed the pitcher of water above the table. Naglikha iyon ng ingay dahilan para mapapitlag ito.

Into the Wild Woods (Isla Puerto #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon