Kabanata 16

136 9 3
                                    

Kabanata 16

Tattoo

One week left and it will be Christmas na. Hindi pa rin ako nakapagpaalam sa kanya na gusto kong sa amin magpasko. I can say that we became a bit close. Konti lang naman na hindi na ako gaanong nahihiya sa kanya. Everything work out fine after the day that I cried.

"Ate, nagpaalam ka na ba?"

I was talking to Clay over phone. Nasa kwarto lang ako nakahiga since it's my day off sa opisina. Wala rin dito si Adriel dahil may board meeting sila.

"Hindi pa, eh. But don't worry, magpapaalam naman ako. I wanna spend my Christmas with you and Tiya Lucing."

I heard him sighed. Mukhang bagot na ito sa kahihintay kung saan nga ba ako magchristmas kahit pa paulit-ulit ko ng sinabi na doon ako magce-celebrate.

"Baka diyan ka magpasko..."

Tumawa lang ako sa sinabi nito. Nagtatampo na naman siya sa akin. Naging masungit bigla ang tono nito na ikinatawa ko. He scoffed on what I did.

"Hindi, Clay. Kung hindi papayagan ay tatakas ako."

"Papayag iyan. Pumunta ako sa bahay nila Senyora Maria at Senyor Rigor."

Napaupo ako sa pagkakahiga. I was shocked on what he said dahil sa totoo lang ay imposible ang sinasabi niya. May galit nga siya sa Montealegre, diba?

"Why would you do that?"

"I asked for their son's personal number. Tumawag ako sa boss mo at sumang-ayon naman siya na papauwiin ka niya," he boredly replied.

"Tumawag ka kay Adriel?" Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto.

"Ba't walang sir? Close kayo? Baka pagbalik mo dito boyfriend mo na iyan!" nanggigigil nitong sabi.

Sumimangot lang ako. Mukhang siya pa yata ang mas matanda sa amin. If he'll have a younger sister, then bantay-sarado talaga ang mangyayari.

"Ayaw mo ba akong magkaboyfriend?"

Tumahimik lang siya sa kabilang linya. I wonder what was he's thinking right now. Ayaw ba talaga niya?

"Hindi. Baka kasi mahanap mo pa siya."

"Sinong mahanap?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Wala. Sige na, Ate. Kakain na kami ng tanghalian ni Tiya Lucing. Dadalaw daw ngayon iyong mag-asawang Montealegre dito."

"Okay. You can hang up now. Take care always. Huwag mong pabayaan si Tiya diyan."

He hummed bilang pagsang-ayon bago binaba na ang tawag. I stared at my phone for a while. Nagbabalak akong tawagan si Adriel pero baka hindi pa tapos ang meeting nila. That's why I decided to text him.

Ako:

Tapos na ba meeting ninyo?

I immediately received a text from him.

Adriel:

Hindi pa. Can you bring me lunch? Magpahatid ka kay Manong Ed. Text me if you arrived.

Bumaba na ako para maghanda ng dadalhin sa kanyang opisina. Tinitimbang ko rin kung paano ako makakasulpot sa opisina niya ng walang katrabahong nakakakita. Kasi kung tutuusin ay malamang gisado na naman ako kapag nakita nilang dadalhan ko ng pagkain ang CEO.

Some of my co-workers knew that I live in Adriel's house. Hindi nila lang alam na doon din nakatira si Adriel. Ang iba rin ay nakikita kaming magkasama sa kotse but that's it. Siguro dahil alam nilang hindi naman ako papatulan ng boss nila. Only Era knew about what's happening between me and the CEO except the deal that we have.

Into the Wild Woods (Isla Puerto #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon