Kabanata 1

92 6 0
                                    

KABANATA 1

Pagdiriwang

Pinagmasdan ko ang taniman sa may balkon ng bahay. Ganado ang lahat sa pagtatanim. Malayo sa dati nitong mga mukha na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Naalala ko iyong ngiti sa kanilang mga mukha noong isiwalat ko ang magandang balita.

“Hindi na po itutuloy ng mga Montealegre ang pagpapaalis sa atin dito,” nakangiti kong deklara sa kanila.

Naghiyawan sila ngunit napansin kong tahimik lang si Tatay Juan at Kuya Raiyan sa tabi. Nagsibalikan silang lahat sa pagtatrabaho na may mga ngiting hindi mapuknat.

I crossed my arms while looking at the tall palm trees swaying under the heat of the sun. hindi alintana ng mga magsasaka ang init ng araw. Nagawa pang ngumiti.

“Paano mo napapayag ang mga Montealegre, Reese?” Nagulat ako sa biglaang nagsalita. I turned my back and faced Kuya Raiyan with his forehead creased.

Huminga ako ng malalim. “Hindi na iyon mahalaga, Kuya Raiyan. Ang mahalaga ay hindi mawawala ang taniman sa atin.”

“Reese baka naman pinapahamak mo ang iyong sarili.”

“Huwag kang mag-alala, Kuya. Kaya ko na ang sarili ko. Mabuti pa ay maghanda na kaya para sa handaan mamaya.”

Tinalikuran ko ito at pumasok na lang sa bahay. Nadatna ko si Clay na abala sa pagbabasa sa isa sa mga libro ni Mama. My mother was once a book author. Nabasa ko na lahat ng mga nobela nito. At may isang paborito.

“Clay, nasaan si Tiya Lucing? Kakausapin ko lang sana.”

Binaba nito ang librong hawak kasabay ng kanyang salamin.

“Nasa may taniman yata iyon, Ate Reese. Naghahanda para mamaya.” Tumango-tango ako at nagpasyang sundan si Tiya Lucing.

Some of the farmers greeted me. Tanghalian na dapat ngayon pero mukhang hindi pa sila kumakain.

“Tanghalian na po, Tatay Juan at bakit hindi pa sila kumakain?” Humalakhak ang matanda.

“Pinilit ko ang mga iyan ngunit ayaw patinag. Mukhang ginanahan sa iyong balita. Teka, paano mo nga ba naamo ang mga Montealegre?”

“Ah, wala po iyon. Madali lang naman ang kondisyon.”

Sinuyod ko ang buong taniman para mahanap si Tiya Lucing. Nahanap ko ito sa taniman ng mga bulaklak. May kausap itong babae. Si Concio Montenegro!

“Concio! Bakit ka nandito?” tanong ko ng makalapit sa kanya.

“Hindi na natuloy ang plano nang mga Montealegre, Reese?” Tumango ako ng may ngiti sa labi.
“How did you do that? Hindi madaling mabiro si Adriel Montealegre, Reese!” Concio exclaimed with wide eyes. Humalakhak si Tiya Lucing a aking tabi.

“Ganyan talaga ang mga Rodriguez, Concio.” 

Nailing si Concio na parang may ngiti sa mukha.

Nag-usap kami ng matagal sa botanical garden. Nauna na si Tiya Lucing dahil maghahanda na ito para mamaya.

“Reese, tuso ang mga iyan baka ay mascam ka at bigla na lang kunin ang lupa ninyo. Kaya kung ako sayo ay gagawa ako ng kasunduan na may pirma niya.”

Hanggang sa pagdating sa bahay naming ay iyon ang nasa isipan ko. Tama nga naman si Concio. I will ask for it once we meet. Dapat ay hindi ako magpauto at mabilog niya. Wala akong ideya sa kung ano ang ugali ng mga Montealegre kaya dapat maging alisto ako. Many people say that they are manipulative and vicious when it comes to business. Ayokong matulad sa mga kwento ni Tatay Juan tungkol sa mga nakalaban ng mga Montealegre. Iyon daw dating mayaman dito ay gumagapang na lang ngayon dahil sa kanila.

Into the Wild Woods (Isla Puerto #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon