Kabanata 13

120 7 2
                                    

Kabanata 13

Apologize

Natapos ang office hour ay hindi pa rin natigil ang bulungan. Batid ko na tama nga ang hinala ko. Kaming dalawa ang pinag-uusapan. They probably think that we are really together. Pinatibay pa ng may magtanong sa aking kaofficemate ko.

"Are you dating the boss, Reese? Haba naman ng hair natin at nakabingwit ng yamanin."

Maybe they don't know the status between me and the boss. Hindi naman nila alam ang contract naming dalawa and it's exclusive only to the two of us. Marahil nabanggit ko na iyon kay Tiya Lucing pero hanggang doon na lang.

"Hindi, nagkasalubong lang kami."

Ngumuso siya. Alanganin akong makipag-usap lalo na at hindi ko naman siya kilala. Hindi naman ako madaldal sa opisina para alamin pa ang pangalan nila isa-isa.

"Sabi ni Vina at Tea na kadate mo daw boyfriend mo. Tapos nagulat sila kasama mo si Mr. Montealegre. Ikaw na rin ang nagsabing boyfriend mo kasama mo."

Umirap ako ng palihim. Ano namang pake nila kung totoo nga? As if, Reese. As if... Magiging totoo...

"Huwag ka na lang maniwala. Sabi-sabi lang iyan. Mauna na ako," paalam ko at dali-daling tumalikod.

Mabuti na lang at naayos ko kaagad ang gamit ko. Hindi ako tatantanan ng mga iyon ng tanong. It's a bad thing I did those things. Sana ay hindi ako maiipit sa gulong ito.

Nagkasalubong ko si Miss Rhea Dee. Nanlaki ang mata ko ng natapunan nito ng kape ang suot kong damit. Shit! Paano ko to lalabhan? Puti pa naman ito!

"Oh, sorry! Pasensya na nagmamadali kasi ako. Hindi kita napansin. Are you okay?" May ngiti sa labi nitong hindi ko nagustuhan.

Nagtitimpi ako sa galit. Superior ito sa akin kaya dapat lang na magpakumbaba ako. Lumunok ako at pinilit na ngumiti.

"Ayos lang. Kung hindi ninyo sana po mamasamain sana po sa susunod ay tumingin tayo sa dadaanan ninyo. Mauna na po ako."

Iniwan ko siya habang nakanganga sa sinabi ko. I'm just stating the fact. Totoo naman. Alam kong sinadya niya akong tapunan. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit niya iyon nagawa. Wala akong naalalang atraso sa kanya. I feel bad because she wasn't a good actress. Hinusayan sana niya baka ako pa ang humingi ng tawad.

Hindi maalis ang pagkairita sa mukha ko habang pinupunasan ng panyo ang nabasang pang-itaas. I waited outside the building. Malapit sa may entrada at sa pwesto ng mga guard.

"Miss Reese, papara po ba kayo ng sasakyan?" tanong ng isang guard nang makalapit ako sa gawi nila.

Atubili akong tumango. Wala akong ideya kung sasabay ba ako kay Adriel. Wala rin si Manong Ed dahil pinauwi na niya ito. Siguro sasakay na lang ako ng taxi ngayon pag-uwi.

"Diyan na lang muna po kayo, Miss Reese at tatawag ako ng masasakyan mo."

Tinanguan ko ito at nagpasalamat na rin. I took my phone out of my bag after it buzzed. Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Adriel.

Adriel:

Stay wherever you are. Pababa na ako. Wait for me at the basement parking lot.

Napabuga ako ng hangin. Mukhang sasabay ako sa kanya sa pag-uwi. Ibinaba ko ang hawak na cellphone dahil sa biglaang pagsulpot nong guard na nagpresintang pumara.

"Miss Reese, punuan ang mga taxi ngayon. Kung gusto ninyo po ay magbook na lang kayo."

"Salamat po, uh, mukhang may masasakyan yata ako mamaya."

Into the Wild Woods (Isla Puerto #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon