Chapter 2

12.5K 266 32
                                    

A/N: Before reading this, please be advised, that this story might contain typographical and grammatical errors.







Raphie








Bumaba ako sa sinakyan kong tricycle.

"Yan ang bahay ng mga Salcedo. " anang tricycle driver nang iabot ko ang bayad sa kanya.

Tumango ako at inilibot ang paningin sa lugar. Isang hindi kalakihang bahay ang nasa harapan ko. Hindi man siya malaki ay halata namang maayos at alagang alaga ito.

"Tao po!. "

Tawag ko sa labas ng kahoy na bakod.

"Sino ka po?. "

Napatingala ako sa isang puno nang marinig ko ang boses ng isang batang lalaki.

Nakasilip siya sa isang maliit na bahay sa itaas ng malaking puno.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Agad siyang bumaba gamit ang isang hagdan na nakakabit sa katawan ng puno.

"Wow!, ang gandang manika!. " bulalas niya nang makababa at makita ako sa malapitan.

Kung hindi ako nagkakamali ay masasabi kong nasa sampu na ang edad ng batang ito. He looks cute.

"Good morning, dito ba nakatira si Giovanni Salcedo?. " tanong ko na lalo niyang ikinagulat.

"Wow!, pati boses maganda!. Pero teka ate, bakit mo hinahanap si Papa?." Tanong niya.

I smiled. So anak pala siya ng kaibigan ni Dad.

"Pinapunta ako dito ng Dad ko. Kaibigan sya ng Papa mo. " sagot ko.

Ngumuso sya at tumango. Pinagbuksan nya ako ng gate nila habang hindi inaalis ang mga mata sa akin na para akong isang hiwaga sa paningin niya na mahirap paniwalaan.

"Anong pangalan mo ateng manika?. " tanong nya.

"Raphie. "  maikling sagot ko.

"Ang galing naman ng pangalan mo, panglalaki!. Ako nga pala si Gelo ako ang bunsong anak ni Papa!. "

Ngumiti ako dahil napakabibo nya.

Binuksan niya ang pinto ng bahay nila at pinapasok ako sa loob. Malinis at organisado ang bahay nila.

"Pa!, may naghahanap sayong manika!. " sigaw ni Gelo matapos akong paupuin sa sala nila.

"Hoy!, Angelo, wag mo akong pinagtitripan ha!. Bakit ako hahanapin ng manika!. " sigaw ng isang boses galing sa itaas ng bahay.

"Totoo, Pa!. Nandito sa sala natin yung manika!. " sigaw ulit ni Gelo.

"Wala tayong manika dahil puro lalaki kayo!. Ikaw na bata-"

Natigil sa pagbaba ng hagdan ang isang lalaking sa tingin ko ay kasing edad ng Daddy  ko.

Napaawang ang bibig nya ng makita ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sofa nila.

"Good morning po. Ikaw po ba si Mr. Giovanni Salcedo?. "

Napakurap kurap siya habang nakatingin sa akin. Parang hindi yata makapaniwala na merong taong naghahanap sa kanya.

"Pa!, tinatanong ka niya!. " sigaw ni Gelo sa ama.

Napalingon ako sa isang babae na lumabas sa isang pinto. Nakasuot sya ng isang pink na apron.

"Bakit ba kayo nagsisigawang mag ama?. " tanong nito at natigil din nang makita ako.

Biglang nanlaki ang mga mata ng babae at agad itong tumili at tumakbo patungo sa akin.

TRES MARIA'S SERIES 3: Maria RaphaellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon