Chapter 22

12K 258 32
                                    

A/N: Before reading this, please be advised, that this story might contain typographical and grammatical errors.







Raphie




Ngumiti ako ng matapos ko ang pag-aarranged ng mga bulaklak sa vase. Tumayo ako para ilagay sa center table ang naayos kong bulaklak.

It took six months of therapy before i could finally walk again. Sa loob ng anim na buwan na iyon, suporta ng pamilya ko at ni Saturn ang kinapitan ko. And thankfully, gumaling ang mga binti ko.

Nang makalakad na ulit ako ay inayos na ni Saturn ang mga kailangan para maikasal ulit kami, but this time sa simbahan na.

After three months of preparations, naikasal kami ni Saturn sa simbahan dito sa Cebu. Nanduon lahat ng pamilya ko. At tulad ng ipinangako ni Saturn kay Daddy, isang engrandeng kasal ang ibinigay nya sa akin.

And now i'm pregnant with our first child. I'm nearly 9 months, and it's a baby boy.

Madalas dito lang ako sa bahay dahil ayaw ni Saturn na mapagod ako sa pagsama sa kanya.

Minsan naman ay dito na lang sya nagtatrabaho para masamahan ako. Aalis lang kapag importante.

Just like today, wala si Saturn dahil kailangan nyang imeet ang isang investor.

"Miss Raphie, may babae pong nagwawala sa labas ng gate. " imporma sa akin ni Kael.

Kumunot ang nuo ko.

"Who?. "

Umiling si Kael. "Hindi ko po kilala e. Pero si Boss po ang hinahanap. "

Tumayo ako para puntahan ang sinasabing babae ni Kael.

Inaalalayan ako ni Kael habang naglalakad patungo sa gate. And there i saw Ruby, malaki ang tiyan at nagsisisigaw.

"Saturn!, Lumabas ka dyan!. Panagutan mo ako!. " sigaw nya.

"Anong drama mo?. " malamig kong tanong sa kanya.

Ngumisi sya akin.

"Buntis ako at si Saturn ang ama ng dinadala ko!. " aniya.

Tumingin ako sa tiyan nya. Siguro ay nasa apat o limang buwan pa lang ang tiyan nya.

"Ilabas mo sya dahil kailangan nya akong panagutan!. "

I rolled my eyes. "Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?. "

Tumawa sya. "Believe it or not may nangyari sa amin. Nagkita kami sa isang event sa Mactan, nalasing kami at may nangyari sa amin. At ito ang resulta. "

"You mean, dun sya nagpalipas ng gabi?. " i asked.

"Yes, we did it a lot of times. Enjoy na enjoy sya sa katawan ko!. " aniya.

Hindi ko na napigilan at natawa na ako.

"B-bakit ka tumatawa?. "

Tinuro ko sya "You're funny, nakakatawa yung mga pinagsasasabi mo. "

"For your information, hindi pumunta ng Mactan ang asawa ko. Yes, invited sya dun sa event na sinasabi mo, but hindi sya umattend. Alam mo kung bakit?. "

Ngumiti ako. "Dahil nasa Manila kami that time. Wedding anniversary ng parents ko. Yes, nalasing sya pero ako ang kasama nya. "

Naging balisa ang itsura ni Ruby.

"A-anak nya to!. " pamimilit nya pa rin.

Huminga ako ng malalim.

"Hindi ko alam kung anong pumasok dyan sa kokote mo at ipinaaako mo ang bata sa sinapupunan mo sa asawa ko. Pero isa lang ang masasabi ko, hindi sa asawa ko ang batang yan. "

TRES MARIA'S SERIES 3: Maria RaphaellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon