A/N: Before reading this, please be advised, that this story might contain typographical and grammatical errors.
Warning: Matured Content!.
Raphie
Mapang angking nakapalupot ang isang kamay ni Saturn sa bewang ko habang naglalakad kami sa tabing dagat.
Humihigpit ang kapit nya sa bewang ko tuwing may lalaking tumitingin sa amin.
"Hey, relax. Hindi ka makakapag enjoy kung pagtutuunan mo sila ng pansin. "
He sighed. "Cant help it. They were looking at you like there's no tomorrow. "
"Kuya, bili mo na si ate ganda ng bracelet!. "
Saturn and i looked at the small girl, she's selling hand-made bracelets. "
Umupo si Saturn para magpantay sila ng batang babae.
"How much is this?. " tanong ni Saturn sa bata.
Natawa ako ng magkamot ito ng ulo.
"No english... " iling nito.
Saturn smiled. "Magkano ba to?. "
Huminga ng malalim ang bata. "Marunong ka naman palang magtagalog e!. 50 pesos lang, Kuya. Ako mismo ang gumawa nyan. "
Kumuha ng isa si Saturn at isinuot sa pulsuhan ko.
"Thank you. " ngiti ko.
Nagkamot ng ulo ang bata ng mag abot ng isang libo si Saturn.
"Hala, kuya wala akong panukli dyan!. Barya na lang ibayad mo, Kuya. " anito.
"Keep the change-...i mean.... Sayo na ang sukli. "
Nanlaki ang mga mata nito at nagtatalon sa tuwa.
"Naku, salamat kuya!. Mag asawa ba kayo ni Ate ganda?. " usisa nito.
"Ye- oo, asawa ko sya. "
"Alam mo kuya, bagay kayo!. "
Tumawa si Saturn. "Ang bata mo pa marunong ka ng mambola. "
"Hindi a!, totoo kaya. May sugat ka pero ang pogi mo pa rin!. Kung umabot nga sa mata mo kamukha mo na yung crush kong si Kakashi e!. "
Pareho kaming tumawa ni Saturn.
Nagpaalam sa amin ang bata ng may tumawag ditong isang staff ng resort.
Nakaupo ako sa buhangin habang hinihintay ang paglubog ng araw. Umalis saglit si Saturn para bumili ng buko.
May ilang lalaki ang nasa di kalayuan, nagtutulakan sila. Lumapit ang isang matangkad na lalaki.
"Ahm, hi, Miss.... Mind if i join you?. " anito.
Agad akong umiling.
"I'm with my husband. "
Ngumisi sya. "Wala naman e. Don't worry, I'm harmless. "
"Fuck off, asshole!. " galit na saad ni Saturn ng dumating sya.
Tumayo ako at hinawakan sya sa braso para pakalmahin.
"Sino ka naman?. " kunot noong tanong ng lalaki.
"Her husband!. "
Tumawa ang lalaki at tumingin sa akin.
"Iwanan mo na yang asawa mo at sumama ka na lang sa akin. I'll make you happ-"
"Saturn!. "
Hindi na natapos ang lalaki ang sinasabi nya ng malakas syang sinuntok ni Saturn.
BINABASA MO ANG
TRES MARIA'S SERIES 3: Maria Raphaella
Ficção GeralMaria Raphaella. A living doll, malamig at seryoso na akala mo talaga ay isang manika. Raphie lost her first boyfriend because of an accident. Simula non ay hindi na tumanggap ng iba. Until one day, her mother dropped the bomb. Ipapakasal sya nito...