💙Part 3

504 15 2
                                    

"WHEN A FUCKBOY FELL IN LOVE WITH A CUTE PROBINSYANA GIRL"


PART 3 rated🔞

Written by: @Angel Chua/@angelZmut


(Flashback)



"Gawin mo ang lahat para magkalapit silang dalawa. Gusto ko na silang dalawa ang magkatuluyan"


"Awiieee, Yes Mama ako na po ang bahala. Hindi ko na nga po pinasundo pa ng private plane ang apo nyong si Austin para magkita sila ni Pipay sa eroplano. At hindi lang yun Mama, ako din ang may pakana kung bakit magkatabi sila sa eroplano at nagkapalitan pa sila ng bag. Hahahahahahahah."



"Magaling, magaling"


---------(End of flashback)


[AUSTIN'S POV]



"Mom tinatanong kita, how did you know her?"

nagtataka talaga ako bat nalaman ng bruhang to si bulinggit. Hayyss.


"Hindi na yun mahalaga Austin. Haysss ikaw talaga bat hinayaan mong makagat ng aso tong baby Pipay ko!" galit nyang sumbat sakin at agad na pinitik ang noo ko.


Hayyysss. Kainis ako pa nasisi e sinamahan ko lang naman sya.


"Pero di bale ang mahalaga ngayon ay ligtas si baby Pipay ko. Awiiieeeee" muling turan ng mommy ko habang kinikilig.


Grabe to si mama.


Sa lahat ng babaeng naiuwe ko sa bahay itong bulinggit na to ang gustong-gusto nya. Nagtataka ako dahil dati, everytime na may babae ako agad nya itong sinisigawan, pinapagalitan, pinapahiya at pinapalayas.


Pero kay Pipay-----tsk ano nanaman kayang balak nito.


And what? Fiance? Ano ba tong pinagsasabi ni Mommy.


"Pipay anak, simula ngayon Mommy na ang itawag mo sakin ah" ani nang bruha kong nanay habang mahigpit na hawak ang kamay ni Pipay. At nakapikit pa syang hinahaplos-haplos ang kamay nito.


"Ha? B-bakit po Tita?" nagtataka ding tanong ni Pipay kay mommy.


"Dahil mapapangasawa ka ni Austin"


"Ah mapapangasawa lang pala e wala yun-----HAAA???!! mapapangasawa?! Ni Austin?! Hala nag-aaral pa po ako Tita--"


"Mommy nga sabi" pangungulit ni Mommy kay Pipay.



Hayysss. Fiance palang naman pero gustong-gusto nya na agad na tawagin syang mommy ni Pipay.


"Ah Tita Mommy, di-dipo pu-pwede. Bat po ako naging Fiance? Bat po aasawa? Bata pa ho kami, nag-aaral pa po ako. Magagalit po parents ko. Baka nagkakamali lang ho kayo Tita Mommy. Yung totoo po nagpapanggap lang naman talaga kami, hindi naman po talaga kami mag-----"


"Aaaarray---nak hoy Austin san mo ko dadalhin, naaaaakkk----"


Diko na pinatapos ang sasabihin ni Pipay at agad kong hinila ang mom ko palabas ng kwarto.



"Mom dyan ka muna sa labas---" ani ko.


"Pero nak -- hoy Austin, papasokin mo ko gusto ko pa makausap si baby Pipay ko------" agad ko nang sinara at nilock ang pinto.

Pagkatapos ay agad akong pumunta kay Pipay.


"Baliw kaba?" ani ko.


Haysss. Ang daldal nya talaga, muntik nya nang masabi sa bruha na hindi talaga kami mag jowa, mamaya bawiin pa ni mommy yung sinabi nya.


WHEN A FUCKBOY FELL IN LOVE WITH A CUTE PROBINSYA GIRLWhere stories live. Discover now