WENDY
"Are you stupid? Oh sorry. It was so rude of me to phrase it as a question. You are stupid!"
HALOS NAPATINGIN sa akin ang lahat nang sabihan ko si Zen ng gan'yon. Hindi lang siya ang beast mode ngayon, ako rin. Ayoko munang may kausap.
"That sounds like Ranpo Edogawa's line. You cunning copycat!"
"Whatever, just get away from me! I never wanted to entertain your stupid ideas!" iritable kong sabi at ikinabit ulit ang earphones sa tainga ko kahit wala nang music.
Ipinikit ko ang dalawa kong mata at huminga nang malalim. I tried hushing myself but a loud thud has made me open my eyes again and almost jumped from my seat.
Lumingon ako sa tabi ko at nakita kong wala na ang upuan ni Zen. Nakaangat ang paa niya na para bang may sinipa. Then I found his chair that flew away at the back.
Fudge up, this guy's a monster. He'll end up going to principal's office. Napagbintangan lang siyang magnanakaw, nagwala na. I don't understand this guy. Ang babaw niya.
Sinipa niya pa ulit ang upuan na nasa harap ng seat niya, kasi wala pa naman 'yung may-ari no'n, at lumipad ulit 'yon sa kabilang gilid.
Nananahimik lang ang mga kaklase ko na pinapanood si Zen. Wala silang balak pigilan siya—now, that's not the right term—takot silang pigilan siya. We can't do anything, can we?
I sighed. We'll never know unless we try.
Sisipain niya na sana ang iba pang unoccupied na upuan nang tumayo ako at hinawakan siya sa braso. "Stop being so childish."
Tumingin siya sa 'kin ng ilang segundo at saka inalis ang kamay ko kanya. "I need sleep."
Need sleep? We have the classes coming, and he'll have a sound slumber? And above all, it's just around six in the morning! Didn't he get enough sleep? His insanity drives me crazy.
Lumabas siya ng classroom. Malamang babalik siya sa dorm para matulog. Boarding school din kase ang Percevale High School. Pero ayokong may ka-share sa room kaya sa isang apartment ako umuupa. Medyo malayo kasi ang bahay namin mula dito.
Tumahimik na ang paligid yamang wala na si Zen. At saka umupo na ulit ako sa upuan ko. Nagbasa nalang ako ng ebooks habang hinihintay ang first period teacher namin.
Hindi ako makapag-focus sa klase dahil hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ni kuya. Akala ko susuportahan niya ako sa pag-iimbestiga. Within the five years, ngayon lang ako nabuhayan ng loob alamin kung anong nangyari ka mama dahil nalaman ko ang identity ng phantom detective. If he weren't only stupid enough before, I wouldn't have taken these pictures.
Sinabi rin ni kuya na layuan ko si Zen. Totoo namang crime-magnet ang phantom detective pero nakatago naman ang identity niya e. At saka harmless naman ang high school 'Zen' so I think I'll be safe. Kung hindi pa nahuhuli ang pumatay kay mama, kami mismo ang magbubunyag ng mga evil deeds niya. Serial killer, huh.
Lunch break.
Wala akong baong lunch dahil pinagmadali ako ni kuya na kausapin kanina. Bwisit. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naalala ko ang nangyari kaninang madaling-araw. Why won't he help? Why won't he bring justice to light? Is having mom's case unsolved would make anything better? No!
BINABASA MO ANG
The Phantom Detective ✓
Mystery / ThrillerHave you ever met a highschool detective that doesn't show himself in the crime scene? People around here called him the Phantom Detective. After discovering the phantom detective's identity, Wendy has started extraordinary adventures in a world fi...