Chapter 05: The Phantom Thief

905 49 7
                                    

WENDY

WE ALL looked back and stared at the open field na nasa gilid ng ice cream cart. The sparkles in their eyes are quite visible and shouted in chorus, "THE FIELD!"

"What a coincidence! Nasa harap na natin ang baseball field. Or a.k.a diamond." sabi ni Skye. "With a size of 27.43 square meters."

"Hindi na namin kailangang marinig ang sukat ng field."

Tumingin ulit ako kay Zen na busy lang sa pag-ubos ng ice cream niya. Mukha siyang nag-eenjoy sa pagkain at hindi pinapansin ang mundo. Pfft. This isn't a coincidence. Zen purposely dragged us here.

"For sure," Sophie said while pointing her finger across the field. "Makakausap natin si manong doon."

Ibinaling namin ang pansin sa tinuturo niya at natagpuan ang isang cabin. Sa harap noon may may natutulog na lalaki habang nakaupo lang. Pumasok kami mula sa entrance ng field at lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. Pero bago namin ito gisingin, nagtanong muna sa amin si Kentonni.

"Anong itatanong natin sa kanya? List ng members ng team nila? Maraming baseball team dito sa city. Sabi nga ni Skye, may 25 million na population dito sa Ranshin. Sa 25M na iyon, ilan ang baseball player? Thousands? Hundred thousands? Finding needle in a haystack again?"

"Not really," sagot ni Zen. "Look at the old man's shirt. The team's name is Crepe's."

"Crepe's. Isn't that a tech corporation?" singit ko sa usapan.

Skye clicked his tongue. "Seriously, airhead? Ano naman kung kapareho ng team name nila ang corporation na 'yon? Haven't you considered the coincidence?"

"Nu-uh! Halatang hindi interesado si skunk sa baseball," sagot naman ni Zen habang nakangiti. "The founder of their team... is the son of the corp's president."

"Like hell I care."

"Oh, 'yung Crepe's! Naalala ko ang dati nilang product. Jet engines, right? Kaso hindi masyadong mabenta. Haller? Sino may kailangan ng jet engines ngayon? To travel alone in the sky?"

"Exactly. The thief uses jet engines, too."

"Hoy, kayong mga bata! Private property 'to. Hindi kayo dapat nandito."

Nagulat kami sa sigaw ng manong kanina na natutulog. Mukhang nagising namin siya dahil sa ingay namin. Nakakunot ang noo niya sa 'min at nakapamewang na para bang mga pasaway kaming estudyante. Oh right, ako lang pala ang nakaschool uniform pa among us.

"Sir, mayroon lang po kaming gustong itanong. Hihingiin po sana namin ang mga listahan ng members ng team at impormasyon—" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Kentonni nang biglang nagsalita agad ang lalaki.

"Hindi pwede. Sige na, umuwi na kayo."

"Teka lang po kuya!" pakisuyo naman ni Sophie. "Mahalaga lang 'to—"

"Malay ko ba kung anong gagawin n'yo sa impormasyong makukuha n'yo. At saka ikaw," sabi ng lalaki at humarap sa 'kin. "Taga-Percevale ka? Alas tres pa uwian n'yo. Nagcutting ka para lang dito?"

"Manong, mahalaga po kasi 'to. Members at impormasyon lang naman nila ang kailangan namin. We have no ulterior motive." pagtatanggol ni Skye.

"Kung gusto n'yo ng listahan ng members, pumunta kayo sa google." sabi ng lalaki at binuhat ang monoblock chair na inupuan niya kanina. "Wala akong balak na bigyan kayo."

"We already looked up at the internet. It only says their name. We need the address, contact numbers and any information we can be of use." seryosong sabi ni Zen. "Right here and now, our friendly online database is useless."

The Phantom Detective ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon