*1

590 7 4
                                    

"lola sige na , bili mo ako nun please .. lola naman eh " yinuyugyug ko yung braso ni lola habang naglalakad kami pauwi , sumama ako sa kanya sa pamamalengke nang napadaan kami sa isang tindhan ng mga laruan. may nakita kasi akong blue bear dun at pinipilit ko si lola na bilhin yun. ang cute cute kasi eh at gustong gusto ko talagang iuwi yun :(

"hay nakung bata ka , wala na nga tayong pera. atsaka umayos ka nga nagdadalaga kana para ka paring bata" nagpatuloy na sa paglalakad si lola pauwi habang ako ay naiwan paring nakatayo. napanguso ako dun sa sinabi niya. ako nagdadalaga na ? psh.

ako nga pala si Arla, 13 years old palang ako at first year high school. ulila na ako, parehong namatay ang mama at papa ko nung sumabog ang isang terminal ng bus 10 years ago. at himalang ako lang ang nakaligtas sa aming tatlo. simula nun, si lola dina na ang nag-alaga sakin.

"haaaaaaaaayyyy" mukhang hindi ko na talaga mabibili yung blue bear nayun ..

walang gana akong naglakad ulit para sundan si lola pero nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko yung ...

"BLUE BEAR ?????" hawak ito ng isang kamay mula sa likuran ko, agad akong lumingon para tingnan..

"Hi little girl...." bumungad sakin ang isang napakatangkad na lalaki na nakangiti habang hawak parin ang blue bear.

"diba gusto mo to?" sabi niya sabay ngiti sakin.

*dug dug dug dug*

hala ! napahawak ako bigla sa dibdib ko, bigla kasi bumilis yung heartbeat ko.

"oh ito oh...." inabot niya sakin yung blue bear. kahit gustung-gusto ko ng kunin at yakapin yung bear eh di ko magawa. para kasi akong nabato sa kinatatayuan ko ng di ko malaman ang dahilan. yung heartbeat ko ang bilis bilis parin.

"sa--sakin na po to ?" naglakas loob na akong magsalita. tumango lang siya habang ngiting-ngiti parin.

bigla niyang kinuha yung kamay ko at binigay sakin yung blue bear.. teka bakit parang nakuryente ako..??

bigla siyang yumuko at bigla niyang ginulo yung buhok ko. "alagaan mo yan ha..." at tumalikod na siya habang ako ay nakatulala parin at tinitingnan siya habang papalayo. nang matauhan ako ay tumalikod narin ako at naglakad.

"TEKA!!...." napalingon ako ulit sa pagsigaw nya.. "ANO PANGALAN MO LITTLE GIRL ?" little girl? mukha ba akong duwende?

"ah-ha? ahm ano.. Arla po...." nauutal kong sagot sa kanya...

"ANO ???" naglakad siya ulit palapit ng kunti sakin..

"ARLA PO..." sigaw ko... ngumiti ulit siya..

"AKO SI ANGELO... KUYA ANGELO...BYE ARLA, UWI KANA " nagpatuloy na siya sa paglalakad, ganun din ako..

hmmm, angelo...kuya angelo... :)  ewan ko pero napangiti ako bigla.

May - December LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon