*6

178 3 0
                                    

ilang araw ko nang di pinapansin si kuya angelo simula nung nakita kong niyakap at hinalikan siya nung babaeng si coleen. pinupuntahan niya ako dito sa bahay pero lagi akong nagtutulug-tulugan o di kaya ay pinagtataguan ko siya. nagtataka nga si lola kung bakit eh, kasi sa tuwing pumupunta si kuya dito halos liparin ko ang hagdan para salubungin siya.

close narin kasi sila ni lola, wala kasi ang pamilya ni kuya Angelo dito sa Pilipinas kasi nasa China sila. siya lang ang nagpaiwan dito.

andito ako ngayon sa kwarto nakahiga at nagkukulong, ayokong lumabas baka biglang dumating si kuya. ayoko pa siyang makausap ngayon dahil galit parin ako sa kanya at sa Coleen na yun. magsama nga sila hmmp.. buti pa tong si blue bear laging nasa tabi ko...

"hmmmmmmm" ang sarap talagang e hug ni blue bear..

*tok*

napabangon ako bigla sa pagkakahiga ko. ano yun ?

*tok*

parang may nambabato sa labas ng bahay?

dali dali akong lumapit sa may bintana para tingnan kong sino yun. dumungaw ako sa bintana, mataas kasi ang bahay namin..

"sino-----"

" HOY BABY GIRL. . . . . " si kuya Angelo? bat niya binabato bahay namin?

"BABY GIRL BUMABA KA. . . ."  

"hmmp. ." inirapan ko siya.. galit ako sa kanya..

"HOY !! galit kaba kay kuya ?" hmmp bahala ka nga diyan..

isinara ko yung bintana ng kwarto ko at bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. bahala ka kuya! galit na galit na galit ako sayo.. errrr

kunwari ang bait bait, may girlfriend na pala di man lang sinabi sakin.. akala ko ba ako lang baby girl niya..

maya maya may narinig akong tugtug ng gitara sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

 (play the video -->)

Hawakan mo ang kamay ko

Ng napakahigpit

Pakinggan mo ang tinig ko

‘Di mo ba pansin?

boses ni kuya Angelo..

May - December LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon